"Hatsing!!!" Mula pag-uwi ko kanina galing sa paggagala kasama ang future boyfriend ko ay bahing na ako nang bahing. Masakit ang ulo ko dahil may sipon ako. Tumutulo pa nga, eh. Kaasar! Mabuti na nga lang at hindi ako natuluan ng sipon kanina habang magkasama kami ni Knight. Dahil kung nagkataon, nakakahiya na masyado. Mantakin mo ba naman na nakita niya akong may muta tapos makikita pa niya akong may uhog?! That's a big, big, big yucks! "Ayos ka lang, bunso?" tanong ni Kuya Gino sa akin. Nandito ako sa sala at nakahiga habang ang kanan kong braso ay nakapatong sa noo ko kaya feel kong mainit talaga ako. "Ewan ko, Kuya Gino. Nahihilo kasi ako, eh, tapos tumutulo pa ang sipon ko." "Magluluto ako mamaya ng sopas para makahigop ka ng mainit na sabaw," sabi naman ni Kuya Rick na

