Chapter 6

1528 Words
Laking gulat ni Kevin nang dilim ang sumalubong sa kanya sa condo unit ni Victoria. Tinawagan sya ng hipag kanina habang nasa opisina sya. Humingi ng tulong at dinig nya ang iyak ng babae sa kabilang linya. Sinaktan daw ito ng nobyo at sya ang unang hiningian ng tulong. Walang pag-aalinlangan na pinuntahan nya ang babae.   “Victoria! Victoria, nasan ka?”   Nakarinig ng singhap si Kevin. Nagmumula iyon sa silid nito. Nilapitan nya ang pinto ng kwarto at agad nyang binuksan. Nagsalubong ang makapal na kilay ni Kevin nang madatnan ang kapatid ng kanyang asawa na mapang-akit na nakahiga sa kama.   Manipis na nighties lang ang suot nito, walang panloob, dahil kahit lamp shade lamang ang nagsisilbing ilaw ay aninag ni Kevin ang tuktok ng dibdib at kuyukot ng babae dahil sa sobrang ikli ng suot nito.   “Victoria, anong kalokohan 'to?” May langkap ng galit ang tono ni Kevin.   Mukhang naloko na naman sya ng hipag. Matagal na nyang alam na may ibang nais ang kapatid ng asawa nya sa kanya. Ilang beses na syang inakit nito na kung minsan pa ay nagiging sanhi ng pag-aaway nilang mag-asawa. Ilang beses na rin nyang pinagsabihan ang babae, ngunit mukhang wala itong balak huminto hangga't hindi sya napapasakamay nito.   Umindayog ang balakang ni Victoria nang marahang lumapit sa kanya. Tinangka nitong haplusin ang kanyang dibdib, ngunit mariin nyang tinutulan. Mahigpit nyang hinawakan ang pulsuhan ng babae pero hindi ito natinag. Ang mainit na labi naman nito ang dumapo sa kanyang leeg. Humalik roon ang babae bago marahang pinasayaran ng dila ang pumipintig nyang ugat roon.   “Isang gabi lang, Kevin… isang gabi lang…” pagsusumamo nito.   Nakadama ng pagkainis si Kevin. Kahit lumuhod pa ang hipag sa kanyang harapan at lumuha ng dugo ay hindi nya gagawin ang hinihiling nito. Hindi nya kayang pagtaksilan ang kapatid nitong si Franchesca.   “Tigilan mo na ang kalokohang ito, Victoria!”   “Please…”   Tila sinaniban ang babae. Hinawakan nito ang ibabang  kwelyo nya at hinatak  iyon. Nagtalsikan ang butones ng kanyang suot na polo. Mabilis din na naghubad si Victoria. At tama nga ang hula ni Kevin, walang panloob ang babae. Mahigpit nitong hinawakan ang magkabila nyang panga at siniil sya nito ng halik.   “Mga hayop!”   Naitulak ni Kevin si Victoria nang marinig ang boses ni Franchesca. Ramdam nya ang pangangapal at pamumutla ng mukha nang makitang kasama ng asawa ang apat na taong gulang nilang anak na si Bryan. Nangingilid din ang luha sa mga mata ng bata.   “Fran, let me explain. Mali ang iniisip mo,” pagsusumamo nya sa asawang hilam na ng luha ang mga mata.   “Wala kang dapat ipaliwanag sa asawa mo, Kevin! Tayo naman talaga dapat ang mag-asawa eh. Ako ang una mong nakilala, hindi si ate. Bakit sa kanya ka nagpakasal --”   “Shut up! Baka hindi na ko makapagtimpi sa'yo, Victoria!” angil nya sa hipag.   Tuluyan nang tumalikod si Franchesca akay ang anak. Sinundan naman ito ni Kevin.   “Fran, wait!…”   “Sa bahay na lang tayo mag-usap, Kevin. Hindi ko alam kung paanong napunta ka sa kwarto ni Victoria at madatnan ko kayo sa ganoong tagpo. Kung plinano man ng kapatid ko ito o ano mang dahilan, isa lang ang alam ko, nasaktan ako sa nakita ko, Kevin. At hindi mo ako masisisi na maramdaman ko ito! Ilang beses na, Kevin, ilang beses na!”   “I'm sorry… hindi ko rin alam na madadatnan ko si Victoria sa ganoong sitwasyon. Sasama ako sa pag-uwi. Please, honey, hayaan mong ako ang mag-drive,” pakiusap nya sa asawa.   “Hindi... ako ang magmamaneho.” Matigas nitong tutol.   Hindi na rin naman nagprotesta pa si Kevin. Sumakay na ang asawa sa driver's seat at sya naman ay nasa front seat kalong ang anak. Mabilis na nagmaneho si Franchesca.   “Fran, slow down. Baka kung mapaano tayo. Kasama natin si Bryan.”   Tila natauhan naman ito. Nilingon nito ang batang kalong nya at nawala ang atensyon sa daan. Hindi nito napansin ang truck na makakasalubong nila. Sumigaw si Kevin. Nakabig ng babae ang manibela, ngunit nagdire-diretso naman ito sa bangin na nasa gilid ng kalsada. Binalot na ng dilim ang kapaligiran at tanging langitngit na lamang ng gulong at hiyawan ng mga tao ang huling naalala ni Kevin.   >>>>     “Open your eyes, Mr. Dreweyn,” utos ng boses ng isang lalaki sa kanya.   Marahan nga syang nagmulat ng mata, ngunit tanging madilim na paligid ang kanyang nakikita. Muli syang pumikit, at sa kanyang pagmulat ay bahagyang liwanag naman ang pumalit. Hindi sya kumurap. naghintay pa ng ilang segundo hanggang sa naging minuto. Nakakaaninag sya, ngunit hindi malinaw ang kanyang nakikita.   Hospital? Base sa amoy sa paligid, mukhang nasa hospital nga sya.     “Maliwanag, pero hindi malinaw. Bakit ganito? Anong nangyayari?” nagpa-panic na tanong ni Kevin sa doktor marahil na kausap nya. Rinig nya ang impit na iyak ng kanyang ina sa kanyang gilid. Sinubukan nyang tumayo ngunit hindi nya maigalaw ang kanyang hita hanggang binti.   “Mom, Dad, what’s going on? Bakit di ko maigalaw ang mga binti ko. Si Fran, si Bryan nasaan sila?”   Hinagod ng kanyang ina ang kanyang likod. Nanginginig ang boses nito nang magsalita. “Almost one month kang nakaratay, Kevin… at… at --”   “At ano, Ma?!”   “T-two weeks ago, nilibing ang mag-ina mo, anak…” humahagulgol na sabi ng kanyang ina.   Hindi agad nakakilos si Kevin. Natulala lamang sya at hindi naintindihan ang sinabi ng kanyang ina. Inilibing? Sino? Naguguluhan sya at halo-halo ang nararamdaman. Hanggang sa binalikan nya ang mga pangyayari. Nakita sya ng asawa na kayakap ang hipag. Kasama nya ang kanyang mag-ina sa pag-uwi, ang asawa nya ang nagdra-drive, at may nakasalubong silang truck. Madilim. Umiiyak si Bryan…   “No, no, no, no, no. No!!!”   Kahit hindi malinaw ang paningin ay kinabig ni Kevin ang lahat ng maabot ng kanyang kamay. Marahas nya ring hinugot ang mga aparatong nakakabit sa kanyang braso. Masakit ang kanyang dibdib, kumikirot ang kanyang ulo, at sigaw sya nang sigaw hanggang sa maramdaman nya ang tila kagat ng langgam sa kanyang leeg. Unti-unti, nanlabo ang kanyang paningin at nanghina ang kanyang mga braso. Otomatikong pumikit ang kanyang mga mata.   Sa pag-gising ni Kevin ay nagpasya syang parusahan ang sarili. Hindi nya ipina-opera ang kanyang mga mata kahit kaya pa iyong palinawin. Hindi din nya pinagalaw ang kanyang mga binti kahit may kakayahan pa iyong makalakad muli. Hindi sya nagpa-therapy, at sinuway nya ang mga magulang sa mga kagustuhan ng mga ito na treatment at operasyon.   Nagalit sya sa mundo. Nagkulong lang sya sa silid, uminom ng alak, at napabayaan na ang magandang trabaho. Hanggang sa napag-desisyunan nyang manirahan sa dating bahay ng mga magulang, sa isang bahay na tago sa mga taong palaging dumadalaw sa kanya, dahil lalo lamang sumasama ang kanyang pakiramdam sa tuwing kukumustahin sya ng mga kamag-anak at kaibigan.   Ilang beses din syang nagtangka na magpakamatay, ngunit palagi namang naililigtas ng mga taong nakapaligid sa kanya, hanggang sa sumuko na sya. Hihintayin na lamang nya ang kanyang oras, at pahihirapan ang sarili habang wala pa ang oras na yon.   >>>>    “Hmmm…”   Nilingon ni Kevin ang babaeng nagpapaling-paling ang leeg habang umuungol. Kinapa nya ang noo nito. Mataas pa rin ang lagnat ni Mariana. Nawalang ng malay ang babae kanina matapos nyang… napangiti si Kevin sa ala-alang paghalik sa babae. Kaya pala mainit ang hininga at labi nito, dahil may masama na itong nararamdaman. Ngunit ang mainit nitong labi ang lalong nagtulak kay Kevin kanina upang mas palalimin pa ang paghalik na ginawa. Hindi nya naman akalain na hihimatayin ito, kung dahil ba sa mapusok nyang halik o mataas nitong lagnat.   Kailangang matanong nya pagkagising na pagkagising nito. Mukhang wala pang karanasan si Mariana sa ganoong klase ng halik. Alam nya dahil hindi ito nakatugon, at damang-dama nya ang kabog ng dibdib ng dalaga, at ang panginginig at pagtaas ng mga halahibo nito sa braso kanina.   Muling umulong si Mariana. Napatitig sya sa mukha nito. Kahit nakapikit at tulog ay mababakas ang pagka-inosente ng mukha nito. Bigla sa tagong bahagi ng puso ni Kevin ay may nadama syang udyok na nagsasabing ang katulad ni Mariana ay nangangailangan ng proteksyon.   Kung proteksyon rin lang ang pag-uusapan, di kaya mas dapat na mula sa kanya proteksyunan ang dalaga? Dahil aminin man sa hindi ni Kevin, magmula nang ito ang kanyang makasama ay madalas na ang pagbugso ng init sa kanyang katawan. Idinadaan nya iyon sa galit, ngunit sa kanyang isip ay may mas nangingibaw na damdamin syang pilit na iwinawaksi.   Lust lang iyon at wala nang iba.   Hirap man ay pinilit ni Kevin na mas ilapit pa ang katawan kay Mariana. Inayos nya ang kumot na nakabalot dito. Marahan nyang iniangat ang ulo nito upang iunan sa kanyang braso. Tila nakaramdam ang dalaga. Tumagilid ito sa pagkakahiga at isiniksik ang sarili sa kanyang katawan. Nasa leeg na ni Kevin ang mukha nito kaya naman dama nya ang mainit na hiningang lumalabas mula sa ilong ni Mariana.   Yumakap nang mahigpit ang isang braso ng babae sa kanya. Marahil ay nilalamig ito nang sobra. Napapikit si Kevin. Mas lalo nya ring iniyakap ang braso dito, saka hinalikan ang mainit nitong noo. Nagugunita na nya na magugulat ito kapag nagising sa ganoon nilang posisyon. Saka na lamang sya magpapaliwanag, o kaya naman ay idaraan nya ulit sa galit upang hindi na ito mag-usisa pa. Sa ngayon ay nanamnamin na muna ni Kevin ang malambot na katawan ng dalaga.   Nakatulog din sya, para lang sa pagmulat ng mga mata ay maaninag nya ang nakangiting mukha ni Mariana.   Itutuloy... Please Like and Follow <3  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD