Isang mahinang daing ang pinakawalan ni Mariana nang tuluyan nyang maramdaman ang paglapat ng kanyang katawan sa malambot na kutson. “I'm so sorry…” bulong ni Kevin na nakaibabaw sa kanya. Ang mainit na hininga ng lalaki ay lalong naghatid ng kakaibang sensasyon sa kaibuturan ni Mariana. Nang tumango sya ay tila naging hudyat iyon sa lalaki upang muli nitong siilin ng halik ang kanyang nakaawang na labi. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Mariana at gumanti na rin sa maalab na halik ni Kevin. Sandali itong natigilan. “Napakabilis mong matuto, Mariana…” “Salamat sayo, Kevin --” hindi na sya pinatapos pa ng lalaki. Sa pagkakataong iyon ay mas matindi na ang halik na iginawad sa kanya nito. Kumagat, sumipsip at naglumikot ang dila nito sa loob ng kanyang bibig. Parehas silang

