Chapter XLVII Pagkarinig na pagkarinig ko ng mga sinabi ni Sienna sa kabilang linya ay hindi ako nagdalawang-isip na puntahan si Natalie kung nasaan ito ngayon. Hindi naman ako nahirapan na hanapin siya dahil nasa studio ito at kakatapos lang ng shoot. Kasama ko si Ryuu nang sumugod ako. Pinipilit niya akong pakalmahin alang-alang sa kalusugan ko pero parang nagdilim lahat ng paningin ko at walang iba kundi siya lang ang nakikita. Hindi ako nagdalawang-isip na hindi siya sugurin pagkakita ko sa kanya. Nagulat pa nga siya nang makita ako at tila naestatwa sa kinatatayuan pero nanatili pa rin itong kalmado. “Walanghiya ka!” sigaw ko sa kanya at saka siya sinabunutan. Pinagsasampal ko siya ng buong lakas gamit ang magkabilang palad ko. Pilit akong inaawat ng mga tao roon pero wala akong

