"Tara na?" yaya ko uli sa gwapo kong kasama. Ilang minuto na kaming tapos kumain kaya pwede na kaming maglakwatsa uli. Balak ko kasi siyang bilhan ng bike. Hindi ko naman personal na pera ang gagamitin kaya dapat lang din yatang ibili ko na lang para kay Knight total ay kaibigan ko na rin naman s'ya. "Saan na naman?" "Diyan lang. Bakit? Uuwi ka na ba?" "Hindi pa naman." "Hindi pa naman pala, eh. Kaya tara na bago pa magbago ang isip ko." Papunta na kami sa bilihan ng mga bike nang mapadaan kami sa isang food court na may tv. Kasalukuyang nakaere sa balita ang medyo pamilyar na mukha kaya naman napahinto ako. "Bakit?" tanong ni Knight. Tumingin din s'ya sa tinitingnan ko. "Kilala mo?" "Hindi naman personally na kilala ko." Itinuro ko ang binatang hanggang balikat ang medyo ku

