Mabigat ang pakiramdam at masakit ang mga kasu-kasuhan ni Mariana nang magising sya kinabukasan. Ngunit pinilit nyang bumangon. Si Kevin kaagad ang unang pumasok sa kanyang isip. Sa kung anong dahilan ay nasasabik syang makita ang mukha ng lalaki kahit pa hindi ganoon kaganda ang kinahantungan ng nangyari sa kanila kagabi. Maaga pa. mabilis syang nag-ayos ng sarili at agad nagtungo sa kusina. Lulutuan nya si Kevin ng isang masarap na agahan. “Magandang umaga, Nanay—Lucas?! Ang aga mo ata.” Wala ang matanda sa kusina. Sa halip ay si Lucas na sumisimsim ng kape ang kanyang nadatnan. Nakangiting tumayo ang lalaki upang salubungin sya para lamang mahinto at nauwi sa pagkadilim ang mukha. Tutok ang mga mata nito sa pasa at sugat sa gilid ng kanyang labi. “Sya ba ang gumawa nyan

