HABANG NAGLALAKAD AKO papunta sa office kung saan naroon ang kaibigan ko ay may humila sa kamay ko papunta sa isang sulok. Napatili pa ako dahil kalandian—sa gulat pala. Ayon, napatili ako dahil sa gulat. Papalag na sana ako pero ikinulong na ako ng mga kamay na iyon sa mga bisig niya. Oh my gosh! Wash dish? Sinetch itey? Dahil nakapikit ako ay hindi ako aware kung sino ang nakayakap sa akin. Basta, ramdam ko lang ang matigas niyang dibdib na nasasandalan ng pisngi ko, ang matigas niya ring braso na nakapulupot sa katawan ko at naaamoy ko ang— Teka nga. Wait lang. Familiar sa akin ang pabango na 'to ahh.. Para dramatic, tulad ng napapanood ko sa t.v ay unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Ahhhhhhhh.... Ang sweet naman ng boyfriend ko...

