Matapos kong umiyak nang todo ay humiwalay na ako sa pagyakap kay Knight. Baka kasi isipin niyang nananantsing lang ako, eh. Mapagkamalan pa akong manyak. "Salamat, ha?" sabi ko kay Knight nang maging maayos ang pakiramdam ko. Ang arte ko lang, 'di ba? "Wala 'yon. Ayoko lang talagang nakakakita ng babaeng umiiyak." Don't worry, bebe ko. Iiyak ulit ako tomorrow... Ayiih! Stopt it, Kakay! Dalagang Pilipina dapat! saway ko sa sarili ko dahil nakakakita na ako ng mga lumulutang na puso. Humarap ako sa kanya pagkatapos kong matauhan mula sa kalandian. "Alam mo, kakaiba ka!" "Paano ako naging kakaiba?" "Hindi ka kasi katulad ng iba na pang-aalaska lang ang alam." "Ahh, laking Bearbrand kasi ako kaya hindi ako nang-aalaska." "Ay! Ka-corny naman nire!" Hinampas ko s'ya nang very sli

