Nakaupo ngayon si Seb sa kama habang si Heart naman ay nasa papag at hawak ang kanang kamay ng binata. "I have something to give you," ani ng binata. Kaagad na napatigil ang dalaga sa paggamot sa kamay niya. Tinaasan niya ng kilay si Seb. "What?" tanong niya at bored na tinitigan ang asawa. Gamit ang kaliwang kamay ay may kinuha ang binata sa likod niya at nakangiting ibinigay sa dalaga. Natigilan naman si Heart sa nakita. Nawala ang ngiti ni Seb nang makitang halos hindi na mahitsura ang rose at chocolate. Nalanta ang rose at na-flatten na ang packaging ng chocolate niya. "F**k!" he murmured. "Minumura mo ako?" taas ang kilay na tanong ni Heart sa binata. Napakamot naman agad si Seb sa batok niya. "No of course not," agarang sagot niya. "I'll just buy you a new one," nahihiy

