Nang makarating sa sementeryo ay nagulat pa ako sa nakita ko. "Si Knight ba iyan?" bulong ko habang sinisipat kung ang bago nga naming kaklase ang nakikita ko may kalayuan sa kinatatayuan ko. Nang humarap ang tao sa may gawi ko ay saka ko napagtanto na siya nga ang nakikita ng dalawang mata ko. "Si Knight nga!" Nilapitan ko s'ya at dahan-dahang lumapit sa kanya. "Huli ka!" panggugulat ko pa sa binata. "Oy, ikaw pala. Good morning!" Maganda talaga ang umaga lalo pa at ganyan kagwapo ang makikita kong kakalat-kalat sa mundong ibabaw... "Gandang umaga rin. Ano'ng gingawa mo rito?" Nang makita ko ang ngayon ko lang napansin na walis na hawak n'ya ay napalatak ako. "Anak ng! 'Wag mong sabihing pati rito sa sementeryo ay nag-ja-janitor ka? Ang sipag mo naman?" "Ha Ha Ha!" Pustiso ka! Tum

