Kabanata 4

2299 Words
Kabanata 4 "WHATEVER happens after this, Allie, promise me you'll be happy. Promise me you'll do everything to be happy. Promise me you'll follow your heart." Mahigpit na ginagap ni Allie ang palad ng mommy niya. "Of course, mom. Pero makikita mo pa 'kong maging masaya. 'Wag kang nega, ha." Napalunok siya nang tila may bumara sa lalamunan niya. Ngumiti ang mommy niya subalit nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito. "I will always love you, Allie." May humawak sa balikat niya. Paglingon niya ay nagsalubong ang paningin nila ni Enzo. "Let me talk to Enzo alone, Allie," anang mommy niya. Isang magaang halik sa noo ang ibinigay ni Allie sa mommy niya bago lumabas ng silid nito. Napasandal siya sa dingding at napatitig sa kawalan. Ilang minuto mula ngayon ay magsisimula na ang operasyon ng mommy niya. Natatakot siya. But she have faith. Maya-maya ay lumabas na si Enzo sa silid. Lumapit ito sa kanya at sa labis niyang pagkagulat ay bigla siya nitong niyakap. Even without saying anything, she knew he was taking this the hard way, too. Magkasabay silang lumaki at kung itinuring niyang ikalawang pamilya sina Tita Lily at Tito Miguel, ganoon din si Enzo sa Mommy Nella niya. Allie and Enzo didn't need words. This hug spoke all the words they could not say. PINAGSALIKOP ni Allie ang mga palad at taimtim na nagdasal. Ilang oras na ang lumipas subalit wala pa rin siyang balita sa mommy niya. Ipinatong niya ang mukha sa ibabaw ng mga palad at pumikit ng mariin. Natatakot siya. Kinakabahan. Kanina, bago ang operasyon nito ay kinausap siya nito ng masinsinan. Nakangiti ang mommy niya at parang biglang tinubuan ng lakas. Pagkatapos nga siya nitong kausapin, maging si Enzo ay kinausap nito ng solo. Maging sina Tita Lily. Pero ang pakiramdam ni Allie, para bang... para bang nagpapaalam na ito sa kanya. Napailing siya. Hindi. Hindi siya puwedeng maging negative. Magiging maayos ang mommy niya kapag naalis na ang tumor sa utak nito. After this, everything would be alright. They planned to go to Paris when she graduated. Marami pa silang planong gawin. "Here. Kumain ka muna." Tumingala si Allie. Isang supot ng tinapay ang bumungad sa kanya. Tiningnan niya ang may-ari ng kamay at bumungad sa kanya si Enzo. Kagaya niya ay hindi rin ito pumasok upang samahan siyang maghintay sa resulta ng operasyon ng mommy niya. Kasama nila sina Tita Lily at Tito Miguel. Inabot niya ang tinapay at pilit na nginitian si Enzo. "Salamat, Renz." Umupo ito sa tabi niya. Tahimik lamang silang dalawa. Hindi malasahan ni Allie ang kinakain. Maya-maya ay narinig niya ang paghugot ni Enzo ng hangin. "She'll be okay," anito. "P-promise me?" Binalingan siya nito. For the first time, she saw an emotion crossed his eyes and it wasn't pretty. "I can't promise you that, Allie." Nakagat niya ang ibabang labi saka napayuko. Ipinatong ni Enzo ang daliri sa baba niya. He moved her face so their gaze could meet. "Whatever happens, I'll be here for you. I promise." Tumango siya. "Okay." "Good. Now eat." Ilang oras pa ang nagdaan. Nang magbukas ang pinto ng operating room at lumabas ang doctor ay kaagad na napatayo si Allie. "Doc, h-how's my mom?" Nang umiling ito, pakiramdam ni Allie ay pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Para bang bigla siyang namanhid at wala siyang maramdaman. Nakikita niyang bumubuka ang bibig nito subalit hindi niya ito naririnig. It was as if the world had stopped spinning and she was stuck in the darkest place on Earth. "Allie!" Hindi siya makahinga. Hindi siya makapagsalita. Hindi siya makakilos. "Allie!" Everything felt like a dream. May naramdaman siyang humawak sa braso niya. Iyon ang huli niyang naramdaman hanggang sa inagaw na siya ng dilim. WALANG emosyon na tinatanguan lamang ni Allie ang mga taong nagpapaalam. Hindi niya alam kung papaanong lumipas ang mga araw. Katatapos lamang ng libing ng mommy niya. Pero para kay Allie, parang panaginip lamang ang lahat. Parang kahapon lamang, kausap at kabiruan pa niya ang mommy niya. Pero ngayon, wala na ito. Iniwan na siya nito. Sa loob ng tatlong araw na burol ay hindi siya umiyak. Kahit ano'ng pilit niya, hindi lumalabas ang mga luha niya. Tila ba wala siyang maramdaman. "Allie..." Binalingan ni Allie sina Tita Lily. Ito na lamang ang kasama niya sa sementeryo. Hindi siya iniwan ng mga ito. Ito ang umasikaso sa lahat ng bagay patungkol sa burol at libing ng mommy niya. "Salamat po sa lahat, Tita," mahinang aniya. Ginagap nito ang palad niya at marahan iyong pinisil. "I will always help you, hija." Tumango lamang siya. Nakita niya ang pagpalitan ng tingin nito at ni Tito Miguel. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Saka niya napansin si Enzo na nakasandal sa kotse ng mga Guttierez. Nakahalukipkip ang lalak habang nakatingin sa gawi nila. Kagaya nila Tita Lily at Tito Miguel, hindi rin siya iniwan ni Enzo. Even without words, Enzo stayed by her side when she was grieving. "Your mom left a letter for you, Allie. Here," ani Tita Lily at saka inabot sa kanya ang isang sobre. Nanginginig ang kamay na kinuha niya iyon. "Salamat po ulit, Tita, Tito." Masuyong ginulo ni Tito Miguel ang buhok niya. "Sumabay ka na sa 'min pauwi, Allie." Umiling siya. "Hihintayin ko pa pong matapos sa paglagay ng lapida." "Gusto mo bang samahan ka namin?" "Hindi na po. Gusto ko muna pong mapag-isa." Isang nakakaintinding ngiti ang binigay ng mag-asawa bago siya iniwan. Binalingan na niya ang lugar kung saan inilibing ang mommy niya. Kahungkagan ang namamahay sa puso niya. Para bang isang parte ng pagkatao niya ang nawala nang mawala ang mommy niya. Ngunit sa kabila ng sakit, ng pagdadalamhati, bakit walang luha ang pumapatak sa pisngi niya? May naramdaman siyang mainit na bagay na pumatong sa balikat niya. Kahit hindi lumilingon, alam niya kung ano 'yon; kung sino ang may-ari ng palad na iyon. "Nananaginip lang ako, 'di ba, Renz?" mahinang aniya sa katabi. Bahagyang humigpit ang pagkakahawak nito sa balikat niya. Hindi ito sumagot. "Bakit ang aga niya akong iniwan? Kailangan ko pa siya, eh. Marami pa kaming gagawin. Marami pa kaming lugar na pupuntahan." Napahugot siya ng hangin at saka tiningala si Enzo. "Bakit hindi ko magawang umiyak, Renz?" Napabuga ng hangin si Enzo. Nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito. Ipinatong nito ang magkabilang palad sa pisngi niya. "It's because you're trying to harden your heart, Allie. You're trying to numb your heart so you won't feel the pain." "I w-want to be strong." "Crying doesn't make you weak." Yumuko siya. Napahawak siya sa damit ni Enzo. Mula sa pisngi ay bumaba ang mga kamay ni Enzo sa baywang niya. Walang sali-salitang hinapit siya nito at niyakap. Humigpit ang pagkakakapit niya sa damit nito. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit nang maramdaman niya ang init na nagmumula kay Enzo, 'yong lamig na namumuo sa puso niya ay unti-unting nawawala. Slowly, tears were forming in her eyes until they flowed down her cheeks. She felt his lips on her forehead before he tighten his hold on her. Lahat ng luhang hindi niya nailabas noon ay inilabas niya sa bisig ni Enzo. The coldest guy she had ever met gave her the warmest hug she needed. MATAPOS ilagay sa maleta ang mga damit ay saka inilibot ni Allie ang paningin sa silid na kinalakihan niya. Nakalagay sa mga box ang iba niyang gamit. Sa mga Guttierez na siya titira simula ngayon. Nang mabasa ni Allie ang sulat ng mommy niya, sunud-sunod na ang pagpatakan ng luha niya. Para bang wala na iyong hinto. Sa sulat ng mommy niya ay nagpaalam na ito sa kanya. Tila ba alam nitong hindi nito malalagpasan ang surgery. Nag-sorry ito dahil iniwan siya nito. Hiniling nito na kina Tita Lily siya tumuloy dahil ayaw nitong mag-isa siya. Lastly, she left something behind for her. Her father's name. Arthur Fernandez. She doesn't know what to do with that name. All she knew was what happened between him and her mother through the letter. She was glad her mother was able to tell her about it at last. Tumayo na si Allie at nag-unat. Hinatak niya ang maleta at lumabas ng silid. Habang papunta sa sala ay inililibot ni Allie ang paningin sa bahay nila. Hindi niya ito ibebenta. Hindi pa siya handa para iwan ang alaaala nila ng mommy niya. Just like what she had promised to her mother, she would try her best to be happy even if she wasn't here anymore. She would move forward but she won't forget her. "Are you ready?" Napalingon si Allie sa pinagmulan ng tinig. Nakaupo si Enzo sa may sofa sa sala. Hinayaan siya nitong mag-isang magligpit ng mga gamit niya. Alam nitong kailangan niyang mapag-isa muna. "Yes. Nasa itaas na 'yong ibang dadalhin ko. Naka-box." Tumayo na ito upang umakyat at kuhanin marahil ang mga gamit niya. Nang mapadaan sa tabi niya ay walang emosyon nitong ginulo ang buhok niya. Isang maliit na ngiti ang sumungaw sa labi ni Allie. She could get through this. For her mother's sake. HINDI makatulog si Allie. Siguro ay dahil namamahay siya. Tita Lily, Tito Miguel and even Enzo had been welcoming. Kahit na nalulungkot siya, masaya siyang kasama ang mga ito sa hapag nang kumain sila ng hapunan. Pakiramdam niya, hindi siya nag-iisa. Puwede pala 'yon; 'yong malungkot kasabay ng pagiging masaya. Mula sa pagkakahiga sa kama ay tumayo si Allie. Sinipat niya ang oras sa maliit na relo na nakapatong sa bedside table. Alas dos ng madaling araw. Binuksan niya ang sliding door na gawa sa salamin. Nakakonekta iyon sa balkonahe. Lumabas siya at lumanghap ng hangin. Hindi niya alintana ang lamig. Napatingala siya sa kalangitan. Bilog na bilog ang buwan. May iilang bituin na nakasabog sa langit. "Will I ever be okay?" mahinang tanong niya sa hangin. "If you want to be." Marahas na napalingon si Allie sa pinanggalingan ng tinig. Sa may dulo ng balkonahe ay may upuan at mesa. Hindi niya napansin no'ng lumabas siya na nandoon pala si Enzo. Lumakad siya palapit sa lalaki at umupo sa bakanteng silya sa tabi nito. Katabi ng silid niya ang silid nito. May sliding door din doon kagaya ng sa silid niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Hindi kaagad sumagot si Enzo. Tumingala ito sa kalangitan. Bagaman walang mabasang emosyon sa mukha nito, bagaman seryoso ang anyo nito, alam niyang malalim ang iniisip nito. "Renz?" "Tita Nella... wanted you to be happy. She won't want you to be depressed and sad for so long. It's okay to be sad now, to miss her, to be lonely. Pero hindi niya magugustuhan kapag nagpatalo ka sa kalungkutan." Napahugot ng hangin si Allie. Nanatili ang paningin niya kay Enzo na tila ba minememorya niya ang hitsura nito. Bihirang magsalita si Enzo. Pero kapag nagsalita na ito, hindi mo maiiwasang hindi makinig. To those who might hear him, they might think he doesn't care because of his bland voice but she knew he cared. A lot. "Mawawala ba 'tong sakit?" "There are wounds that can't be healed by time alone." Tumutok sa kanya ang paningin ng lalaki. "Sometimes, there are wounds that you can overcome with the help of the people around you." Unti-unting napangiti si Allie. "Alam mo talaga kung ano ang dapat sabihin para gumaan ang pakiramdam ko, ha." Inalis ni Allie ang paningin kay Enzo. Napatingin siya sa palad at saka inisip ang mommy niya. Tama si Enzo. "I'll welcome the pain, Renz. And slowly, I will let it go. Nangako ako kay mommy na magiging masaya ako." Nakagat ni Allie ang ibabang labi. "Hindi magiging madali 'to, alam ko. Pero para kay mommy, para sa sarili ko, makakaya ko 'to." Enzo grunted. She knew it was his way of agreeing to her. "Renz, hug me!" utos niya sa lalaki at saka ibinuka ang magkabilang braso. Tiningnan lamang siya ni Enzo. Hindi niya ibinaba ang mga braso. "Hug," muling aniya. Napabuga ng hangin si Enzo at saka tumayo. Ang akala niya ay aalis na ito at babalik sa silid nito ngunit hindi. Hinawakan ni Enzo ang braso niya. Hinaklit siya nito patayo at saka siya niyakap. Pumikit si Allie at hinayaan ang mga luha na pumatak. This would be the last time she would cry. Starting tomorrow, she would move on. MULA sa pinggan ay binalingan ni Allie si Enzo nang magsalita ito. "Ihahatid mo ako?" tanong niya. "Yes. Stop looking at your breakfast and eat it, Alianna." She puffed her cheeks. "Yeah, yeah." Then she added in a teasing tone, "Cyborg." He "tsk'ed." Naiiling na tinadyakan niya ang paa ni Enzo na nasa ilalim ng mesa. Tiningnan siya nito ng masama. Isang ngisi ang binigay niya sa lalaki. Nakita niya kung papaanong lumambot ng bahagya ang ekspresiyon sa mukha nito. "Nasaan sina Tito Miguel?" "Work." "Thankful talaga ako sa kanila. Sa pagtulong sa 'min at sa pagpayag na dito ako tumira. Sa 'yo rin. Sa pagyakap mo sa 'kin kagabi." He just grunted as an answer. Naniningkit ang mga matang tinadyakan niya ulit ito. "That's the time you have to say 'you're welcome, Allie,' cyborg!" "Tsk. You're welcome." "Aww. Very good." Tumalim ang tingin nito sa kanya. Sumubo na lamang ng pagkain si Allie. This was good. She was feeling light. She was moving forward. "Susunduin din kita mamaya," biglang ani Enzo. "Bakit pa?" "Hindi ka pa sanay bumiyahe galing ng Saint Louis pauwi rito sa bahay. Wait for me at your club office." Saka niya naalalang ilang araw din siyang hindi pumasok. Ni hindi siya nakapagpaalam kay Martin. Baka pagdating niya ng SLU, tinaggal na siya nito bilang manager. 'Wag naman sana. Gusto niya ang pagiging manager. It was one of her gifts to her mother. "'Sus. Gusto mo lang talaga akong kasama, eh," pagbibiro ni Allie. Napatingala si Enzo na tila ba nanghihingi ng libo-libong pasensya sa Diyos. She giggled. She has so many promises she must fulfilled. To move forward. To be happy. To make Enzo smile. - - Note: Kahit mga cyborg may puso din. Ahahaha please leave a comment and vote Another note: Sa mga readers talaga ng Tennis Knights, sa mga published books (Les, Cloud, Chuck, Reus, Guji, Kei, Chase, and Rein), sino sa kanila ang gusto niyong mabasa ang story dito sa site? And why? (eg: Si Reus kasi wala pa 'kong copy ng book niya. Pak. Ganern.) Thank you! Isa pang note: Naka-post na dito sa Watty ang book ni Les pero hindi pa tapos. Wait lang. Ahehe
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD