MATAPOS namin na makapamili ay pumunta kami ay umalis na kami sa mall at pumunta sa kung saan. "Saan po tayo pupunta ngayon?" tanong ko pero deep inside, natutuwa ako. Feeling ko kasi ay sinabi lang sa akin nilang apat na may girlfriend na sila just to test my maturity kahit ang totoo ay wala naman talagang may girlfriend kina kuya, eh. Ako pa rin talaga ang kanilang baby girl. "Yes!" wala sa loob na sigaw ko pa pagkatapos ay humagikhik ako na para bang kinikiliti ako sa singit. Buset ka talaga, Kakay! "Masaya ang bunso namin, ah? Okay ba ang mga pinili natin?" "Oo naman, Kuya Reymond. Marami na nga 'to, eh. Salamat sa inyo." "Naku, talaga 'tong bunso namin. Okay lang. Basta para sa iyo ay gagawin namin ang lahat. Ibibigay namin ang lahat as long as hindi makakasama sa iyo," s

