Bitbit ang mga bagong labang kumot, binagtas ni Mariana ang daan patungo sa kwarto ni Kevin. Hanggang ngayon ay hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Madilim na nang magising sina Mariana at Kevin. Naalala pa nya kung papaano nagtapos ang gabi kahapon... >>>> “Anong nakakatawa?” malat na tinig ni Kevin. Nagising si Mariana na hindi makahinga, yun pala ay dahil sa mahigpit na pagkakapulot ng kanyang Master sa kanyang katawan. “Master, iba po ang nakatawa sa nakangiti,” sabi nya sa lalaking hindi pa rin umaayos ng pwesto. Ngunit nahihiya na si Mariana sa kanilang posisyon. Baka kung ano na lamang ang isipin ng lalaki dahil kahit sya ay nakapulupot din sa bewang nito. Marahan syang umayos, ngunit di pa man gaanong nakakaayos ay mas hinapit pa sya ng l

