Suot ang tight leather jeans na itim at itim ding crop top na pinaresan ng itim na itim niyang wig ay ibinigay na niya ang napakamahal na VIP ticket. Pakiramdam niya ay siya si Ultra Violet sa get up niya. Gumastos din siya ng halos three hundred thousand sa isang ticket lang. Ganoon kamahal at ganoon ka importante ang laban ni Sebastian. Her heart was hammering in fear and excitement. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Pumasok na siya sa loob at iginiya siya sa upuan. Nakatingin lamang siya sa napakalaking arena. Napakalapit lang ng closed ring sa kaniya o mas kilala sa tawag na octagon. Ilang saglit pa ay umakyat na ang lalaking nakasuot ng full body suit at nagsalita. "Good evening world," ani ng emcee. "To begin the ultimate fighting of mix martial arts. Let's call in,

