KAHIT MAHIGIT isang oras na kaming magkahiwalay ni Knight ay hindi pa rin mawala ang ngiti ko. Ang saya ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag itinuturing kang espesyal ng ibang tao. First time may magtapat sa akin ng feeling niya kaya naman hindi pa rin ako maka-move on hanggang ngayon. "Malapit na ang founding anniversary ng school niyo, bunso, ah?" untag sa akin ni Kuya Gino kaya naman ay natuon ang atensyon ko sa kanya. Oo nga pala. Kung hindi pa sinabi ni Kuya ay hindi ko maalala. Kasi naman, eh, hindi man lang nag-announce ang school faculties. Before kasi, isang buwan bago ang event ay pinapaalala na sa lahat ang anniversary. Ngayon ay wala pa ring ganap. "Oo nga po pala, Kuya, no?" "Bakit? Hindi pa ba gumawa ng announcement?" "Hindi pa po, papa. Before kasi, 'di ba, excited

