Kabanata 7
"HOLD this for me, Renz. Bibili lang ako ng inumin."
Bago pa man makatanggi si Enzo ay puwersahang iniabot sa kanya ni Allie ang life-size pink stuffed toy nito. Pink stuffed toy. Pink. And she dared try to let him carry it.
Napatingala na lamang siya saka napabuga ng hangin.
"Niloloko ba ako ng paningin ko? Enzo? Holding a pink teddy bear?"
"Parehas tayo ng nakikita, Chase."
Mariing napapikit si Enzo. Pagkadilat ay binalingan niya ang dalawang kaibigang nakatayo sa harap. "Shut up, Kyohei, Chase," asik niya sa mga ito.
Blangko ang mukha na umupo sa tapat ni Enzo si Kei. Si Chase ay tumabi kay Kei. Nang mapansin ang pagpapalitan ng makahulugang tingin ng dalawa ay kaagad niyang inangilan ang mga ito.
"What?"
Sumipsip muna si Chase ng inumin bago sumagot. "Nothing."
"What is it?" ulit niyang tanong.
"It's actually nice to see you letting loose once in a while. Allie's good for you," sagot ni Chase.
"Tsk."
"Gusto mo?" biglang alok sa kanya ni Kei ng bitbit nitong juice. Hilig nito ang paggawa ng "energy drink" na hindi maganda sa paningin at lasa.
"No, thanks."
"Sino si Allie sa 'yo, Enzo?" tanong ni Kei.
Enzo pinched the bridge of his nose before letting out a sigh. "A friend."
"Just a friend?"
Napakunot ang noo niya. "Saan papunta ang tanong mo, Kyohei?"
Nagkibit ito ng balikat. "I'm just curious."
Even before Enzo could answer, she heard Allie's voice calling his name. Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig. Bago pa man makalapit si Allie ay tumayo na si Enzo at sinalubong ang babae.
Gamit ang libreng kamay—hawak-hawak pa rin niya ang pink teddy bear ni Allie—ay hinawakan niya ito sa bisig at hinatak papunta sa ride na mahaba ang pila.
"Bakit iniwan mo kaagad ang mga kaibigan mo?" tanong ni Allie habang nililingon sina Kei at Chase.
Inalis niya ang pagkakahawak sa bisig nito at hinawakan ito sa pisngi. Pinihit niya ito paharap para hindi na nito tingnan sina Kei.
"They're annoying."
Naputol ang sasabihin ni Allie nang makita ang pinilahan nila. "Ferris Wheel! Kanina pa kita inaaya rito, ah! Sabi mo, ayaw mo."
"Fine. Let's go somewhere else—"
Pinigilan ni Allie si Enzo sa bisig. "No. Sasakay tayo rito."
Why did it seem like he could not say no to her and her demands? He was the kind of person who was always giving orders. Now, with Allie, the situation was in reverse.
"Hn."
"Renz, pahingi naman ng picture mo," biglang ani Allie.
Enzo knew Allie was being a 'cheeseball' again and honestly? He liked messing with her. He liked seeing her red face with annoyance. It was much better than seeing the sad and lost look in her eyes thinking he could not see it.
"No," sagot niya. He almost smiled when Allie puffed her cheeks. Kailan ba 'yong huling beses na ngumiti siya? Hindi na niya maalala.
"Masyado ka talagang panira! Dapat ang sasabihin mo ay bakit!"
"Bakit?"
"So Santa knows what I want this Christmas." Nakalabing humalukipkip si Allie. "Ang pangit na tuloy. Kapag deretso ang conversation, maganda sanang pakinggang 'yong banat."
Naiiling na ipinatong ni Enzo ang libreng palad sa ulo ni Allie at marahan iyong ginulo. "Cheeseball," agaw niya sa pansin nito.
"Ano?"
"Alam mo 'yong walang gana?"
"O?"
"Ako 'yon kapag wala ka."
"Cheeseborg! Babanat ka na lang, poker-faced ka pa! 'Kaasar!"
Wala sa sariling pinisil ni Enzo ang namumulang pisngi ni Allie.
Enzo remembered what his father told him when he was young. His father told him a person was born to complete someone's life. Enzo finally realized the meaning of those words. But how could you complete someone's life when you, yourself, was a complete mess?
NIYAKAP ni Allie ang malaking teddy bear saka tumingin sa paligid. Nakasakay na sila ni Enzo sa ferris wheel. Magkatabi sila. Ramdam ni Allie ang init na nagmumula sa katawan ni Enzo. Kahit na malamig ang simoy ng hangin, hindi siya nilalamig.
"Salamat, Renz," ani Allie kay Enzo.
Mula sa pagtingin sa tanawin ay binalingan ni Enzo si Allie. "Para saan?"
"Sa pagsama sa 'kin dito ngayon. Nag-enjoy ako."
He grunted.
"Salamat din sa paglaro kanina. May bago akong teddy bear," aniya saka niyakap ng pagkahigpit-higpit ang kandong na teddy bear. Napanalunan iyon ni Enzo kanina sa isang game.
"Maliit na bagay," simpleng sagot ni Enzo.
Nang malapit na sa tuktok ang sinasakyan nilang balloon ay wala sa sariling sumandig si Allie sa balikat ni Enzo.
"What's wrong?"
Umiling siya. "Nothing. I'm just happy."
"Good."
Pagkalipas ng ilang segundo ay nagsalitang muli si Allie. "I feel the safest when I'm with you, Cheeseborg. Kahit na suplado ka, masungit, at bihirang magsalita, basta ikaw ang kasama ko, ang gaan ng pakiramdam ko."
Wala siyang narinig na tugon mula kay Enzo. Bagkus ay naramdaman niya ang pagpatong ng palad nito sa isa niyang kamay. Marahan nito iyong pinisil. Inangat ni Allie ang paningin upang tingnan ang mukha ni Enzo.
She almost gasped aloud when she saw the small smile on his lips.
Bahagya lamang umangat ang sulok ng labi nito pero kaylaking pagbabago ang hatid niyon sa mukha ni Enzo. Para bang lumambot ng sampung milyong ulit ang mukha nito. His eyes seemed to brighten more and God. He looked so handsome it almost made her cry.
"It's all you, Cheeseball," he said in a soft voice.
Hayun na naman ang pakiramdam na 'yon; 'yong tila may humahalukay sa sikmura niya; 'yong tila ba may paruparo sa sikmura niya; 'yong tila ba may mainit na kamay ang humahaplos sa puso niya.
"I don't want you to change, Lawrenzo. I just want to make you smile," she replied.
"You did, didn't you?"
Napangiti si Allie. "Yeah, I did."
Kasabay niyon ay ang pagbalot ng hindi maipaliwanag na damdamin sa puso niya. Gusto niyang siya lamang ang makakakita ng ngiti nito; gusto niyang sa kanya lamang nakalaan ang ngiti nito.
Kailan pa siya naging makasarili?
"Give me your camera."
"Ha? Bakit?"
"Just give it to me."
Kinuha niya ang camera sa bag at iniabot kay Enzo. Kinabig naman siya nito pasandal sa dibdib nito. Itinutok nito ang camera sa kanilang dalawa. When she felt his soft lips on her forehead, Allie felt like her head would burst because of the heat.
"Thank you, Alianna."
Hiniling ni Allie na sana, kahit sandali lamang, kahit ilang segundo lamang, ay huminto sa pag-ikot ang mundo o tumigil sa pag-andar ang oras.
Kahit ngayon lang.
"ALLIE, kayo ba ni Captain?"
Nanlaki ang mga mata ni Allie nang marinig ang tanong na iyon ni Reus. Nandito siya sa may tapat ng Star City kasama sina Airin. Hinihintay nila si Enzo na kinuha sa parking area ang kotse nito kasama sina Les, Cloud, at Guji.
Nakita ni Allie ang pagtutok ng pansin sa kanya ng mga kaibigan ni Enzo. "H-hindi," tanggi niya.
"Weh? Promise?" pangungulit ni Reus.
"Oo nga. Friends lang kami."
"Akala ko tayo lang ang friends ni Enzo," singit ni Chase.
"Mabait naman si Captain... kapag tulog," ani Reus saka tumawa.
Natawa na rin si Allie. Ang cool talagang kasama at kausap nitong barkada ni Enzo.
"Mukha ngang nakakatakot si Enzo," mahinang wika sa kanya ni Airin. Ito ang nagpapanggap na girlfriend ni Les. Enzo told her it was his idea regarding the 'pretend relationship' between Les and Airin.
"Mukha lang pero mabait si Enzo," sagot niya saka idinugtong, "Kapag tulog."
Nagtawanan silang lahat. Napahinto lamang sila nang may tumikhim mula sa likuran nila. Nang makita ang seryosong mukha ni Enzo ay napangiwi si Allie.
"Oops?"
Napailing na lamang si Enzo. "Let's go."
Kumaway si Allie sa mga kaibigan ni Enzo habang nagpapaalam. Sabay sila ni Enzo uuwi habang ang mga barkada nitong walang sasakyan ay sasabay sa mga may dala.
"Ingat kayo, Allie. Magsuot ka ng shield para kapag binugahan ka ng dragon, safe ka."
"Sige. Salamat sa payo, Reus. Pero parang mas kailangan mo 'yon."
Napangiwi si Reus nang marahil ay nakita ang masamang tingin ni Enzo rito.
Pagkasakay nina Allie at Enzo sa kotse ng huli ay nakangiti niyang binalingan ang lalaki. "They're great people."
Silence. Then he said, "Yeah."
See? He was nice after all.
"Great people my ass."
Or not.
NASAPO ni Allie ang ulo nang kumirot iyon. Migraine. Napasandal siya sa pinto ng banyo. Pinagmasdan niya ang mga palad at napansing nanginginig iyon. Napasama yata ang pagpupuyat niya nang ilang araw.
Pumikit ng mariin si Allie saka umayos ng tayo. Pilit niyang iwinawaksi sa isip ang kirot sa ulo. Dumilat siya at inipit sa likod ng tainga ang basang buhok na nakadikit sa pisngi. Ipinatong niya ang tuwalya sa basang buhok saka mabibigat ang paa na pumunta sa kusina.
"What's wrong with you?"
"Masakit ang ulo ko."
"Puyat ka kasi nang puyat," umiiling na ani Enzo. Pinigilan siya nito sa bisig saka inalalayan papunta sa sala. Pagkaupo niya sa sofa ay umalis din si Enzo at pumunta sa kusina.
Saglit lang ay nakabalik na kaagad si Enzo. May bitbit itong tubig at gamot sa sakit ng ulo. Iniabot nito iyon kay Allie.
"Thanks, Renz."
Pinagmasdan ni Enzo si Allie. Napabuga ito ng hangin at tinuro ang sahig. "Dito ka muna umupo," anito.
Nagtataka man ay umupo siya sa sahig. Pumuwesto si Enzo sa inalisan niya. Ang lumabas tuloy, nakaupo siya sa sahig sa pagitan ng mga binti ni Enzo.
Inalis ni Enzo ang tuwalyang nakapatong sa ulo niya. "Hindi ka dapat naliligo ng gabi," sita nito. Nagulat siya nang sinimulan nitong patuyuin ang buhok niya gamit ang tuwalya.
"Kaya ko na 'yan—"
"Silence."
Unti-unting guminhawa ang pakiramdam ni Allie. Dahil sa gamot? Dahil kay Enzo? Ewan niya.
"Puwede kang magtrabaho sa parlor, Renz. Tagahugas at tagapatuyo ng buhok."
"Shut up, Alianna."
She giggled. Bahagya siyang sumandig sa binti ni Enzo at pumikit. "Kumusta na sina Les at Airin?"
"They're getting somewhere."
"Good. Puwede ka ng kupido, Renz. In other words, pakialamero."
"Hn."
"Kapag pakikialaman mo na 'yong love life ng ibang Tennis Knights, sabihan mo ako, ah. Gusto kong makigulo."
It was nice to know that Enzo was helping Les about his love life. Kahit na ba ang sinasabi ni Enzo ay gusto lamang nitong manggulo, alam niyang sa totoo lamang ay gusto nitong tumulong. Yata.
"Malapit na ang birthday ko, Renz. Regalo ko, ah."
"Nakalimutan ko."
Napalabi siya. Pinalo ni Allie ang binti ni Enzo at akmang lalayo sa lalaki nang pinigilan siya nito sa balikat.
"I was joking."
"Hindi ka mukhang nagbibiro!"
"Hindi mo ako nakikita."
"Hindi rinig na nagbibiro ka!"
He snorted.
Nang matapos patuyuin ni Enzo ang buhok ni Allie ay kinuha nito ang suklay na nasa mesa. Dahan-dahan nitong sinuklay ang buhok niya. Pumikit si Allie. Bigla siyang inantok dahil sa ginagawa ni Enzo sa kanya.
"Inaantok ako, Renz," mahinang aniya saka humikab.
"Sleep. I'm here."
"Hmm."
The soft strokescoming from the brush disappeared and was replaced by his hand. His rough handwas softly stroking her hair. It was the last thing she felt until darknessclaimed her consciousness.
-
-
Note: Your comments and votes will make Enzo happy lul as if ahaha thank you for waiting and for reading!