Kabanata 6

1388 Words
Kabanata 6 "SALAMAT sa paghatid sa 'kin, Captain!" nakangiting ani Allie kay Martin. Hinatid siya ni Martin dito sa SVU. May "intense" training kasi sina Enzo kaya hindi niya gustong sunduin pa siya nito. Dahil may free time siya, naisip niyang puntahan ito ngayon sa SVU. "Wala 'yon, Alimango. Ikumusta mo na lang ako kay Guttierez," nakangising anito. Ipinaikot niya ang mga mata saka bumaba ng sasakyan. Kinawayan niya si Martin saka pinagmasdan ang papalayo nitong sasakyan. Alimango na ang tawag nito sa kanya. Pet name raw. Nang malaman nito ang nangyari sa mommy niya ay nagalit ito. Bakit daw hindi siya nagsabi. Dahil doon, binigyan siya ng one week break ni Martin bilang club manager. Inilaan niya ang oras sa paghabol ng notes at homeworks. Hindi niya gustong magkaroon ng free time. Nalulungkot lamang siya dahil naaalala niya ang kanyang mommy. Dahil sa nangyaring break, hindi niya napanood ang friendly match ng tennis club nila laban sa club nina Enzo. Pero ayon kina Martin, nanalo sina Enzo. Pumasok na si Allie sa SVU. Pagkakuha ng gate pass sa guard ay tinanong niya kung nasaan ang open court. Sinabi naman nito kung saan. Inabot din si Allie ng halos bente minutos sa paghahanap ng open court. Hindi niya naman inakala na maliligaw pala siya sa SVU! Pagkarating sa open court, ang unang nakaagaw sa pansin niya ay ang nakatalikod na pigura ni Enzo. Kahit nakatalikod, makikilala at makikilala niya ito. Even though her vision was kinda blurred, she knew it was her Enzo. Sa 'yo? Possessive? Inangkin? Kailan pa naging iyo si Enzo? Oops. Grammatical error. Sorry. Humarap ito sa gawi niya. Salubong ang mga kilay nito at tila bad-trip sa mundo. Alam niyang ilang segundo lamang ay magbubuga na ito ng apoy. Isinigaw niya ang pangalan nito. Hindi siya nito narinig. Dali-dali niyang nilapitan ang lalaki. "Renz?" tawag niya sa pansin nito. Nawala sa loob niya na may ibang tao. Tinatawag niya lamang kasi itong 'Renz' kapag sila lang ang tao. Nang bumaling kay Allie si Enzo, nakita niya ang unti-unting paglambot ng ekspresyon sa mukha nito. Para bang may humaplos na mainit na kamay sa puso niya nang makita ang pagbabago sa anyo nito. Ang sarap sa pakiramdam na malamang siya 'yong taong nakapagpapalambot sa cyborg na 'to; 'yong siya lang, siya lang talaga. "What are you doing here, Allie?" tanong nito. Pagkalapit sa lalaki ay kaagad niya itong nginitian. "Binibisita ka. Pasyal tayo? O busy ka?" Inilibot niya ang paningin sa court. Naiiling na ginulo nito ang buhok niya. "Sige. Doon ka muna sa bleacher," anito. Inilagay nito ang palad sa likod niya at marahang iginiya papunta sa bleacher. "Mabuti at hindi ka naligaw papunta rito." "Hinatid ako ni Martin." Nagsalubong ang mga kilay ni Enzo. Base sa reaksiyon nito, tila ba hindi nito nagustuhan ang narinig. "Bakit ka niya hinatid?" Nagkibit siya ng balikat. "Concern siya sa 'kin, eh." Ipinatong nito ang magkabilang palad sa balikat niya at tinitigan siya nang deretso sa mga mata. Napalunok si Allie kasabay ng pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Umiikot sa ilong niya ang pinaghalo-halong amoy ni Enzo. Babad ito sa arawan subalit ang bango pa rin nito. May pawis na namumuo sa noo ng binata subalit parang mas lalo itong gumuwapo sa paningin niya. May sakit ba siya at ganito na lamang kabilis ang t***k ng puso niya? "Nagprisinta siyang ihatid ako. Nabanggit ko kasi na may intense practice kayo at ayokong makaabala sa 'yo kaya—" "Alianna." Napalunok siya. "Yes?" "Just call me. I'll always have time for you." Biglang nag-init ang mga pisngi ni Allie lalo pa't halos matunaw na siya sa titig ni Enzo. Siguro dahil cyborg ito at laser beam ang titig kaya ganoon. Wala namang ibang rason para mag-init ang mga pisngi niya, 'no. "Are we clear?" "Y-yes. Of course. Thank you," nagkandabulol-bulol na sagot niya. Marahan nitong pinisil ang balikat niya. "Good," he murmured. Ngumiti si Allie at pilit inalis ang umuusbong na hindi maipaliwanag na damdamin sa puso. Pabiro niyang sinundot sa baywang si Enzo. "Concern ka talaga sa 'kin, 'no?" Muli niya itong sinundot sa baywang. Napaigtad na naman ang lalaki. "May kiliti ka d'yan, ha." "Alianna, isa," pagbabanta nito. "Dalawa," pang-aasar niya. Pinaningkitan lamang siya nito ng mga mata. Mahina nitong pinitik ang noo niya saka itinuro ang bleacher. "Sit." "Hindi ako aso, Captain Enzo." Bago pa man makasagot si Enzo ay bigla niya itong niyakap. Hindi rin niya alam kung bakit. Para bang sinapian siya at kusang kumilos ang katawan niya. Naramdaman niya ang paninigas ni Enzo mula sa yakap niya. Hindi man nito ginantihan ang yakap niya, hindi naman nito inalis ang pagkakayakap niya rito. Ayos na rin. "Maniniwala ka ba kapag sinabi kong na-miss kita bigla?" Napabuga ng hangin si Enzo. Inalis nito ang magkabila niyang braso sa katawan nito. Ipinatong nito ang daliri sa baba niya saka pinihit pataas. "Fine. I miss you, too. Now, be a good girl and sit there. We'll go somewhere today, tomorrow, and the day after tomorrow. Hanggang sa magsawa ka sa 'kin. Just don't be sad, fuck." Napahagikgik si Allie. This was her Enzo, alright. Hard as a rock on the outside but soft as a marshmallow on the inside. "Language, Lawrenzo." "THEY'RE so annoying," naiiling na ani Enzo. Nginitian ni Allie ang lalaki saka marahang pinisil ang palad nito. "Funny silang kasama. Saka mukha silang mababait." Nandito sila sa Star City kasama ang mga kaibigan ni Enzo. They were on a date—friendly date. Umismid lamang ito. "Saan na tayo pupunta?" Bago makapunta sa mga rides, ang madadaan nila ay pasilyo na bilihan ng mga abubot. Hinatak niya si Enzo sa isa sa mga booth. "Gusto ko n'ong umiilaw na headband." Nang makakita ng umiilaw na bunny ears na headband ay kaagad iyong isinuot ni Allie. Ngiting-ngiting nilingon niya si Enzo. "Bagay ba?" "Oo," simpleng sagot ni Enzo. Napasimangot si Allie dahil wala naman sa kanya ang atensiyon ni Enzo. "Uy, Renz. Bagay ba?" Tumutok sa kanya ang paningin ni Enzo. Umangat ang palad nito at marahang hinawi ang buhok na dumikit sa pisngi niya at inipit iyon sa likod ng kanyang tainga. "Yes." Parang pumalakpak ang mga tainga ni Allie dahil doon. Hindi na lamang niya pinansin ang init na gumapang mula sa pisngi niya nang maramdaman ang balat ni Enzo na dumapo roon. Bago makapagsimulang maglakad ay pinigilan niya sa braso si Enzo. "What?" "Picture muna tayo," aniya habang hinahanap sa bag ang dalang digital camera. "No," walang gatol na tutol ni Enzo. "Lawrenzo! Bawal tumanggi!" "No pictures." "Feeling artista ka naman—aha!" bulalas niya nang makuha ang camera. Binuksan niya iyon at kaagad na inayos ang settings. Inilayo niya ang kamay saka ngumiti sa camera. Napasimangot siya nang makita ang kinalabasan ng kuha. "Hindi ka naman nakatingin!" Hindi kumibo si Enzo habang nakaiwas ang tingin sa kanya. "Please? Minsan lang naman 'to, eh," pagpupumilit niya. "Tsk. Fine." Napangisi siya. Nang makita ni Enzo ang ngisi niya ay lalong nangunot ang noo nito. Kaagad naman niyang binura ang ngisi at tinitigan ito na para ba siyang isang maamong tupa. "Come closer," aniya sa lalaki. Dumikit naman sa kanya si Enzo. Sumandig si Allie sa dibdib ni Enzo saka ngumiti sa camera. Nang tiningnan ang larawan ay kaagad na napangiti nang maluwang si Allie. Ngiting-ngiti siya sa camera at bagaman hindi nakatingin sa camera si Enzo ay ayos lamang. Dahil sa larawan, nakatingin ito sa kanya. And the camera captured the soft look in his eyes. "Lawrenzo..." "No more camera. I'm stubborn. You won't make me pose for that damn camera again!" She rolled her eyes at him. Enzo was being dramatic. "Sana naging camera na lang ako," aniya. "You're human." Allie puffed her cheeks in annoyance. "Dapat ang sasabihin mo ay bakit! Ulit. Sana naging camera na lang ako." Hindi kaagad sumagot si Enzo. Kung tingnan siya nito, para bang pinag-iisipan nito na iwan na siya ngayon din. Pinandilatan niya ito dahilan ng pagbuga nito ng hangin. "Bakit?" "Para kapag titingin ako sa 'yo, ngingitian mo ako." Nanatiling nakatitig si Enzo sa kanya. Kapagkuwan, "Hindi ako ngumingiti sa camera." Sinimangutan niya ito. "Sige, sirain mo pa ang banat ko." Naiiling na ipinatong nito ang braso sa balikat niya saka nagsimula sa paglalakad. Even if she was feeling slightly annoyed at him for ruining her cheesy moment, it was okay. Bihirang mag-initiate ng body contact si Enzo. Kaya tuwing kumikilos ito upang hawakan si Allie, ninanamnam niya 'yon. Every touch, every warmth, she would enjoy it; she would lock it inside her memory bank. "You are a cheeseball," biglang ani Enzo. "Bakit cheeseball?" "A ball of cheesiness." Natatawang tinampal niya ang dibdib ni Enzo. "Parang ngayon lang, eh." "Cheeseball?" "Bakit, Cyborg?" "Hindi mo na kailangang maging camera para mapangiti ako." Napangiti si Allie kasabay ng tila paglaglag ng puso niya. "Okay, Cheeseborg." "Shut up." - - Note: Your comments and votes are very much appreciated. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD