Kabanata 5
"I REALLY can't believe it. I've been dumped by a girl!" narinig ni Enzo na ani Les.
"Kaysa naman lalaki, 'di ba?" ani Rein.
Nagpatuloy si Enzo sa pag-aayos ng line-up para sa friendly match laban sa SLU. Naging abala siya kay Allie kung kaya't ngayon niya lamang ito nakaharap. He did not mind it. She needed him. And he vowed to be with her.
"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin, bulinggit."
Alam niyang ang tinutukoy ni Les ay ang ex-girlfriend nito. Hindi man halata pero updated siya sa mga kaganapan patungkol sa mga kaibigan niya. He might not show it but he cared even just a little bit.
"Hindi mo pa sinasabi sa 'min kung bakit ngayon ka lang nagpakita, coach." Nalipat sa kanya ang pansin ng mga kaibigan dahil sa sinabi ni Cloud.
"Oo nga. Kulang na lang kumuha ng Search and Resque Party 'tong si Reus, eh," segunda ni Chuck.
"Concern lang ako kay captain," saad ni Reus.
Hinilot ni Enzo ang sentido at saka tiningnan nang masama ang mga kaibigan. Kagaya ni Allie ay hindi rin siya pumasok sa durasyon ng burol at libing ni Tita Nella. Nakalimutan niyang sabihan ang mga kaibigan niya. Good thing Les was a good vice-captain. He took care of the club while he was gone.
"What happened, Enzo?" tanong ni Chase.
Napabuga ng hangin si Enzo. "A friend's mother had died," simpleng sagot niya.
"Oh. Condolence," sunud-sunod na ani ng mga lalaki.
Then.
"Whoa. May kaibigan ka bukod sa 'min, captain?"
"Sino? Saan? Paano? Kailan?"
"May nakatiis sa 'yo, coach?"
Hindi lubos-maisip ni Enzo kung papaano niyang nakaya na maging coach-c*m-captain ng tennis club nila lalo pa't ganito ang hina-handle niya.
"Silence!" sigaw niya. Nang matahimik ang mga ito ay nagpatuloy siya. "Dalawang araw mula ngayon ay ang friendly match natin laban sa SLU."
"Tch. I don't see the need to practice. They're a bunch of sissies," seryosong ani Guji.
"Kapag natalo ka, nognog, tatawanan kita."
"Shut up, parrot. Ikaw ang matatalo, hindi ako."
"I said silence!"
Natahimik na ang mga ito. Daig pa ng mga ito ang babae kung mag-usap. Akmang babanggitin na ni Enzo ang line-up para sa friendly match nang mag-vibrate ang cell phone niya tanda na may tumatawag. Nang makita ang pangalan sa screen ay kaagad siyang tumayo.
"Les, tell them the line up for the match. I'll take this call."
Nang makalabas sa locker ay sinagot niya ang tawag. "Allie."
"Renz! Susunduin mo ako, 'di ba? Baka ma-late ako ng uwi, eh. Puwede bang mga six mo na ako sunduin?"
"Bakit?"
"May gagawin kaming project nila Avi. Classmate ko. Bukas na pala kasi 'yong pasahan."
Pinakiramdaman ni Enzo ang tinig ni Allie. It seemed like she was fine. That was good. He was being worried for nothing it seemed.
"Okay."
"Thanks."
Bago pa man putulin ni Enzo ang tawag ay idinugtong niya sa mahinang tinig ang, "Take care."
He clicked the End button even before Allie could say anything.
"Uy, take care raw, oh."
Napapikit sa inis si Enzo nang marinig ang tinig ni Reus. Of all people who could hear his conversation with Allie, it would be the big gossiper of all time.
"Gusto mo bang umikot ng limampung ulit sa court, Reus?"
Tigas ang pag-iling nito. "Syempre hindi, coach. Bibili lang naman ako ng tubig, eh. Bye. Take care."
Napatingala si Enzo saka napabuga ng hangin. Napatingin siya sa suot na relong pambisig. May isang oras pa siya bago niya masusundo si Allie. Pagkapasok sa locker ay isa-isa niyang binalingan ang mga kaibigan. "Open court. Now."
NANG makasakay sa sasakyan ni Enzo ay kaagad na nginitian ni Allie ang lalaki. "Hello, Renz!" bati niya rito sa masiglang tinig.
Naging maayos ang buong maghapon ni Allie. Bukod sa sandalian niyang pag-iyak nang sinabi niya kina Avi at Martin ang tungkol sa mommy niya ay naging maayos ang lagay niya.
Ngumiti siya. Iniisip niya ang mommy niya. Ngumingiti pa rin siya.
She was moving forward with a smile on her face.
Tinanguan siya ni Enzo. Kinabit ni Allie ang seatbelt. Nagtaka siya nang hindi pa rin pinaandar ni Enzo ang kotse. Nang binalingan niya ito ay nakatitig ito ng mataman sa kanya; na tila ba tinatanya ang lagay niya.
Nginitian niya ito ng buong tamis. "I'm fine, Renz. Really."
It seemed like her answer satisfied him. "Saan tayo?"
"Mall?"
Tumango ito at saka nagmaneho. Hindi siya nagsalita sa durasyon ng biyahe. The silence between them was nice. It was comforting and not filled with tension.
Nang makarating sa mall ay kaagad na bumaba sila ng kotse. Pagkapasok sa mall ay binalingan siya ni Enzo.
"Where to?"
"There's this book that I really want to buy..." she trailed of.
Nagsimulang maglakad si Enzo. Muntikan pang mapatid si Allie dahil sa pagsunod dito. Malalaki kasi ang hakbang nito; nakalimutan yatang hindi siya ganoon kabilis maglakad.
"Clumsy," he murmured when he suddenly grabbed her wrist.
Nang dumiretso ng tayo si Allie ay sinimangutan niya si Enzo. "Hindi ako clumsy."
"f*****g right," mahinang ani Enzo.
"Stop cussing!"
"Tsk." Instead of letting go of her wrist, Enzo slid his hand to hers and grabbed it tightly. "So little miss clumsy won't greet the floor."
Pinandilatan niya ito. "Mas gusto ko pala 'yong hindi ka nagsasalita," nakaingos na aniya.
He snorted.
Pagkarating sa bookstore ay dumiretso si Allie sa may estante na kung saan nakalagay ang mga How-to-draw-a-Manga books. Nang makita ang bagong issue ay kinuha niya iyon.
"You are still into that, huh."
Nginitian niya si Enzo. "Yep. Sa tingin mo, sinasayang ko lang ang oras ko rito?" nag-aalinlangan na tanong niya sa lalaki.
Kinuha nito sa kanya ang libro at sinipat iyon. "No. I think you should do what do you think will make you happy," anito na hindi tumitingin sa kanya.
Lumapad ang pagkakangiti ni Allie kasabay ng tila mainit na palad na dumapo sa puso niya. Iyong sinabi ni Enzo, iyon din ang sinabi sa kanya ng mommy niya.
For them, her happiness matter so much.
"Thanks, Renz."
Tinalikuran na siya ni Enzo. Ngunit bago iyon ay marahan muna nitong pinitik ang noo niya.
It was his "shy-type" way of saying "You're welcome."
"THANKS," ani Allie sa waiter nang inilapag nito ang order niya.
Nginitian naman siya nito saka tumalikod. Kaagad niyang tinusok ang tempura at kinagatan iyon. Alam na ni Enzo ang mga gusto at ayaw niya dahil kaagad nitong kinuha ang sauce ng tempura. Alam nitong hindi siya nagsasawsaw sa ganoon.
Nasa isang Japanese restaurant sila. Pagkabili niya ng libro—na si Enzo ang nagbayad—ay inaya niyang kumain ang lalaki. Gusto rin niya kasing subukan ang bagong shaved ice rito sa resto na 'to.
"I don't like him," ani Enzo habang nakatutok ang pansin sa likuran ng waiter.
"You don't like anyone, Renz," aniya. Then she smiled cheekily while saying, "Except me."
Tumutok sa kanya ang paningin ni Enzo. Nakalulunod ang kulay abong mata nito. Walang emosyon doon pero pakiramdam ni Allie, kapag sumisid siya sa mata nito, mababasa niya lahat ng tinatagong lihim ni Enzo.
Umismid si Enzo na dahilan ng panlalaki ng mga mata ni Allie. "Ano? Maka-react ka naman, captain."
"Nothing," sagot nito bago sumubo.
Nakalabing kinagatan niya ang tempura. Gumamit siya ng chopstick kahit na hirap siya. Kapag nasa Japanese restaurant ka, dapat gumamit ka ng chopstick; 'yan ang motto niya. Walang makapipigil sa kanya sa paggamit ng chopstick kahit hirap na siya.
"Mas marami pang nalalaglag na kanin pabalik sa pinggan mo kaysa sa nakakain mo, Alianna."
"So?"
Inabutan siya ni Enzo ng kutsara't tinidor. "Use these."
"Na-uh."
"Allie."
"No."
"Alianna."
"I won't. I'm stubborn. I won't listen to you."
"Little..." he suddenly said in a soft voice.
Maybe it was his voice. Or maybe it was him using his nickname for her once again that Allie found herself crumbling in front of him.
Motto be damned.
"Fine," kunwa'y nakasimangot na aniya. Pagkaabot ng mga kubyertos ay kaagad siyang yumuko upang hindi nito makita ang ngiti sa labi niya.
"What happened to being stubborn?"
Dinuro niya si Enzo. "You happened."
"Tsk."
Sunud-sunod na ang pagsubo ni Allie. Nang maubos ang tempura at may kanin pa, walang salitang tinusok niya ang tempura sa pinggan ni Enzo. Nang tumingin sa kanya si Enzo ay nginisihan niya ito.
Umiling lamang ito. Tumaas ang kamay nito. Ang akala niya ay kukuhanin nito ang tempura sa tinidor niya ngunit lumagpas doon ang kamay nito.
Dumampi ang hinlalaki nito sa gilid ng labi niya at marahan iyong pinunasan.
"You're drooling."
Namula ang pisngi niya. "H-hindi kaya!"
Umayos ng upo si Enzo. "I know. I'm joking," he deadpanned.
"Hindi ka marunong mag-joke!" Napangisi si Allie. "Gusto mo lang hawakan mukha ko, eh. 'Sus."
"Yeah, right."
"Crush mo ako, 'no?" panloloko niya sa lalaki.
Nang hindi sumagot si Enzo, ewan ni Allie kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso niya. It was as if she was anticipating his answer. Why?
Saktong dumating naman ang waiter dala-dala ang in-order nilang shaved ice.
Para bang nakalimutan na ang nangyari sa pagitan nila. Pero sa sulok ng isip ni Allie ay nandoon ang pagtataka sa kinilos ni Enzo. Lalo na sa kinilos niya.
Allie knew she loved Enzo. It was purely platonic, though. She cared about him the same way he cared about her (no matter how much he tried to hide it, he cares).
It was purely platonic. Nothing more, nothing less.
Right?
Inusog niya palapit sa lalaki ang strawberry shaved ice. "O, kainin mo 'to."
"Ayoko," simpleng sagot nito habang umiinom ng iced tea.
"Renz! Kainin mo na. Favorite mo 'yan, strawberry."
Umiling ito.
"Enzo!"
Iling ulit ang isinagot nito. "I'm stubborn, too."
"Please? For me? Lawrenzo?" she pouted and tried her best to mimic the "puppy dog eyes" she would always see in anime and movies.
"f**k. Fine. Stop with that f*****g dog eyes."
"Puppy dog eyes. Akala ko ba stubborn ka. What happened?" pang-aasar niya kagaya ng pang-aasar nito kanina.
He poked her forehead before shaking his head. "You happened. You f*****g happened."
She poked his forehead, too. "Stop cussing. Bad boy!"
Isinubo nito sa bibig niya ang kutsarang may shaved ice. "Ang ingay mo."
Ngisi ang isinagot niya.
Good. Unti-unti nang bumabalik ang dati nilang samahan. Oh, so good.
"TELL me something about your friends, the Tennis Knights. Siyam kayo, 'di ba? Les, Cloud, Chuck, Reus, Guji, Kei, Chase, and Rein? Tama ba?"
Tumango si Enzo sa tanong na iyon ni Allie. Nandito sila sa movie room ng mga Guttierez. Inaya niya itong manood ng movie. Parang bonding na rin. Ang tagal na rin kasi simula noong nagkasama sila ng ganito ni Enzo. Gustong sulitin ito ni Allie.
"Dali, kuwentuhan mo ako ng tungkol sa kanila."
An exasperated sigh left Enzo's lips as he looked at her. Kung tingnan siya nito, para bang ang kulit-kulit niya. Well, dito lang naman lumalabas ang pagiging makulit niya.
"Nakilala mo na si Les. Our team's vice-captain. Nakipag-break sa kanya 'yong girlfriend niya. He doesn't like it."
"And?"
Nagkibit ito ng balikat. She puffed her cheeks when suddenly, an idea popped in her head. "Bakit hindi mo sabihin sa kanya na maghanap ng babaeng puwedeng magpanggap na girlfriend niya? Para makaganti na rin siya sa ex-girlfriend niya."
"What's the use?"
"Alam mo kasi, Lawrenzo, ang mga babae, parang mga lalaki rin 'yan. Kapag nakikita nilang may bago at masaya ang ex nila kasama ang iba, mate-threaten 'yan."
"You're talking as if you have an experience."
She rolled her eyes at him. "Marunong akong magbasa saka tumingin sa paligid."
Ipinatong ni Enzo ang isang braso sa sandalan sa likuran ni Allie. Para bang nakaakbay na rin ito sa kanya dahil sa inakto nito. Ramdam niya ang init na nagmumula kay Enzo. His nearness never failed to make her feel safe.
"Fine."
Bumalot ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nakatutok ang pansin nila sa telebisyon. Unti-unting sumandal si Allie sa katawan ni Enzo. Humilig siya sa balikat nito at hinintay ang ikikilos nito. Ang akala niya ay aalisin ni Enzo ang pagkakadikit niya rito ngunit hindi nito iyon ginawa.
Bagkus ay tuluyan na nitong ipinatong ang braso sa balikat niya.
Napangiti nang tuluyan si Allie.
Platonic. Purely platonic. Right?
"Are you okay?" tanong nito sa mahinang tinig.
Alam niyang ang tungkol sa mommy niya ang tinatanong nito.
"Nalulungkot minsan, syempre. Pero kapag iniisip ko na hindi gugustuhin ni mommy na palagi akong malungkot, nawawala 'yong kahungkagan sa puso ko."
"Good."
"May napansin ako," putol ni Allie sa katahimikang bumalot sa pagitan nila ni Enzo.
"Hn."
"Palagi na tayong magkasama." Nang maramdaman ang pagka-tense ni Enzo ay kaagad niyang idinigtong sa natatarantang tinig ang, "Hindi ako nagrereklamo. Gusto ko nga na palagi kang kasama, eh. Kaya lang... gusto ko lang malaman kung bakit? Bakit bigla kang lumayo? Bakit bigla kang nandito?"
Hindi kaagad sumagot si Enzo. Pigil ni Allie ang paghinga habang hinihintay ang isasagot ni Enzo.
Sa loob ng ilang taong lumipas, hinayaan niya si Enzo na lumayo. Naisip niyang kung iyon ang gusto nito, susundin niya. Alam niyang minsan, kailangan ng isang tao na lumayo para makapag-isip. Ngayong nandito na ulit si Enzo, gusto lamang niyang malaman kung bakit. Para mapaghandaan niya kung lalayo ba ulit ito sa kanya pagdating ng panahon.
The past years had been hard for Allie but because of what happened, she learned how to stand for herself. She gained new friends (even if they were few). In a way, because of Enzo leaving her, she grew up.
"I'm sorry. I..." Napabuga ng hangin si Enzo.
Ginagap ni Allie ang palad ni Enzo at saka tiningala ang lalaki. Despite the poker face he had, she caught the troubled look in his eyes before it disappeared.
Pinisil ni Allie ang palad ni Enzo. "Okay. Hindi ko na tatanungin kung bakit. Last question. Will you leave me hanging like that again?"
He answered instantly. "No. Not again."
Napangiti na siya. "Good." Napahugot ng hangin si Allie. "I have a request. If you have no choice but to leave me, at least tell me why first, okay?"
"Allie..."
"I can take it. Just tell me the reason why. Promise me?"
Humigpit ang pagkakahawak ni Enzo sa palad niya. "Promise."
"Good boy."
Inangilan siya nito. Pero sa pandinig ni Allie, naging malambot ang pag-angil nito.
"GOOD morning, cyborg!" nakangiting bati ni Allie kay Enzo nang pumasok ito sa dining area.
Tinanguan siya ni Enzo bago umupo sa isa sa bakanteng upuan sa harap ng mesa.
"Nagluto ako ng breakfast. May eggs, hotdog, bacon, at sausage. Hintayin mo lang 'tong toasted bread, okay."
"Bakit ikaw ang nagluto?"
Nagkibit ng balikat si Allie. "Gusto ko lang. Sa amin, pinagluluto ko si mommy." Hindi na kumibo si Enzo. Nang tumunog ang toaster ay kinuha na niya ang tinapay at nilagay sa platito. Lumapit siya kay Enzo at pabiro itong hinalikan sa noo. "Here's your breakfast, cyborg!"
"Alianna!" angil ni Enzo bago pinahid ang noo na hinalikan niya. Napahagikgik lamang siya ngunit hindi niya maitatanggi na tila may kuryenteng dumampi sa labi niya nang hinalikan niya ang noo ni Enzo. Weird.
"Kain na, cyborg," untag niya sa lalaki.
Bago pa man niya malagyan ng pagkain ang pinggan niya ay naunahan siya ni Enzo. Halos malunod siya sa dami ng pagkaing nilagay nito sa pinggan niya. Akmang tatanggi siya nang pumasok sa dining area sina Tita Lily at Tito Miguel.
"Good morning, Tita, Tito!" bati niya sa mga ito.
Nakangiting binati rin siya ng mga ito.
"Ikaw ang nagluto, Allie?" tanong ni Tito Miguel.
"Yes po. Nasanay po kasi ako. Si mommy po kasi, palagi kong pinagluluto."
Nakita ni Allie ang pagdaan ng lungkot sa mata ni Tita Lily bago ito ngumiti. "Next time, let's cook together."
"Sige po!"
"Let her eat first, mom," singit ni Enzo.
Binelatan niya si Enzo at saka sumubo ng hotdog. Nang mapansin na walang itlog sa pinggan ay binalingan niya si Enzo.
"What?" tanong nito. "Do you want my eggs?"
Namula ang pisngi ni Allie. Hindi niya alam kung inaasar siya ni Enzo lalo pa't seryoso ang anyo nito. Sa ilan, iisipin na hindi mang-aasar si Enzo. Pero kilala niya ito. Minsan, malakas mang-trip ito. Hindi lang halata kasi nga palagi itong seryoso at tila dragon na mambubuga ng apoy.
She made a face at him. Naiiling na nilagyan nito ng itlog ang pinggan niya.
"Here. Sa 'yo na 'tong itlog ko."
"Lawrenzo!" hindik na sigaw niya.
Pagbaling niya kina Tita Lily at Tito Miguel, nahuli niya ang pagngiti ng mga ito.
Told you so. Malakas mang-asar si Enzo.
She pouted at him. He stood up before gently ruffling her hair. "Hintayin kita sa kotse."
"Fine."
Nang makalabas si Enzo ay akmang ipagpapatuloy ni Allie ang pagkain nang magsalita si Tita Lily.
"I'm glad you are here with us, hija."
"Ako rin naman po," nahihiyang aniya.
"Ayokong mag-isa ka. Isa pa..." Hinayon ng tingin nito ang nilabasan ni Enzo. "You are good for my son. He's been a recluse for years. Too serious, too cold. But when you came back into his life, I can see him living again. Thank you, Allie."
Parang may pumiga sa puso ni Allie nang marinig ang sinabi ni Tita Lily. It was probably one of the nicest thing someone had said to her.
"Ganoon din naman po ang ginagawa niya sa 'kin, Tita," mahinang aniya.
"Meant for each other, Lily?"
"Yeah. Totally."
Namula ang pisngi ni Allie. Bakit na naman?
-
-
Note: 'Wag sana kayong mahiyang mag-comment at mag-vote. Para matuwa si Enzo lul thank you!