YANESSA’S POV I BOWED MY head to one of the most prominent guest who visited here in Phantom Hotel. Hinintay naming makaalis ang sasakyan nitong limo bago kami nagharap ni Calley na kanina pa nasa tabi ko. “Alam mo… you’re the most passionate employee I have here in Phantom Hotel. Nakikita ko na hindi mo lang pinapahalagahan ang trabaho mo kundi pati ang hotel.” He crossed his arms. “Dito na ako mananatili, Calley. This is my home,” I uttered. Sa likod ng seryoso kong mukha ay may pagpapahalaga sa Phantom Hotel. “You’re gonna live your life alone? In this Phantom Hotel?” may bahid na pag-aalala sa boses niya. Alam ko ang ibig sabihin niya, kailanman ay hindi niya ako nakita na binuksan ang pintuan sa ibang tao. Sa nag-iisang lalaki na nais makasama. “Hindi ako nag-iisa rito, nariy

