"Hihiga ka nalang ba diyan buong magdamag?" Si Kuya Johnny. Napakaseryoso ng mukha at halatang medyo iritado na yata sa akin. "Wala din naman akong pupuntahan." Balewalang sagot ko dahil iyon ang totoo. "Pwede ba, Amy. Buhay ka pa. Bakit mo pinapatay ang sarili mo?" Halatang naiinis na talaga siya. Huminga ako ng malalim at pumikit, I don't want to argue. Pagod na pagod ako. "Uuwi na sina Tita bukas. Gusto mo bang makita ka nilang ganyan?" Napadilat ako sa narinig ko. Uuwi sima Mama?! Bakit ba ngayon lang niya sinasabi sakin? "What?" Sinabi niya kina Mom at Dad? "Hindi ako. Your bestfriend called them. Siya pa ang mas naunang nagsabi kaysa sa'kin." Ngumiwi ako. "Paano din ba nalaman ni Myla?" Nagtaka ako, bakit alam ni Myla eh hindi naman kami masyadong nag uusap dahil busy nga di

