CHAPTER 70

2529 Words

Hindi halos matapos-tapos sa pakikiharap sa mga dumarating na bisita ang binata. Halos wala siyang pahinga at hindi man lang niya magawang maupo. Kanina pa rin hinahanap ng paningin niya si Magdalena, kahit man lang sana masilayan niya ang magandang mukha nito ay ayos na para magkaroon siya ng energy man lang sa walang humpay na pagtayo, pagyuko at pakiki-pagkamay sa mga nakikiramay sa pamilya nila.  Tanaw niya ang lalaki, palakad-lakad ito sa loob at tila may hinahanap. Marahil ay si Lena na ang hinahanap nito na ngayon ay alam niyang kausap ng kaniyang ina sa VIP room. Kuyom ang mga kamao niya habang pinagmamasdan ang lalaki. Hindi niya lubos maisip na ito amg katabi ni Lena tuwing gabi. Na hinahawakan at hinahalikan nito ang babaeng mahal niya sa araw-araw na dapat ay siya ang gumagawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD