"Drop your gun, baby," nakangising ani ni Rina sa kaniya. Kaagad na kumunot ang noo ng binata. Nakautok pa rin ang baril sa kaniya. Kaagad na sinipa ni Rina ang baril niya palayo at inutusan ang tauhan nitong itali siya. "Where is my wife?" tanong niya rito. Kagad na humalakhak si Rina at nagkibit balikat. "Ewan ko," natatawang sagot nito. "If anything happens to her, you will surely regret it big time, Rina," matigas niyang banta sa dalaga. "Don't worry, buhay pa naman ang gaga mong asawa," sagot nito. kaagad na naikuyom ng binata ang kamao niya. "Bonux!" tawag nito sa tauhan niya. Kaagad na lumabas ang tauhan niya kasama si Heart na nakatali ang kamay. Ilang saglit lang din ay lumabas sa kusina si Alfred kasama ang dalawang tauhan ni Rina. Duguan na rin ito. Paniguradong binugbog

