Dahan-dahang nagmulat ng mata si Lena, agad siyang bumalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga nang maalala ang tungkol sa auction. Nakaramdam siya kaagad ng takot dahil hindi siya pamilyar sa lugar. Umalis siya kaagad sa kama at inilibot ang paningin sa buong silid. Magara ang buong lugar at hindi maipagkakaila na may sinasabi sa pera ang may ari ng bahay. Marangya ang bawat desenyo ng mga mwebles na nasa loob ng silid. Hindi nakakapagtaka na kaya nito na gumastos ng isang daang milyon para sa isang babae lang. Pinakiramdaman niya ang sarili, alam niya kung bakit siya binili ng kung sino man. Hindi naman siya ipinanganak kahapon para niya maisip ang lahat. Ang hindi lang niya matanggap ay ang mismong kinilala pa niya na asawa ang maglalagay sa kaniya sa ganoon posisyon. Alam niyang walang hi

