YANESSA’S POV NAPATINGALA AKO SA napakagarbong mala-palasyong mansyon ng mga Custerio. Hindi ko inakala na ganito pala ang tinatagong yaman nila dito sa syudad. Hindi lang sa pulitika ang pagtakbo ng buhay ni Gov. Esmael, kundi sari-saring negosyo at kilalang buildings. Sa tabi ko ay Elton, ngayon pa lang ay pinanghihinaan na ako ng loob. I don’t deserve him. Masyadong malayo ang agwat naming dalawa. Multo siya kaya kung tutuusin ay kaya ko siyang abutin, pero paano na lang kung maging tao na siya. Babalik siya sa buhay na kanyang kinasanayan, buhay na naiwan niya. Buhay na malayo sa akin. “Don’t be nervous. Ang mga tao sa parties na narito ay walang pakialam sa kapwa nila bisita, they only care about themselves, how they look and how they will impress other people around them. In sho

