MATAPOS ng pag-uusap naming yon ay nagkulong na lang ako sa kwarto. Hindi na rin naman ako dinalaw ni Mavi pagkatapos ng pag-uusap namin, mas lalo tuloy akong nakonsensya dahil sa inasta ko kanina. Si Mavi ang Psychiatrist ni Benedict. Sa lahat ng taong narito sa malaking mansyon ni Benedict ay kay Mavi lang ako pinaka-kumportableng makipag-usap, siguro ay dahil nakikita ko sa kanya si Morgan kahit noong unang beses ko syang makilala. (Flashback yung mga naka-italic paragraphs) TULAD ng inaasahan ay dinala ako ni Benedict sa dati nilang mansyon habang humiwalay naman sa'min si Nero. Nasusuka ako habang inililibot ang aking paningin sa paligid pagtapak na pagtapak ng paa ko sa loob. Walang nagbago magmula sa pintura, disenyo at pagkakaayos ng mga gamit. Maski ang mga kurtina at carpet a

