GRABE! As in grabe na talaga! Mantakin mo ba naman na ang bago kong classmate na bully at ang bata sa picture ay iisa! Bakit ko kamo nasabi? Natural. Dahil hindi naman nabago ang mukha niya. Ay, mali pala. Mas gumanda pala.. Tiningnan nga ulit ang babae na sobraaaaang sama na ng tingin sa akin. Naka-crossed arms pa talaga siya at parang toro na susugod sa akin ano man na oras. Mukha ngang manika at sobrang ganda, pangit naman ang ugali... Nang humakbang palapit sa gawi ko ang babae ay napaatras ako. Habang gumagawa siya ng paghakbang papunta sa akin ay umaatras naman ako. Ano naman kayang gagawin sa akin ng babaeng 'to? Sinulyapan ko si Trinity na nakatingin din sa akin. Tinanguan ko siya at bahagyang sinenyasan na tumayo siya dahil tatakas kami. Tumango siya sa akin kaya nan

