Chapter XXXIII “Hannah, do you like him?” seryosong tanong niya sa akin. Napakurap ako sa diretso niyang tanong sa akin. Nagsisimula na kumabog ang puso ko ng pagkalakas-lakas dahil parang may mali sa sinabi niya at sa reaksyon ko. Ganitong-ganito rin si Sienna at si Natalie sa akin pero iisa pa rin ang sagot ko. Ngayon ay si Keith na ang nagtanong. “A-Ano bang sinasabi mo? Of course not,” kinakabahang wika ko sa kanya. Tumawa pa nga ako para magmukhang kapani-paniwala ang sagot ko dahil iyon naman talaga ang totoo. I don’t like him. “Pasensya ka na kung ang dating eh nagsiselos ako sa kanila ni Natalie. I am not jealous. Nagkasundo na kasi kami ni Ryuu na kapag may ganito, sasabihin namin sa isa’t isa mismo ng diretso at walang paligoy-ligoy pero sa iba ko pa nalaman,” mahabang pali

