Chapter XLVI Nagising ako sa putting kuwarto na masakit ang katawan. Pinilit kong sipatin ang buong paligid hanggang sa nakita ko si Ryuu na ngayon ay nakaubob sa tabi ko at natutulog. Naramdaman niya siguro akong gumalaw kaya nagising din siya. Ang singkit niyang mata na halatang antok ay tuluyang nagising nang makita niya ako na nakamulat. “Hannah?” Kitang-kita sa kanyang mata ang pinaghalong saya at pangamba pero mas nangingibabaw doon ang saya. “Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. Dahan-dahan akong umiling. Tinawag naman niya ang doktor at agad akong tinignan. Habang tinitignan ako ay doon ko naalala lahat ng mga nangyari. Pagkatapos ko makita sa ganoong tayo si Ryuu at Natalie ay tumakbo ako palabas ng opisina. Pinilit kong tatagan ang lo

