bc

Ghosto Kita (In Another Life)

book_age16+
704
FOLLOW
3.7K
READ
billionaire
forbidden
friends to lovers
playboy
arrogant
drama
twisted
bxg
another world
spiritual
like
intro-logo
Blurb

CLICK THE HEART BUTTON TO ADD THIS STORY TO YOUR LIBRARY

Yanessa Francia grows up in a ruthless world, filled with darkness past, and undeniable pain. She is a lost person who doesn’t know where path she will choose to walk. Tila nagpapaagos na lamang sa tubig kung saan siya balak dalhin ng mundo.

But one magical night changes her life.

She mistakenly summoned a wrong ghost from another world.

A ghost about her age that cannot remember anything who lost his memories and keeps on bothering Yanessa, because she is the only person that can see and hear him.

Ang kakayahan at lakas ng isa’t isa ay kanilang gagamitin upang makamit ang mga katanungan na hindi nagpapatahimik sa ligaw nilang mundo.

Ngunit paano mapapanatili ni Yanessa ang ligaw na kaluluwa sa gitna ng misyon nila kung ang kasiyahan at kalungkutan niya ang nagpapalakas sa multo? At ang galit niya naman ang siyang nagpapahina rito? Paano niya mapapalakas ang kaluluwa ng lalaki kung puno ng galit ang puso niya sa mundo?

Their feelings towards each other cannot be concealed anymore.

Until the past will unfold, they will found the Ghost’s identity. He is Elton, the rebellious son.

Now that Elton found his body and woke up after being comatose for several months, would they still have a chance? Would this time, be a perfect time for them to love? Or their magical love story as human and ghost will end as a story that will forever untold?

She is a lost person, he is a lost soul.

Two worlds, but destiny let their path crossed.

Ang isang ligaw na tao na puno ng galit sa mundo at isang ligaw na kaluluwa na tanging sarili lamang ang kayang mahalin, maaari bang mahanap nila sa isa’t isa ang tunay na kabuluhan ng pag-ibig? Where in their arms, their soul and life won’t be lost anymore.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1: SPIRIT OF THE GLASS
YANESSA’S POV Nakatitig lang ako sa bolang crystal na nasa ibabaw ng lamesa sa harapan ko. Umangat ang tingin ko sa matandang babae na maraming kwintas sa leeg at isang panyo na nakapulupot sa kanyang nuo. Nagsimula na siyang lumikha ng kakaibang ingay na hindi ko maintindihan habang hawak ang dalawang palad ko. “Ano nga ulit ang pangalan ng kapatid mo?” biglang tanong nito habang nakabukas ang isang mata. “Yuan,” tamad kong sagot at mabilis niyang sinarado ang mata. Tinawag niya ang kaluluwa ng kapatid ko, may kung ano pa siyang sinabing dasal sa gitna ng pagtawag niya. “Narito na siya, nasa iyong tabi, nakatayo at may ngiti sa labi.” Mapakla akong napangiti sa sinabi ng matanda. Gumuhit ang mapait na alaala sa aking isipan. Nakangiti? Yan ang emosyon na maaaring huli kong makita sa kanyang mukha kung sakali man na magkausap kami. “Pwedi ko bang malaman ang suot niya bago siya namatay?” nanghahamon kong tanong. Saglit siyang natigilan at napaisip. “Pa-pang-bahay. Simpleng t-shirt at short,” tiyak niyang tugon. Napanguso ako at bigong tumango. Dinukot ko ang pera sa bulsa at nilapag sa ibabaw ng lamesa. Mabilis kong inayos ang bag ko at nilagay sa aking balikat ‘tsaka tumayo. “Aalis kana agad, ija? Yun lang? Hindi mo na kakausapin ang kapatid mo?” takang tanong nito ngunit halata ang saya sa mukha habang hawak ang pera na binayad ko. Marahan akong tumango at walang imik na naglakad palabas. Pagkalabas ko ay isang malaking simbahan ang bumungad sa akin, saglit ko iyung sinulyapan bago mabilis na naglakad papunta sa daan ng aking eskuwelahan. Oras ngayon ng klase ngunit wala ang prof namin para sa major subject kaya naisipan ko na pumunta sa may simbahan kung saan may isang matanda raw na tumatawag ng kaluluwa. Hindi pa ako nakakaabot ng room namin ay kita ko na na nagsisimula na ang klase. Napangiwi ako at huminga ng malalim. Nakayuko akong pumasok sa likod habang may sinusulat ang instructor namin sa pisara. Mabuti na lang at nasa likod ang puwesto namin ni Margie. Nang mamataan ako ni Margie ay mabilis niyang nilipat sa isang upuan ang bag nito at tinulungan akong makaupo agad para hindi mahalata ang pagiging huli ko sa klase. “Ano? Effective ba? Nakausap mo yung kapatid mo?” bulong niya nang makaupo ako. Pagod kong nilabas ang libro ko sa loob ng bag at blangko siyang binalingan ng saglit na tingin. Ang dulo ng ballpen na pinaglalaruan niya sa kanyang labi ay kinagat niya nang mabasa ang ekspresyon ng mukha ko. Nahihiya siyang ngumiti at tumango. “Paano mo nalaman na fake yung matanda na tumatawag ng kaluluwa?” mausisa niyang tanong. Saglit kong sinulyapan ang pisara at mukhang tapos na si sir sa kanyang sinusulat kanina. Bumalik ito sa harapan at binuksan naman ang libro na tila may hinahanap na kung ano roon. “Nakapang-bahay daw si Yuan.” “Oh? Ano naman ngayon?” muli niyang tanong habang nagsusulat. Napakagat ako sa pang-ibabang labi, sa lakas ng epekto sa akin ng trahedya na nangyari ay malinaw sa akin ang bawat eksena bago nawala ang kapatid ko. Pati kasuotan nito at ayos ay sobrang linaw kapag binabalikan ko ang alaalang iyun. “Nakasuot siyang uniform,” pumiyok ako sa pagsagot dahilan para maramdaman ko ang awa sa mga mata ni Margie nang tignan ako nito. “Are you done writing? Let’s proceed to our discussion.” Hindi na ako nakarinig pa ng tanong kay Margie nang magsimula na sa pagleksyon si sir. Nang matapos ang last subject namin ay agad na kaming nag-ayos ng mga gamit at lumabas ng room. Nasa tabi ko si Margie na abala sa kanyang cellphone. “Akala mo tapos na? May isa pa akong kilala, Yanessa!” masayang sambit nito sa gitna ng paglalakad naming dalawa pauwi. “Isa na namang fake?” Pabiro niyang tinampal ang balikat ko at sarcastic na humagikhik ‘tsaka ako sinimangutan. “Jena ang pangalan niya. Polical science ang kurso, marunong siya ng latin. Alam mo ba yung latin? Yun ang ginagamit niya kapag tumatawag ng mga kaluluwa,” pagbibigay niya ng impormasyon. “At ano ang gamit niya, spirit of the glass at libro na latin?” nanunuya kong tanong. “Galing mo!” she exclaimed. “’Pano mo nalaman?” Tinaasan ko na lang siya ng isang kilay. Sa rami ba naman ng mga nakilala kong tumatawag ng kaluluwa ay hindi na bago sa akin ang spirit of the glass. Nasubukan ko na rin yan noon, at katulad ng laging nangyayari ay napupunta sa wala ang resulta. “Pupunta siya sa boarding house natin mamaya, ayain natin sina Ernest at Tony para masaya.” Gusto ko sanang magpahinga at maging tahimik ang aking paligid sa gabing ito ngunit mukhang may plano na si Margie sa mangyayari mamaya. “Bawal ang lalaki sa boarding house,” tamad kong paalala sa kanya. Napakamot siya sa leeg niya at saglit na napaisip. “Magpapaalam tayo. Sabihin natin may group activity.” Nagkibit-balikat na lamang ako at tumango. Wala rin naman akong magagawa, alam kong hindi papapigil si Margie sa nais niyang mangyari. Sa dalawang taon na pagsasama namin ni Margie sa iisang boarding house ay mas nakilala ko siya, hindi tulad noon na nagkikita lang kami kapag may okasyon sa pamilya. Pinsan ko siya at hindi kami malapit noon, kinailangan ko lang magtipid kaya tinanggap ko ang alok niya na tumira sa boarding house nito. Mas nakilala ko siya bilang isang kaibagan, kung paano siya makitungo sa tao. Si Margie ay mahilig sa mga paranormal activities, gustong-gusto niya na makakita ng multo o kaluluwa. NANG MAKARATING kami sa boarding house ay agad akong nagpalit ng damit at nagluto ng kanin habang si Margie ay nakatutok sa kanyang cellphone. Kausap siguro ang bisita nito na pupunta rito mamaya. “Kasama nila si Tony. Bale, si Ernest, Tony, at Jena ang pupunta rito mamayang alas syete y media.” Pinunasan ko ang kamay ko at sinulyapan ang orasan na nasa dingding. Malapit na mag-alas syete y media, ilang minuto na lang ay baka dumating na sila. “Bibili lang ako ng ulam. Kakain ba sila rito?” tanong ko kay Margie na nakaupo pa rin sa kama. Umiling siya ng hindi nakatingin sa akin. Humarap ako sa maliit na salamin na nakadikit sa dingding at tinali ang buhok kong umaabot ng baywang. Saglit na pinagmasdan ang mukha ko sa salamin. Pale ang kulay ng balat ko, parang walang buhay sa sobrang puti. Dinilaan ko ang labi kong maputla. Ang sabi nila kahit wala akong ayos ay maganda ako, paano pa raw kung mag-ayos ako. Ang brown na kulay ng mga mata ko ay namana ko sa aking ina, ngunit ang banyagang kulay ng balat at buhok ko na natural blonde sa dulo ay nakuha ko sa aking ama na may lahing banyaga. Ang maliit kong mukha at pangangatawan ay maaring nakuha ko kay mama. Lumabas na ako, tahimik ang madilim na kalye dahil nasa eskinita ang lugar namin. Wala masyadong tao, wala rin masyadong dumadaan na sasakyan dito. Hindi ko alam kung paano ba makakauwi ang mga bisita ni Margie mamaya, sigurado ay wala silang sasakyan pauwi kapag nagpagabi pa sila lalo. Hindi ako palakaibigan, sa katunayan ay hindi ako ganun kalapit sa mga tao. Yun ang bagay na pinagkaiba namin ni Margie, pinapakisamahan ko na lamang ang mga tao sa paligid niya dahil kahit papaano ay pinsan ko siya, kapatid na kung ituring. Nasa highway na ako kaya umingay na ang paligid sa mga sasakyan sa daan. Mabilis kong tinignan ang magkabilang banda bago tumawid dahil naroon ang bilihan ng ulam namin ni Margie, mura lang at masarap kaya kahit malayo ay ayos lang. “Manang, isa nga ‘ho nito.” Tumango sa akin ang ale nang makita ang ulam na tinuro ko. Iniabot niya sa akin ang gulay na binili ko at bayad naman ang binalik ko sa kanya. Hinintay ko pa ang sukli kaya saglit kong dinapuan ng tingin ang kalsada na may rumaragasang mga sasakyan. “Naku! Buti na lang naalala ko, mag-iingat ka sa pagtawid diyan.” Napalingon ako sa matanda na nagtitinda ng gulay. “Balita ko ay may aksidenti na nangyari riyan, yung nagmamaneho binawian agad ng buhay.” Hindi ako naging komportabli sa sinabi ng ale dahil yun din ang dahilan ng pagkamatay ng aking kakambal. Tipid lang ako ngumiti at kinuha ang sukli sa kanya na walang imik. “Mga kabataan kasi ngayon, puro pasaya lang. Ayan tuloy ang inabot,” pagkakausap nito sa kanyang sarili bago ako tuluyang makaalis. MALAYO PA LANG ako ay namataan ko na ang isang motorsiklo sa harap ng boarding house namin. Mukhang nariyan na nga ang bisita ni Margie. Walang pag-aalinlangan akong pumasok sa loob at dire-diretso sa kusina dahilan para tumahimik ang kaninang maingay na nagkukuwentuhan. Nilagay ko ang binili kong ulam sa plato. Hindi na yata nakayanan ni Margie ang katahimikan kaya tumikhim ito at lumapit sa akin. “Pinsan ko nga pala, si Yanessa Francia,” pakilala sa akin ni Margie at hinawakan ang magkabilang balikat ko ‘tsaka pinaharap sa mga kaibigan niya. Hindi ako ngumiti at tinitigan lang sila isa-isa. “Ito si Tony, pinsan ni Jena. Engineering yan, second year. Yan naman si Jena, yung sinasabi ko sayong political science, second year din. Tapos ito naman si Ernest, nagkita na kayo noon. IT ang course at second year din,” Margie smiled at me and walked towards her friends. Tinanguan ko lang sila at bumalik sa lamesa para kumain. Nakita ko pa yung Jena na kumaway sa akin at nahihiyang ngumiti. “Kain,” tipid kong alok sa kanila. Nahihiya silang ngumiti at mabilis na tumango sa akin. Hindi sila makagalaw ng maayos, malayo sa kaninang ginagawa nila bago ako dumating. Nagsimula na akong kumain at mukhang naging komportabli naman sila nang makita ang pagiging abala ko sa pagkain. “Okay lang mag-ingay, wala naman kaming masyadong kapit-bahay dito.” Nag-uusap sila tungkol sa gagawin mamaya at hindi ko maiwasan na makinig. “Bubuksan ko ang lagusan at agad nating isasara kapag masyadong malakas ang enerhiya ng kaluluwa na papasok. Maaari kasing makaapekto yun sa atin, o masundan tayo,” sambit nung Jena sa marahan na boses. “Bawal daw matatakutin,” biro nung Ernest kay Margie. “Ulol! Baka ikaw pa ‘tong unang matakot,” Margie said bravely. Napahawak lang sa batok niya yung Ernest sa pagkakapahiya at nagtawanan sila. “Anong oras tayo magsisimula?” rinig kong tanong nung Tony. “Maganda sana alas tres, pero baka mapuyat tayo. May pasok pa naman bukas. Okay na yung hating-gabi,” sagot naman nung Jena. Saglit ko siyang sinulyapan. Payat ang babae na may mahabang buhok at morena ang kulay, malayo sa kanyang katangian ang pagtawag ng ligaw na kaluluwa. Isang hangin lang yata nito ay agad na liliparin. Nasisiguro ko na walang mangyayaring kakaiba mamaya, wala akong tiwala sa kakayahan nito. Baka magtakutan lang naman sila, tulad ng laging ginagawa ni Margie. Matapos kong kumain ay niligpit ko ang lamesa at naghugas ng pinggan. Dumiresto ako sa higaan at doon umupo habang sila naman ay nag-uusap at pabilog na nakaupo sa sahig na may sapin na nakalatag. “Education ka rin katulad ni Margie?” biglang tanong ni Jena sa akin, siya ang pinakamalapit sa akin. Tumango ako. “Second year ka rin kung ganun,” she stated again, tila ba gustong makipag-usap. Hindi na ako sumagot pa at tumango na lamang bago inabala ang sarili sa pagbabasa ng libro. Doon na siya tumigil ng mapansin na hindi ako interesado makipag-usap sa kanila. Ilang minuto lang ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
239.9K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook