“Lena...” Salubong kaagad sa kaniya ni Kelvin nang dumating sila sa ospital. Nang malaman nila kanina ang nangyari ay halos liparin na nila ang lugar mapuntahan lang ang anak niya. God! She was hell worried. Anong klaseng demonyo ba talaga ang lalaking pinakisamahan niya ng halos lima hanggang anim na taon. Nagawa na nga nito na ipasubasta siya pati ba naman ang walang malay niya na anak idadamay pa nito sa mga kahayupan nito. “Nasaan ang anak ko?” nag-aalala niyang tanong sa binata nang magkalapit sila ng binata. Puro mantsa ng dugo ang suot na polo nito na lalong nagpadagdag sa kaba niya. “Anong nangyari sa anak ko Kelvin... nasaan ang anak ko!?” Hindi na niya napigilan ang umiyak dahil sa takot na baka kung napano na ang anak niya. Agad naman siyang ikinulong ng binata sa mga bisig

