Chapter XXXII Nagmadali kaming pumunta sa ospital pagkasabi ko no’n sa kanya. Kasama namin si Keith at Natalie sa pagpunta sa ospital dahil walang dala si Ryuu na sasakyan nang makita nila kami. Mabuti na lang at naka-park lang ang sasakyan ni Keith sa 711 kaya hindi kami nahirapan. Hindi siya nagsalita nang sabihin koi yon. Kahit ngayong malapit na kami sa ospital ay hindi ko pa siya nakikitang magsalita. Parang naging blanko bigla ang utak niya at nagpadala na lang sa sinabi ko kaya kami nandito ngayon. I can’t help but to get worried about him and to Tito Henry. Hindi pa sila nagkakaayos ni Tito Henry. Mas maganda sana kung makakasama pa siya ni Ryuu sa sandaling panahon para mapunan niya ang pagkukulang bilang ama. Alam kong sa loob-loob ni Ryuu ay gusto niya na rin niyang magkaayo

