Kaagad na napaupo ang dalaga habang nakatingin kay Sebastian na nakahiga sa kama nila. Nagamot na rin ang sugat nito sa natamaang bala sa braso niya. Hindi niya rin talaga ma-gets itong asawa niya. Ang tapang-tapang pero sa simpleng anunsiyo lang niya ayun at hinimatay. Lumabas na muna siya ng kuwarto nila at pinuntahan si Liza. Nakita niya itong naglilinis ng baril. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalnlang isang skilled spy agent si Liza. Totoo nga ang sabi ng iilan. Don't judge a woman by her grammar. Pero ang totoo ngayon niya lang din naisip ang kasabihang iyon. Nilapitan niya ito at nginitian. "Hi, Ms. Heart," nakangiting bati sa kaniya ni Liza. "Puwede mo ba akong samahn sa kung saan naroroon ang malditang, Rina na 'yon?" tanong niya. Kaagad na nanlaki ang mata ni Liza sa

