YANESSA’S POV NASA LABAS AKO ng building ni Andrea at kasalukuyan siyang kinausap. Siya lang ang bukod tangi kong malalapitan na may alam sa mga Custerio. Hindi man ganun kalapit ang pamilya niya kay Gov. Esmael ay hindi maipagtatanggi na may nalalaman din si Andrea sa buhay ng mga Custerio. “Elton Custerio? Yung mukhang gago na nagbabait baitan? Pero ang totoo ay napakasama ng ugali.” Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Elton sa tabi ko. “Huh?” gulat na usal ko. “Hindi ako naniniwalang mabait yun. Bully yun, eh. His friends bullied my cousin on one of the Custerio’s party we attended,” Andrea crossed her arms. “At walang nagawa ang pinsan ko kundi tumahimik dahil nasa mansyon at party kami ng mga Custerio na pag-aari nila.” “Ah… Kung ganun alam mo kung nasaan siya? Kampanya ngayon

