Kabanata 2
IF THERE was someone Allie trusted with her life aside from her mother, it was this person.
Lawrenzo Guttierez. Or Renz as she preferred to call him even if his friends and peers called him Enzo. Son of her mother's friends. Son of the people who were currently helping her when it came to financial matters.
Kilala na ni Allie si Enzo simula pa noong maliit pa lamang sila. Lumaki siyang nakabuntot dito. Kung nasaan ito, paniguradong nandoon din siya. Ang biro nga noon ng mga magulang nila eh anino siya ni Enzo.
Hindi palasalita o palakibo si Enzo. Pero pagdating kay Allie, hindi ito ganoon kaseryoso. Kahit hindi nagsasalita, alam niyang nakikinig ito sa kanya dahil minsanan ay sumasagot ito kapag tinatanong niya. Allie knew he liked her company because he was allowing her to be near him; to be his shadow. She could even say he spoiled her.
Nagbago lamang iyon noong tumuntong sa high school si Enzo. Naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Inaangilan siya nito kapag nakasunod siya rito. Kibuin-dili na rin siya nito at hindi na sumasagot kapag tinatanong niya.
Not that he was the warmest person before but he wasn't that cold. Something changed, she knew it but she doesn't know what.
Despite the coldness, Allie doesn't stop being Enzo's friend. Kahit ayaw nito, hindi siya mawawala sa tabi nito.
"Allie," malamig na anito. Dumiretso ito sa tabi ng kama at tinitigan ang mommy niya. "How's Tita Nella?"
Nabitin ang akmang pagngiti ni Allie nang marinig ang tanong nito. "She's fine for now. Katutulog lang niya," mahinang aniya.
Tinitigan siya ng matiim ni Enzo saka walang kibong lumapit sa isang bakanteng silya. Binitbit nito iyon at inilapag malapit sa kinauupuan niya.
"You're going to stay here?" gulat na tanong niya.
He nodded.
"Nasaan sina Tita Lily at Tito Miguel? Pupunta rin ba sila ngayon?" Ang tinutukoy ni Allie ay ang mga magulang ni Enzo. Mag-best friend ang mommy niya at si Tita Lily.
"At work. They won't be able to come today but they'll visit tomorrow."
Napatungo si Allie. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa mga reading materials na bitbit. Minsan, nahihiya na siya kina Tita Lily. Alam niyang hindi biro ang nagasta ng mga ito para tulungan ang mommy niya.
Naisip na nga niyang huminto sa pag-aaral at magtrabaho para makatulong sa pagpapagamot ng mommy niya ngunit hindi ito pumayag. Kahit sina Tito Miguel ay tumanggi. Mahalaga raw na makatapos siya dahil mas matutulungan niya ang mommy niya sa lagay na 'yon.
"Nalulukot na." Ang tinig na iyon ni Enzo ang pumukaw sa pag-iisip ni Allie. Naramdaman niya ang palad nito sa ibabaw ng nakakuyom niyang palad. Ibinuka nito iyon at kinuha ang mga papel. "Assignments? You better do it fast if you want to finish it early," anito.
"Renz, salamat, ah. Salamat sa tulong niyo. H-hindi ko alam kung..." Nakagat ni Allie ang ibabang labi upang pigilan ang pag-alpas ng hikbi. Naiinis na pinunasan niya ang mga mata nang manlabo iyon. Naiinis siya dahil ayaw niyang makita ni Enzo na iyakin siya, na mahina siya.
May telang tumakip sa ulo niya dahilan ng pagdilim ng paningin niya. Akmang aalisin niya iyon nang may mabigat na bagay ang pumatok sa ulo niya.
"I'm not doing anything," walang emosyong anito.
"Being here is enough to me," sagot niya.
Wala siyang narinig na tugon mula kay Enzo. Dahil may nakatakip sa ulo ay hinayaan na ni Allie ang pagpatakan ng mga luha niya. Ngayon niya napagtanto kung bakit tinakpan ni Enzo ang ulo niya—para hindi nito makitang umiiyak siya.
Despite everything, for Allie, Enzo was still her Renz. Despite the coldness, despite the aloofness, she knew if she needed him, he would be there.
"NASAAN si Manang Melba?"
Inilapag ni Allie ang bag sa one-seater sofa at saka binalingan si Enzo. "Umuwi muna sa probinsya. Emergency raw, eh. Mga one week yata siya ro'n," sagot niya.
Mula sa ospital ay hinatid siya nito pauwi dahil gabi na raw. Ang akala niya ay uuwi na rin ito kaagad kaya nagulat siya nang walang salitang umupo sa mahabang sofa. Hinubad nito ang suot na eyeglasses at saka humiga sa sofa. Ipinatong nito ang braso sa ibabaw ng mga mata.
"Renz?"
"I'll be here until you sleep. Finish your homework then go to bed," sagot nito.
"Gagabihin ka."
"Don't mind me and just f*****g do your work, Allie."
She rolled her eyes at him. Inilabas niya ang laptop. Isa na lamang ang hindi pa niya natatapos na homework. It was only a research thing kaya madali lamang niya itong magagawa.
Habang nagre-research ay patingin-tingin siya kay Enzo. Wala na itong kibo simula kanina. Siguro ay nakatulog na ito. Alam naman niya kasing busy rin ito dahil bukod sa pag-aaral, naglalaro pa ito ng tennis. Ito rin ang captain ng tennis club sa unibersidad nito.
Kaya nga kahit alam niyang mas gusto nitong umuwi at matulog sa bahay nito, mas pinili nitong ihatid siya at hintayin dahil wala siyang kasama sa bahay.
It just showed he still cared. She liked it.
Even without seeing Enzo's face right now, Allie knew he was perfect. From his cold gray eyes to his aristocratic nose to his strong chin down to his full lips—he was perfect. He played tennis real damn well and could match Martin to the boot.
She never thought guys wearing eyeglasses could be this... handsome.
Sa Saint Vincent University nag-aaral si Enzo. Gusto nga niya noong una na roon din mag-enroll pero mas malapit ang Saint Louis sa bahay nila kumpara sa SVU kaya sa SLU siya nag-enroll. Hindi man siya sa SVU nag-aaral, may nalaman pa rin siya tungkol kay Enzo.
Sa kabila ng pagiging seryoso, malamig, mala-yelo at tila robot nitong pag-uugali, marami ang babaeng nagkakagusto rito. Lahat ng iyon ay napaiyak daw ni Enzo. Isang malamig na titig lamang mula rito, nanlalambot na ang mga ito.
Pero hindi si Allie. Siguro ay immune na siya rito.
Napailing na lamang si Allie at itinutok ang pansin sa laptop. Nang matapos sa research ay isinara na niya iyon. Tumayo siya at mula kumuha ng comforter sa storage room. Dahan-dahan niya iyong ipinatong kay Enzo.
Umupo siya sa sahig sa harapan ng hinihigaan ni Enzo at masuyo itong pinagmasdan.
Magaang hinaplos ni Allie ang pisngi ni Enzo. Nang bahagya itong gumalaw ay nanigas ang mga kamay niya. Hindi nito inalis ang braso sa ibabaw ng mga mata. Hindi rin ito nagsalita. Tulog pa nga ito.
Sumandal na siya sa sofa at pumikit. Hindi niya namalayang nakatulog na siya.
"WATER. Check. Schedule. Check. Training regimen. Check. May kulang pa ba?" mahinang ani Allie sa sarili.
Kasalukuyan siyang nasa open court ng SLU. Dito nagpa-practice ang mga miyembro ng tennis club sa mga oras na ito. Masasabi ni Allie na na-e-enjoy niya ang pagiging manager ng club. Hindi naman mahirap ang mga gawain. Saka tinutulungan siya ni Martin.
May naramdaman siyang pumatong sa ulo niya. "Hey. Don't push yourself too much," anang tinig mula sa kanyang likuran.
Pagbaling niya ay ang nakangiting si Chance ang bumungad sa kanya. Isa si Chance sa mga regular tennis player ng club nila. Ginantihan niya ang ngiti ni Chance.
Mababait ang mga miyembro ng tennis club ng unibersidad nila. Unang araw pa lamang niya bilang manager pero tinanggap kaagad siya ng mga ito. It felt like she gained a team of friends because of the tennis club—
"Kung hindi niya kaya ang trabaho rito sa club, puwede na siyang umalis."
—puwera sa bagong dating at nagsalitang si Killian.
Si Killian ang dating manager ng tennis club. Kaya siguro "bad vibes" ito sa kanya ay dahil siya ang pumalit dito. Kagaya ni Chance, isa rin ito sa mga regular member ng tennis club.
Kay Martin siya magreklamo, belat, aniya sa sarili. Hindi niya 'yan masasabi kay Killian. Medyo nakakatakot kasi ito.
Pinigilan ni Allie sa braso si Chance nang umakmang sasagutin nito si Killian. Hindi niya gustong pati si Chance ay pag-initan nito. Nakita na kasi niya ang ugali ni Killian. He was ruthless even to those inside his team.
Nang hindi siya kumibo sa pasaring ni Killian ay kunot ang noo na umalis na ito at pumunta sa office. Napahinga siya ng malalim nang mawala ito sa paningin. Sa mga miyembro ng tennis club, si Killian ang pinaka-iniiwasan niya.
"Tsk. 'Wag mo na lang pansinin si Killian. Iwasan mo na lang siya," ani Chance.
"Yeah. Iyan nga ang gagawin ko," saad niya at nagkunwaring nanginig. "Nakakatakot siya."
"Saint Vincent's captain is scarier than him," singit ng kalalapit lamang na si Red; isa rin sa regular member ng club.
Napakunot ang noo ni Allie sa narinig. "Enzo's a nice guy," wala sa sariling pagtatanggol niya sa lalaki.
Napamaang sa kanya si Chance at Red. Bakas ang hindi pagkapaniwala sa mukha ng mga ito.
"N-nice? Enzo?"
"Are we talking about the same Enzo here? Lawrenzo Guttierez?"
Humalukipkip siya at pinagtaasan ng kilay ang dalawa. "Yes! Mabait si Enzo!"
Naalala niya 'yong gabing nakatulog siya habang natutulog sa sofa si Enzo. Nagising siya kinaumagahan na nasa kama na. Alam niyang si Enzo ang naglagay sa kanya roon. See? Kung hindi ito mabuting tao, hahayaan lang siya nitong mangalay sa sahig.
Bigla siyang inabutan ng tubig ni Chance. "Here. Baka nauuhaw ka lang."
"Better yet, pagkain ang ibigay natin sa kanya, Chance."
"O baka kulang siya sa tulog, Red."
"Guys!"
Nang sabay na tumawa ang dalawa ay napangiti na rin si Allie. She was glad she became a part of this group.
It felt like her circle was getting bigger. And at the same time, she could see herself being able to smile and laugh more.
ALLIE could not stop fidgeting. Tapos na ang tennis practice. Sinabihan siya ni Martin na 'wag munang umuwi at samahan itong maghintay sa pagdating ng captain mula sa ibang university. Kaya heto sila ngayon sa loob ng office at hinihintay ang lalaki.
"Stop fidgeting. Wala ka naman gagawin kundi makinig at... makinig. Don't be nervous," pukaw ni Martin sa pag-iisip niya. Naka-puwesto ito sa likuran ng mesa. Siya naman ay nasa isa sa dalawang bakanteng upuan sa harapan ng mesa nito.
She puffed her cheeks. "Bakit ba kasi kasama pa ako?"
Nagkibit ito ng balikat. Naputol ang akma nitong pagsagot nang may kumatok sa pinto. Dali-daling tumayo si Allie at binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang ang pigura ni Enzo ang bumungad sa kanya.
"Renz!" gulat na bulalas niya. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
Bahagyang nangunot ang noo nito na kaagad din nawala. Lumagpas sa kanya ang paningin nito. Alam niyang si Martin ang tinitingnan nito ngayon.
"Why is she here?" he asked in his oh-so cold voice.
"Manager siya ng club namin. You know each other?" sagot ni Martin sa tanong ni Enzo.
Tumango lamang si Enzo. Pumasok na ito sa loob. Akmang isasara niya ang pinto nang naunahan siya ni Enzo. Walang-kibong bumalik na siya sa puwesto niya. Si Enzo naman ay umupo sa may tapat niya.
Palihim niyang pinagmasdan si Enzo. Wala siyang mabasang emosyon sa mga mata nito. Nakahalukipkip lamang ito at diretso ang tingin kay Martin. Nang balingan naman niya si Martin ay may pagtatakang pinaglipat-lipat nito ang paningin sa kanila ni Enzo.
"Magkababata kami," aniya kay Martin.
"Ah," 'yon lamang at may inabot na itong folder kay Enzo. "Here. Schedules, matches, and training. I really think you should consider this, Enzo," ani Martin.
Kinuha ni Enzo ang folder at binuklat iyon. Hindi kumibo ang lalaki at tahimik na binasa ang laman ng folder.
"Para saan 'yan, Martin?" tanong niya.
"Inaaya ko sa isang friendly match ang grupo nila Enzo. Malapit na kasi ang tournament. This friendly match will be a great practice between our team. But this guy," itinuro nito si Enzo. "doesn't like my plan."
Binalingan niya si Enzo. "I think you should take it, Renz," suhestiyon niya.
"Hindi 'yan makikinig—"
"Fine," ani Enzo.
Napamulagat si Martin. "W-what? Pumapayag ka na?"
An exasperated sigh left Enzo's lips. "Yeah."
"Huh. Well, well," mahinang ani Martin na umabot sa pandinig ni Allie.
Habang nag-uusap ang dalawa tungkol sa gagawing friendly match ay pinaglipat-lipat ni Allie ang paningin sa mga ito. Guwapo si Martin, aminado naman siya roon. Pero ewan niya. Mas guwapo sa paningin niya si Enzo. Even if he wasn't smiling unlike Martin, he was still pleasant in her eyes.
"Ano sa tingin mo, Allie?"
Napakurap-kurap siya nang marinig ang boses ni Martin. "Ha?"
Isang nanunudyong ngiti ang sumilay sa labi nito. "Ang sabi ko, tuwing may meeting kami, dapat ay present ka."
"Ah. Ayos lang sa 'kin."
"Good."
Tumayo na si Enzo at Martin kaya tumayo na rin siya. Habang naglalakad papunta sa pinto ay may naramdaman siyang pumatong sa ulo niya.
"May kasabay ka bang umuwi, Allie? Ihatid na kaya kita?" tanong ni Martin.
Bago pa man makasagot si Allie ay naunahan siya ni Enzo. Malakas nitong tinabig ang braso ni Martin na nakapatong sa ulo niya. Masama ang tingin nito sa lalaki.
"f**k off, San Victores. She's going with me."
Natatawang itinaas ni Martin ang magkabilang-palad na tila sumusuko. Hindi maaalis ang nakakalokong ngisi nito. "Fine."
Nang makalabas ng office ay naramdaman ni Allie ang palad ni Enzo sa likuran niya. Binalingan niya ito at nginitian ng matamis. Iniwas lamang nito ang paningin sa kanya bagaman napansin niyang bahagyang lumambot ang ekspresyon sa mukha nito.
"Manager, huh," mahinang anito.
"Nag-e-enjoy ako. Mababait silang lahat sa 'kin. Lalo na si Martin, Chance at Red. I like it. Being a member of a tennis club."
"That's good to hear."
Habang papunta sa parking area ay walang hinto sa pagkukuwento si Allie. Bagaman hindi nagsasalita, alam niyang nasa kanya ang atensiyon ni Enzo. Napapansin kasi niya ang bahagyang pagtango nito paminsan-minsan.
"Daan muna tayong ospital?" tanong niya.
"Sure."
She smiled at him.
-
-
Note: Thank you for reading! Don't forget to drop a comment and vote. x