Kabanata 1
"NASABI ko na kay Heidi na may game match tayo nang araw na 'yon pero nagalit pa rin siya. Women! I can't understand them at all."
"Ano'ng ginawa mo, Les?"
"Wala. Ano ba ang dapat kong gawin?"
Napansandal si Enzo sa hamba ng pintuan at pinaglipat-lipat ang tingin sa mga lalaking nandito sa loob ng locker room na matatagpuan sa loob ng university gym dito sa Saint Vincent University. Masyadong tutok sa pag-uusap ang mga lalaki kung kaya't hindi siya kaagad napansin ng mga ito.
Kagagaling lamang niya sa Saint Louis University at kinausap ang captain ng tennis club doon. Dahil mayroon pa silang practice game ay dito siya kaagad sa SVU dumiretso.
"Sabagay. Ako man, hinding-hindi ko ipagpapalit ang isang tennis match dahil lang sa babae," narinig niyang ani Cloud, isa sa Golden Duo ng tennis club nila.
"Same here!"
"Hindi rin. Kung mahal mo, dapat siya ang number one priority mo."
"Hugot lang, Chuck?"
These eight men inside the locker room were his friends and all were member of the core group of the tennis club called Tennis Knights. Siya ang umaaktong captain-c*m-coach ng Tennis Knights maging ng buong tennis club.
Silang siyam na miyembro ng Tennis Knights ay pare-parehas ang kursong kinukuha na Computer Engineering. It was pure coincidence that they all loved playing tennis. And it was also pure coincidence that they all became a part of Tennis Knights.
Enzo, Les, Cloud, Chuck, Reus, Guji, Kei and Chase were in the same class while Rein was two years younger than them.
"Ano 'yan, Les, Cloud, heart to heart talk?"
"Shut your b****y mouth, San Diego!" sikmat ni Guji sa madaldal na si Reus.
"I'm not talking to you, Nognog! Sunog!"
"Kaysa naman kagaya mong parrot!"
Kung gaano kaingay ang mga ito noong hindi pa siya dumarating ay kay bilis nagsitahimik ang mga ito no'ng narinig siyang tumikhim. Maybe it was because of him. Or maybe it was because of... him.
"Nandiyan ka na pala, Coach Enzo! I mishue, Captain, sir!"
Tinignan niya ng matalim si Reus kung kaya't tumabingi ang ngiti nito. "Twenty laps around the court, now!" Isa-isa niyang binalingan ang mga kaibigan, "Lahat kayo, twenty laps, now!"
Mga nagbubusang tumayo at lumabas ang mga ito. Huling lumabas si Chase, ang genius na kaibigan niya.
"Ano'ng sabi ni Martin?"
Kaagad siyang sumagot, "The first part of the tournament will be held here. Inaaya niya tayo ng practice game pero nagdadalawang-isip ako."
Bahagya siya nitong tinapik sa balikat. "Good luck, 'Zo."
He heaved a sigh.
Inilapag lamang niya ang overall bag sa sahig at sumunod na sa mga kasamahan sa Open Court. Nakapagbihis na siya ng tennis uniform bago pa man makapunta rito sa locker room.
Pagkarating na pagkarating sa Open Court ay kaagad na nag-init ang ulo niya nang makita ang mga babaeng nagtitilian sa gilid. Those girls were just distractions on their part.
"What's wrong with you, 'Zo?"
Binalingan ni Enzo si Chase. Hindi niya namalayang nakalapit na ito sa kanya.
"Hn."
"Have you ever felt this? That something's going to change any minute from now?"
Tinignan lamang niya ang kaibigan.
Ngumiti ito, iyong ngiti na tila ba may tinatago ito. "May pakiramdam akong maraming magbabago sa atin, Enzo."
"Naks! Mukhang nagtatapat na ng pag-ibig si Chase kay Enzo. Kinikilig ako. Har-har. Isang labyu nga d'yan."
Kung nakamamatay lamang ang tingin, marahil ay kanina pa bumulagta sa sahig si Reus dahil sa tingin niya.
"Reus, another twenty laps around the court. Now!"
Nang sumimangot ito, alam niyang nakaganti na rin siya kahit papaano.
Napabuga siya ng hangin habang umiikot sa isipan ang binitawang salita ni Chase. Yes, he could feel that something was bound to change and he doesn't know if this change would be good to him or not.
HINILOT ni Allie ang sentido nang kumirot iyon. Alam niyang dahil iyon sa pagpupuyat niya no'ng nakaraang gabi. Tinapos kasi niya ang mga dapat niyang ipasang assignments ngayon araw. Inabot na rin kasi siya ng gabi sa ospital sa pagbabantay sa mommy niya.
Pero ayos lamang. Basta para sa mommy niya. Her mother sacrificed so much for her. Ano ba naman 'yong bantayan niya ito.
Iniangat ni Allie ang paningin nang may naglapag ng pineapple juice sa mesa. "Thanks, Avi," aniya sa kaibigan.
Mabibilang ni Allie sa isang kamay ang mga kaibigan niya at isa na roon si Avi. Magaan ang loob niya rito simula pa noong unang beses pa lamang niyang nakilala ang dalaga. Kaya nga hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila.
Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management ang kurso nilang dalawa ni Avi rito sa Saint Louis University. Nasa ikatlong taon na sila sa kursong iyon. Ang gusto talagang kuhaning kurso ni Allie ay iyong konektado sa arts pero nagpaka-praktikal siya.
Umupo ito sa tapat niya. "You're welcome. May sakit ka ba? Nangangalumata ka, oh."
Iwinasiwas niya ang palad. "Napuyat lang," sagot niya at saka inisang lagok ang juice.
"Sigurado ka bang kaya mo? Nag-apply ka pa bilang manager ng tennis club natin."
"Oo naman. Kaya ko, 'no. Saka alam kong mapapanatag si mommy kapag nalaman niyang sumali ako sa club. Alam mo naman 'yon, iniisip na pabigat siya sa 'kin which was not true."
Kamakailan lamang ay nagpasa si Allie ng application form sa tennis club ng Saint Louis University. Sa loob ng tatlong taon niyang pag-aaral dito ay itong unang beses na sasali siya sa isang club. Wala kasi siyang panahon para sa pagsali sa mga club at organization. Mas inilalaan niya ang panahon sa pag-aaral at sa pag-aasikaso sa mommy niya.
Noong nasa elementarya at high school naman siya ay hindi rin siya nakakasali sa mga school activities dahil lampa siya, mabilis mapagod at mabilis magkasakit. Mahina kasi ang resistensya niya. Bumiti lamang ang lagay niya no'ng katagalan pero ang mommy naman niya ang nagkasakit.
Pero ngayon, mag-a-apply siya para mapanatag ang loob ng mommy niya. Pinipilit kasi siya nito na sumali sa isang isang organization at huwag ikulong ang sarili sa pag-aalaga rito. Para hindi na ito mag-aalala, nag-apply siya bilang manager sa tennis club.
It wasn't a sacrifice at all-gusto rin naman niyang maging member ng tennis club kahit bilang manager.
"Basta huwag mong pilitin ang sarili mo, ah. Magpahinga ka kapag pagod ka na," ang tinig na iyon ni Avi ang pumukaw sa pag-iisip ni Allie.
Nginitian niya ang kaibigan. "I know."
Kaunti man ang kaibigan niya, alam naman niyang tunay at totoo ang mga ito. Hindi niya kailangan ng libo-libong kaibigan kung hindi rin naman totoong tao.
"Anong oras pala 'yong interview mo sa tennis club?"
"Alas-tres."
"Uh-huh. Sana matanggap ka. Kapag natanggap ka, lakad mo ako kay Red beybeh."
"Sira. Magagalit si Russel sa 'yo," natatawang aniya.
Best friend nito si Russel. Captain si Russel ng tennis club sa ibang university. Kahit itanggi ni Avi, pakiramdam ni Allie eh may gusto ito kay Russel.
Humalukipkip si Avi. "Whatever. Wala akong pakialam sa pesteng 'yon. Magsama sila ng mga matrona niya." Iwinasiwas nito ang palad. "Oo nga pala. Nag-aayang lumabas next week si Ashleigh," anito.
Ang Ashleigh na tinutukoy nito ay ang isa pa sa mga kaibigan nila. Sa ibang university ito nag-aaral. Naging kaibigan niya ito noong minsan na napadayo ito rito sa Saint Louis para mag-cover ng isang event.
"Sige, magpapaalam muna ako kay mommy."
"Then we can visit your mom afterwards."
"Okay!"
Maya-maya ay nakatutok na sa laptop nito ang pansin ni Avi. Si Allie naman ay inilibot ang paningin sa paligid.
Nandito sila sa open area ng Saint Louis. May mga mesa at upuan dito. May mga mesa na may silong kung kaya't hindi naaarawan. Doon sila nakapuwesto.
Itinuon na ni Allie ang pansin sa drawing book niya. Ever since she learned Avi loved writing romance stories, they started teaming up. Si Avi ang nagsusulat ng story, siya ang nagdo-drawing. Ginagawa niyang manga style ang mga isinusulat ni Avi. Libangan niya kasi ito.
Ilang minuto rin ang lumipas bago siya napatingin sa cellphone at sinipat ang oras. Mag-a-alas tres na. Inayos na niya ang mga gamit at saka tumayo.
"Punta muna ako sa club office, Avi."
"Sige. Baka maabutan pa kita mamaya. May gagawin pa rin kasi ako. Good luck! I-kiss mo ako kay Red beybeh. On the second thought, 'wag pala."
Malapit ang tennis club office sa university gym. Nang makarating sa office ay napahugot siya ng hangin.
Napapiksi si Allie nang biglang bumukas ang pinto ng office. Isang lalaki ang nabungaran niya.
"Oh. May kailangan ka ba, Miss?" nakangiting tanong nito.
"Ah, ako 'yong nag-a-apply for club manager," aniya.
"Allie Ferrer? Come in, come in. Nasa loob si Martin, captain ng tennis club. Siya ang mag-i-interview sa 'yo."
"Salamat."
"I'm Chance," pakilala nito at saka inilahad ang palad.
Kiming ginagap niya iyon. "Nice meeting you."
Nang binitawan nito ang palad niya ay ginulo nito ang buhok niya na tila ba matagal na silang magkakilala. "You seem nice. I hope he'll pick you. Good luck!"
Pumasok na siya sa office. Maliit lamang iyon. Sa pagkakaalam niya kasi, bukod sa office ay may sarili pang locker room ang tennis club na nasa loob naman ng university gym.
"Hello. I'm Allie Ferrer," aniya nang mapatingin sa kanya ang lalaking nakaupo sa likuran ng nag-iisang mesa sa silid.
Umangat ang paningin nito sa kanya. She knew him. He was Martin San Victores, the captain of the tennis club.
"Allie Ferrer? Come, sit there," anito at saka itinuro ang bakanteng upuan sa tapat ng mesa.
Kaagad naman siyang sumunod sa utos nito.
"I'm Martin San Victores."
"Nice meeting you!" bulalas niya.
She was a fan of him. Alam niya kasing magaling talaga ito sa paglalaro ng tennis.
He chuckled. "No need to be nervous. Actually, formalities na lamang 'tong interview na 'to. When I read your form, I know instantly that you fit in the position. Welcome to our club, Allie," nakangiting anito.
Nanlaki ang mga mata ni Allie. She was chosen just like that?!
Tila nabasa naman ni Martin ang nasa isip niya dahil idinagdag nito, "I've been watching you since you passed your application form four days ago. And I liked what I had seen. Among the applicants, I choose you, Allie."
Ano siya, pokemon? Kamukha ba niya si Pikachu?! Napangiti na lang ng maluwang si Allie. "Thank you! Thank you!"
"No need to thank me. Just work hard for our club."
"I will!"
Binigyan siya ni Martin ng mga listahan ng mga dapat niyang gawin bilang manager ng tennis club. Binigyan din siya nito ng profiles ng bawat miyembro ng club pati na rin ng core group ng tennis club.
"Hindi ka magsisisi na ako ang pinili mo, captain!"
"I know."
Nakalabas na ng Saint Louis si Allie pero pakiramdam niya ay nasa mga ulap pa rin siya. It felt nice to do something for yourself.
It felt fulfilling.
"TAPOS ka na, Allie? Kumusta? Napili ka ba?"
Napahinto sa paglalakad si Allie at saka binalingan ang kaibigan. "Yes! Napili ako ni Martin!"
"Congrats! Siguradong matutuwa ang mommy mo. Pupuntahan mo ba siya ngayon?"
"Thanks and yes. Doon muna ako para magbantay."
"Gusto mong samahan kita?"
Umiling siya at saka nginitian ang babae. "No need."
"Sabay na lang tayo hanggang sa sakayan ng bus," anito.
Allie nodded. "Let's go?"
Habang naglalakad ay nagkukuwentuhan sila. Aakalain mong ang tagal nilang hindi nagkausap dahil hindi sila nauubusan ng kuwento gayong magkaklase lamang silang dalawa.
"Kumusta na pala si Tita Nella?" tanong ni Avi na ang tinutukoy ay ang mommy niya.
Napabuga siya ng hangin. "She's fighting," simpleng saad niya.
Ginagap ni Avi ang palad niya at marahan iyong pinisil. "Tell her I said hi, okay? I'll always include her in my prayers, Allie."
Nginitian niya ang kaibigan. "Thanks, Avi."
Nang makarating sa sakayan ng bus ay naghiwalay na silang dalawa. Ibang routa kasi ang sasakyan ni Avi.
Halos isang oras din ang naging biyahe niya bago siya nakarating sa ospital. Dire-diretso siyang pumanhik papunta sa silid ng mommy niya.
Napangiti si Allie nang maabutang gising ang mommy niya.
"Hello, mom!" nakangiting bati niya rito.
Mula sa libro ay binalingan siya nito. Ngumiti ito sa kabila ng pagod na nakikita niya sa mukha nito. "Allie, narito ka na pala. Kumusta ang araw mo?"
Inilapag ni Allie ang bag sa may lamesa at saka umupo sa bakanteng silya sa tabi ng kama. Kumuha siya ng mansanas at sinimulang balatan iyon.
"Ayos lang, mom. Ang daming pinapagawa ng mga professor namin pero kaya pa naman," sagot niya.
"Hindi mo yata kasama si Avi?" tanong nito.
"Next time na lang siguro, mom. Marami kasing gagawin, eh. Baka gahulin sa oras si Avi."
Inabot niya sa mommy niya ang platito ng binalatang mansanas.
May sakit ang mommy niya. Cancer. Hanggang ngayon ay lumalaban pa rin ito at nagpapagamot subalit nakikita ni Allie ang unti-unting pagbagsak ng katawan at kalusugan ng mommy niya. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa. Hangga't lumalaban ang mommy niya, magiging matatag siya.
"Aba, dapat ay dumiretso ka na rin sa bahay, anak. Dapat ay inaasikaso mo ang mga dapat mong gawin sa eskuwelahan kaysa dumaan dito."
Ginagap ni Allie ang palad ng mommy niya at marahan iyong pinisil. Sa kabila ng karamdaman nito, hindi pa rin mawawala iyong pag-aalala nito sa kanya.
"It's okay, mom. May dala akong mga reference books kaya puwedeng dito ako gumawa ng mga assignments and take home quiz."
"Baka napapagod ka masyado."
Iniba na lamang ni Allie ang topic. "By the way, mom, napili ako bilang manager ng tennis club sa SLU!" pagbabalita niya.
Nakita ni Allie na lumiwanag ang mukha ng mommy niya. Pakiramdam tuloy niya, gumaan na rin ang pakiramdam niya. She liked making her mother happy.
"Really? Congratulations, Allie. Do well on being a manager. Don't slack off."
"Yes, ma'am!"
Ilang minuto pa silang nagkuwentuhan at nang mapansin na nanghihina na ang mommy niya ay sinabihan niya itong matulog muna. Alam ni Allie na hirap na ang mommy niya lalo pa't walang pag-aatubiling natulog ito.
Napabuga ng hangin si Allie at saka napapikit.
Brain tumor ang sakit ng mommy niya. Cancer of the brain. Nalaman nila ang sakit nito tatlong taon na ang nakalilipas. Sumasailalim ito sa iba't ibang treatment. Ang akala nga nila ay ayos na subalit nitong nakalipas na mga buwan ay bumagsak ang kalusugan ito. It was as if the treatments and medicines were not enough anymore. Ang sabi ng doctor, maaaring makatulong ang surgery sa paggaling ng mommy niya.
Noong una ay hindi alam ni Allie ang kanyang gagawin nang malaman ang sakit ng mommy niya. Paano ang pagbabayad sa ospital? Sa mga gamot at operasyon? Hindi sapat ang ipon nila, na kahit ibenta nila ang negosyo ng mommy niya ay kulang pa rin.
Mabuti na lamang at tinutulungan sila ng kaibigan ng mommy niya.
Allie doesn't know what to do. Ngumingiti siya araw-araw, pinapakita na malakas siya pero takot na takot na siya. Alam niyang hindi biro ang sakit na ito lalo pa't sa utak. Nagbasa siya ng mga articles tungkol sa brain tumor at pinanghihinaan siya ng loob sa mga nababasa niya.
Noong nalaman nga niya ang tungkol sa sakit ng mommy niya, pakiramdam niya ay huminto sa pag-ikot ang mundo niya. Ang tanging mayroon na lamang siya ay ang mommy niya. Malamang may sakit ito, malamang walang kasiguraduhan kung makakaya nito ang operasyon ay naghahatid ng ibayong takot at sakit sa puso niya.
Pero naisip ni Allie, kung natatakot at nasasaktan siya ngayon, papaano pa kaya ang mommy niya, 'di ba? Kaya pinipilit niyang maging malakas para rito.
Idiniin niya ang mga palad sa mata upang pigilan ang pagpatak ng mga luha niya. Hindi tama na maging mahina siya sa harap ng mommy niya. Alam niyang sa kanya lamang ito kumukuha ng lakas para lumaban. Hindi siya puwedeng maging mahina.
Not now.
If only her father was here with them...
Napailing siya.
Hindi niya nakagisnan ang daddy niya. Hindi niya alam kung bakit wala ito ngayon kasama nila at wala na siyang balak pang alamin sa ngayon. Because every time she was trying to ask about him, her mother would always have this sad and painful look in her eyes. She doesn't want to see her mother like that ever again so she stopped asking.
Minsan, iniisip niya kung papaano kaya kung nandito ang daddy niya. Matutulungan kaya nito ang mommy niya? Mabibigyan ng lakas? Masasabihang huwag sumuko at lumaban pa?
Hindi niya masagot dahil wala naman dito ang daddy niya. She grew up not knowing how it feels to have a father.
Even if she was alone, she would give all the strength her mother needed right now. So she could survive this.
Napalingon si Allie sa pintuan nang marinig ang pagbukas niyon. Kaagad na sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang makita ang pigurang pumasok.
"Renz..."
-
-
Note: Your comments and votes are very much appreciated x