Tanghali na nang magising ang dalaga. Pakiramdam niya ay dinaganan siya ng sampung ka tao. Napatingin siya sa gilid niya at nakita ang asawa niyang parang maamong pusa na natutulog. Humarap siya rito at napaismid. "Lintek ka talaga, Sebastian. Nu'ng umulan ng kaguwapohan sinalo mo lahat. Ang unfair naman yata at kahit umaga na ang bango mo pa rin," ani ng dalaga sa mahinang boses. "Ang guwapo-guwapo mo pero minsan talaga walang silbi ang mukha kapag hindi ginagamit ang utak," ani niya at inambahan ng suntok ang mukha nito. "Hay naku! Kung hindi ka lang sayang talaga matagal ko nang pinisa iyang itlog mo. Ang tigas ng katawan. Ang mga maskels mo ang titigas sana ganoon ka rin sa mga babaeng umaaligid sa'yo," inis niyang saad dito. Napasilip siya sa katawan nito pababa at nanlaki ang

