YANESSA’S POV Nahihiya akong ngumiti at winagayway ang dalawang palad, mariing tumanggi sa alok niya. “Malapit lang naman ang bahay ko rito, Elton. Huwag na, salamat na lang.” Ang akala kong aalis na siya ay tinanggal nito ang seatbelt at lumabas ng sasakyan niya. Pinanuod ko siyang umikot sa unahan at lumapit sa akin. He opened the door of his car. “I’ll take you home. Don’t worry, I’m not in hurry.” Take home. Just a ride on my way home. Wala naman sigurong masama roon, diba? Dahan-dahan akong tumango at pumasok sa loob ng sasakyan niya. Nakaramdam ako ng hiya sa unang pagkakataon kung makasakay sa sasakyan ni Elton. I roamed my eyes inside, malinis at mabango. When he entered inside, naabutan niya ang paglilibot ng mga mata ko sa loo

