Chapter XLVIII Dali-dali akong pumunta ng ospital at hinanap sila. Nakita ko na umiiyak si Natalie kaya hindi ko na napigilan na sabunutan siya! I can’t bear to lose someone who is important to me again! “What the hell did you do?” sigaw ko sa kanya matapos ako awatin ni Yui. “Hannah, tama na…” awat sa akin ni Yui pero hindi ko siya pinansin. “Pagkatapos mamatay ng baby ko, si Ryuu naman? Ano ba talaga ang problema mo ha, Natalie?” sigaw ko. Hindi ko akalain na darating ang araw na makikita ko si Ryuu na nasa loob ng ospital at nag-aagaw buhay. “Ano ba ang ginawa ko para sirain mo ang buhay na mayroon ako at ipahamak ang mga taong mahahalaga sa akin?” “H-Hindi ko sinasadya…” naiiyak niyang sabi sa akin. “Ako dapat ang masasaksak ni Vance, hindi siya pero iniligtas niya ako. H-Hindi k

