Kabanata 3

2335 Words
Kabanata 3 "KAILAN nga ang surgery mo, Ma?" tanong ni Allie sa mommy niya. Walang pasok ngayon kaya buong araw siyang nandito sa ospital at binabantayan ito. Kailangan nang tanggalin ang tumor sa utak ng mommy niya. Hindi na kasi sapat ang chemotherapy lang. "Sa Wednesday na, anak." "Hindi na lang ako papasok, mom. Para masamahan kita." Nakangiting ginagap nito ang palad niya. "Pasensya ka na sa abala, Allie." "Ikaw talaga, Ma, para kang others, eh," pagpapatawa niya upang itago ang pamumuo ng luha sa mga mata. Bagaman nakangiti, nakita niya ang pagdaloy ng luha sa pisngi ng mommy niya. Alam niya kung gaano kahirap para rito ang pinagdaraanan nito ngayon. Minsan nga, naiisip niyang dahil na lamang sa kanya kaya ito lumalaban. Hindi siguro nito alam subalit nakikita niya ang kawalang pag-asa sa mga mata nito kapag sa tingin nito ay hindi siya nakatingin dito. "Kumusta na pala kayo ni Enzo?" Napalabi siya nang maalala ang lalaki. "Gano'n pa rin, mom. Ewan ko ba d'on. Hindi naman siya dating ganyan na sobrang robot kung umasta." An understanding smile was on her mother's lips as she gently squeezed her hand. "Pagpasensyahan mo na lang si Enzo. Baka may pinagdaraanan lang 'yong tao." She puffed her cheeks. "One day, mom. One day, I'll make him smile again. I'll do everything to bring back the old Enzo." "Yes, do that. Make him happy. I suddenly remember your promise before." Napakunot ang noo niya. "Anong promise?" "That you'll marry Enzo," anito habang may nanunuksong ngiti. "Kailan ba matutupad 'yan?" Ramdam ni Allie ang pag-iinit ng mga pisngi. Kulang na lamang ay may lumabas na usok sa mga tainga niya. "Mom! Bata pa ako n'on!" Saktong bumukas ang pinto ng silid. Iniluwa niyon sina Tita Lily at Tito Miguel kasunod si Enzo. "Allie! Ngayon lang ulit tayo nagkita. Kumusta ka na? Aba, parang nangayayat ka yata?" bati sa kanya ni Tita Lily. Nilapitan siya nito at niyakap. "Ayos lang po ako, tita." Itinutok na ni Tita Lily ang pansin sa mommy niya. Siya naman ay binalingan ang tahimik na si Enzo. Kunot-noong nakatingin ito sa kanya. "Bakit?" "Kumain ka na ba?" Akmang tatango siya nang naunang sumagot ang mommy niya. "Hindi pa kumakain 'yan, Enzo. Aba'y samahan mo ngang kumain 'yang si Allie. Kanina ko pa sinasabing kumain, ayaw makinig sa 'kin." "Pero—" Naputol ang pagtutol na gagawin sana ni Allie nang maramdaman ang mainit na palad ni Enzo sa bisig niya. Hinigit siya nito patayo at saka inakay palabas ng silid. Walang-kibong naglakad silang dalawa. Nanatiling hawak-hawak ni Enzo ang bisig niya. Napangiti ng lihim si Allie habang nakatingin sa kamay nito. Ang akala niya ay didiretso sila ni Enzo sa canteen ng ospital. Nagtataka tuloy siya kung bakit imbes na sa canteen pumunta ay lumabas sila ng ospital. "Saan tayo pupunta?" "May fast food na malapit dito." Nang makarating sa fast food restaurant ay dumiretso sa counter si Enzo habang siya ay naghanap ng puwesto. May nahanap naman siyang pangdalawahan na malapit sa bintana. Dahil may kahabaan ang pila, ilang minuto rin ang lumipas bago nakabalik si Enzo. Bitbit nito ang pagkain nila. Nang maamoy ang fried chicken ay saka nakaramdam ng gutom si Allie. Almusal pa pala ang huli niyang kain eh alas-dos na. "Hindi ka kakain?" tanong niya sa lalaki. Sumubo ito ng fries. Napasimangot siya. Really. What does it takes to make him talk? Or maybe make him smile? When they were small, it wasn't this hard. What happened to him to be this... cold? Nagsimula na siyang kumain. Sa pagitan ng pagkain ay nagkukuwento siya kay Enzo nang mga kaganapan sa SLU. Hindi kumikibo ang lalaki pero nakatutok naman sa kanya ang paningin nito. "Pero nakakatakot si Killian. Kapag nasa malapit siya, parang gusto ko nang tumakbo palayo." "Tell me if he do something to you," malamig na ani Enzo. Lumapad ang pagkakangiti niya. "Uy, concern." Tinignan siya nito ng masama. Dahil ubos na ang pagkain, ang fries naman ang nilantakan niya. Wala sa sariling bumuo siya ng 'angry face' gamit ang fries. "Parang ikaw 'to, Renz," aniya. Sa tabi ng 'angry face fries' ay bumuo naman siya ng 'happy face fries.' "Next time, gusto ko ganito ka na, ha?" Biglang kinuha ni Enzo ang nakapa-smile na fries at kinain iyon. Pinagtaasan siya nito ng kilay habang ngumunguya. Ito ang umubos sa dalawang 'face' na ginawa niya. Sumipsip ng softdrink si Allie habang ang pansin ay nasa labas. Wala roon ang isip niya. Actually, wala siyang iniisip. Tulala lang siyang nakatitig sa labas. May naramdaman siyang dumutdot sa noo niya kung kaya't kunot-noong binalingan niya si Enzo. "Bakit?" Itinuro nito ang mesa. Gamit ang natitirang fries ay bumuo ito ng mga salita. "Little," mahinang basa niya. Unti-unti siyang napangiti. "Little" ang tawag sa kanya noon ni Enzo dahil sa height niya. Maliit kasi talaga siya kumpara sa lalaki o sa ibang kaedaran niya. But somehow, when he stopped spending time with her, he also stopped calling her "Little." Allie beamed at Enzo as he tried to focus at everything aside from her. "I miss you, Renz," mahinang aniya. Wala siyang narinig na tugon mula kay Enzo. Napabuga na lamang ng hangin si Allie at akmang ibabalik ang paningin sa labas ng bintana nang may mainit na pumatong sa palad niya. Marahas na napatingin siya kay Enzo. Hindi ito nakatingin sa kanya. Pero base sa pagpisil nito sa kamay niya, alam na niya ang nais nitong iparating. He was still a man of few words. "Oh, I know you miss me, too," nakangiting aniya. "Shut up, Alianna Mari," asik nito. "Shy type talaga si cyborg, oh. Binuo na pangalan ko, eh." Natawa na lamang siya nang inangilan siya ni Enzo. "CLOSE kayo ni Guttierez?" Napahinto sa pagsusulat ng scores si Allie nang marinig ang tanong ni Martin. Nandito sila sa open court. Nililista niya ang mga score ng seven core members ng tennis club nila. Ang seven core members ay ang mga palaging sumasabak sa tournaments. Sila 'yong pinakamagaling sa buong tennis club ng SLU. Naalala niya. Sa SVU, Tennis Knights ang tawag sa nine core members ng team. Paano kaya kung isipan niya rin ng pangalan ang core group nila? "Nabanggit lang si Guttierez, natulala ka na." Napakurap-kurap si Allie at saka naalala ang tanong nito. "Ewan ko sa 'yo, ah. At saka oo. Close kami. Bakit mo natanong?" Humalukipkip ito. "Hindi lang ako makapaniwala. You're a nice girl and Guttierez is... you know. Like that." "Mabait si Enzo. Misunderstood lang siya." Nanlaki ang mga mata ni Martin kapagkuwan ay biglang nagtawa. "Si Guttierez? Mabait?" Lalong lumakas ang tawa nito. Napalabi siya at saka tiningnan ng masama si Martin. Sa lahat miyembro ng tennis club, dito siya pinaka-close. Kaya nga nakakakabiruan na niya ito. "Noong maliit ako, mahina ang resistensya ko. Walang gustong makipaglaro o makipag-kaibigan sa 'kin. Pero si Enzo, hinayaan niya akong maging kaibigan niya. Despite what you see, he's a really good guy," mahinang aniya. Nahinto sa pagtawa si Martin. Hindi niya magawang tumingin dito kaya ibinalik niya ang pansin sa papel. Maya-maya ay naramdaman niya ang pagpatong ng palad nito sa ulo niya at ang bahagyang paggulo nito sa buhok niya. "Sorry," anito. "Hindi ko alam na miyembro ka pala ng Protection Squad ni Guttierez," nakangising dagdag nito. "Martin!" Tumatawang ipinaikot nito ang braso sa leeg niya at nagkunwaring sinasakal siya. She was glad she met him. Martin, that is. Para bang nagkaroon siya ng brother figure sa katauhan nito. Siguro sasabihin ng ilan na nandiyan si Enzo. Pero iba kapag si Enzo, eh. Hindi kuya ang nakikita niya rito. It felt like Enzo was... something more. She could not even explain it. It was just how it is. Sabay na napalingon si Allie at Martin nang biglang may tumikhim. Napangiti si Allie nang makita si Enzo. As always, he was as serious as ever. Walang mababasang anumang emosyon sa mukha nito habang nakatingin sa kanila. "San Victores. Your. f*****g. Arm," he said in a cold tone. "Oops." Inalis ni Martin ang pabirong 'pagkakasakal' kay Allie at saka umayos ng tayo. "Nabisita ka? Na-miss mo 'ko kaagad?" Kung nakamamatay lamang ang tingin, siguro ay kanina pa nakabulagta sa sahig si Martin dahil sa tingin ni Enzo. "Let's do the match next week. We're free," ani Enzo. Nagsimula na sa pag-uusap ang dalawa. Minsan ay tinatanong siya ni Martin sa opinyon niya. Habang nag-uusap ang dalawa, kahit si Martin ang nagsasalita, nakikita ni Allie ang sariling nakatitig kay Enzo. Tila may kung ano ang humahatak sa paningin niya papunta sa lalaki. "Natutunaw na si Guttierez sa titig mo Allie," ang tinig na iyon ni Martin ang pumukaw sa pagtitig niya kay Enzo. Namumula ang pisngi na iniwas ni Allie ang paningin kay Enzo at saka binalingan si Martin. "May iniisip lang ako. Hindi ko namalayang nakatitig pala ako. Sorry. Ano nga 'yon?" "Next week, help us prepare something for all the players. Water, food, towels. The likes." Nilista niya iyon. "Okay. Ako'ng bahala." "Don't push yourself too much," ani Enzo. Napaubo si Martin. "Concern." "Shut the f**k up, San Victores!" Tumatawang tinapik lamang ito ni Martin sa balikat. Hanga rin siya kay Martin. Ang ibang tao kasi, ilag na kay Enzo kapag ganitong nakaangil na ito. Pero si Martin, nagagawa pang biru-biruin si Enzo. "May gagawin ka pa ba pagkatapos nito?" "Uh, dadaan lang akong library para humiram ng reference book tapos diretso na akong ospital. Bakit?" Inayos ni Enzo ang salamin sa mata. "Hintayin na kita." Pabiro niya itong siniko sa tagiliran. "Concern?" Tiningnan lamang siya nito ng masama. That look means yes in Enzo's body language. Bahagya nitong inusog ang monobloc chair papalapit sa inuupan ni Allie. Akmang gagayahin ito ni Martin nang biglang tinadyakan ni Enzo ang upuan ni Martin. Natawa siya ng muntikan pang matumba si Martin. "Hey!" "Go train your members. They're too soft." "Don't tell me what to do, Guttierez." Humalukipkip lamang si Enzo. "Close kayo ni Martin, ano?" aniya sa lalaki. Hindi ito sumagot pero sa body language nito, alam niyang nakikinig ito. Naka-anggulo kasi sa kanya ang katawan nito senyales na nasa kanya ang atensiyon nito. "Masaya akong mayroon kang kaibigan, Renz. You have Tennis Knights. You have Martin." Saka niya idinugtong sa mahinang tinig ang, "You have me." Nakilala niya kasi noong nakaraang araw ang dalawa sa miyembro ng Tennis Knights na sina Chase at Les. Sinama kasi ito ni Enzo nang kinausap nito ulit si Martin. Based on their actions, despite Enzo's coldness and aloofness, they treated him as a friend. Mahina siyang pinitik ni Enzo sa noo. "Yeah." In Enzo's language, it means 'thank you.' "Siguro dapat akong gumawa ng libro, 'no? Lawrenzionary. Parang How-to na libro. How to understand Lawrenzo in many ways. Siguro kikita ako dahil sa mga fan girls mo sa SVU." Ewan niya kung namamalikmata lamang siya ngunit tila umangat nang bahagya ang sulok ng labi nito. Imagination or not, he looked so damn good with that small smile of his. NAPAHINTO sa paglalakad si Enzo nang may pumigil sa braso niya. Pagtingin niya sa kasamang babae ay napailing na lamang siya. Wala siyang dalang sasakyan dahil coding kung kaya't naglalakad lamang sila ngayon ni Allie papunta sa sakayan ng bus. Pero heto nga at may nakaagaw sa pansin ng dalaga. "What?" "Lawrenzo! Hindi mo ba nakikita 'to? Eat-all-you-can dessert buffet for only one hundred ninety-nine pesos! Let's go. Now!" Nothing could come between Allie and her sweets. Even him. "Wipe your drool," aniya rito. Namumula ang pisnging pinahid nito ang gilid ng labi. Nang mapagtanto na hindi naman ito naglaway ay tiningnan siya nito ng masama. Naiiling na inalis niya ang palad nito sa braso niya. Ipinatong niya ang palad sa likuran nito at inakay ito papasok sa dessert store. "Thanks, cyborg." "Shut up," asik niya. Ngumiti lamang ito. Saktong nakapasok na sila sa dessert store nang mapahinto si Allie. Nakakunot ang noong binalingan niya ito. Kagat-kagat ni Allie ang ibabang labi habang inililibot ang paningin sa lugar. Ginaya niya ito. It was too girly for his taste. The scent of sweets were all over the place and it was making his head hurt but she wanted to eat here so what the heck. "Naalala kong hindi ka nga pala mahilig sa matatamis." Ginagap ni Allie ang palad niya at akmang hihilahin siya palabas. "'Wag na pala." He pinched the bridge of his nose. This brat, really. Imbes na lumabas ay hinatak niya papunta sa cashier si Allie. "For two," aniya sa nasa cashier. Inabutan siya nito ng papel. Walang-kibong naghanap siya ng pangdalawang mesa. Inurong niya ang isang silya at saka itinuro iyon kay Allie. Even without saying something, he knew she understood what he wanted to convey to her. Unti-unti itong ngumiti at saka siya niyakap bago umupo. "Thanks, Renz! You're the best." He grunted. Maya-maya ay tumayo na si Allie at pumunta sa hilera ng mga sweets. He silently watched her. He saw how her face lighten up while looking at the sweets. He would protect it. He would protect her. "HERE," ani Allie saka inilipag sa harapan ni Enzo ang isang platito ng strawberry cake. Hindi mahilig si Enzo sa matatamis pero kapag may strawberry, kakainin at kakainin nito iyon. Tinanguan siya nito bilang pasasalamat. Sinimulan nang lantakan ni Allie ang mga kinuha niyang pagkain. Mayroong brownies, cake, at saka macaroons. Kapag naubos niya ito, kukuha siya ng bago. Napatingin siya kay Enzo na sinisimulan nang kainin ang strawberry cake nito. He seemed... contented while eating his favorite food. "Hey, Renz." "What?" "M-masaya ako na nakakasama kita ulit," mahinang aniya habang nakayuko. Hindi niya gustong makita ang magiging reaksiyon ni Enzo. "I was lonely when you started to drift away from me but I tried to understand you. And I'm glad that you are now here." So there. Ilang minuto ang lumipas na wala siyang narinig na tugon mula kay Enzo. Dahan-dahang inangat ni Allie ang paningin. Nakatitig si Enzo sa platito nito at tila malalim ang iniisip. Maya-maya ay napabuga ito ng hangin. Biglang umangat ang paningin nito at nang magtama ang mga mata nila ay biglang bumilis ang t***k ng puso ni Allie. "I'm sorry." As simple as that, the hurt feelings she had for him disappeared. His sincere apology was all that matters to her. "Isang ngiti mo lang, sapat na," aniya. Hindi ngiti ang binigay nito sa kanya. Tiningnan siya nito ng masama. Natawa siya dahil doon. Napahinto lamang siya nang may naramdaman sa bibig. Isinuksok pala nito ang tinidor sa bibig niya. Nginuya niya ang isinubo nito na strawberry. "You are so annoying, Alianna," anito sa malambot ng tinig. She smiled. Kahit paunti-unti, hihintayin niyang bumalik 'yong dating Enzo. - - Note: Again, hindi ko po isinama ang Lawrenzionary sa bawat opening chapters. Hehe. Ginawa kong exclusive na lang 'yon sa selfpub book. Anyway, please leave a comment and vote
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD