Nagising ako dahil sa mga labing humahalik sa leeg ko. Nagmulat ako ng mata at nakita ko si Ricky. "Good morning, baby." Aniya at tumitig sa akin. I stretched my arms pero agad ko ding ibinalik iyon sa loob ng comforter dahil nakaramdam ako ng lamig "Morning.." I greeted him back. "Gusto mo na bang lumabas ngayon?" He slowly stroke my arm. Kumurap kurap muna ako bago magsalita. "Hm, anong oras na ba?" "It's eight in the morning.." I tried to smile at him but I didn't answer. Parang gusto ko pang matulog ng mas matagal. "I hope you're not mad anymore." Noong una ay hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya pero nang maisip ko ang mga nangyari ay namula ako. Nakakahiya! Huminga ako ng malalim, I hate this kind of feeling. I never felt insecurity in my whole life, ngayon lang. "Hindi

