KAHIT hindi ako pinansin ni Knight ay binalewala ko na lang iyon. Duh? Parang tanga kong itinuro ang sarili ko... "Ako? Ha! Ako kaya si Kakay! Sanay akong ma-reject!" Ngumuso ako at bumusangot. "Kakayamot ka, 100-times!" Mahina lang naman ang boses ko para walang makarinig. Baka isipin nang makarinig sa akin ay matapos kong ma-hospital ay lumuwag na ang turnilyo sa sa utak ko. Kaasar ka, Knight! Akala ko pa naman ay mabait ka! Hindi pala! "Itinuring pa naman kitang kaibigan tapos ganito pa ang mangyayari! Hindi na kita lov—Ay! Baboy na lalay ang s**o!" Nasapo ko pa ang dibdib ko dahil sa gulat. Malakas na tawa ang pumailanlang sa paligid. Baritonong tawa na nakakaakit. Char. Tiningnan ko ang lalaking tumawa. Ang saya ng mukha niya dahil sa ginawa niyang panggugulat sa akin.. M

