(Third Person's POV) KALMADONG pumasok ang isang babae sa kwartong tinutuluyan nito ngunit natigilan ito nang makaramdam ng presensya mula sa ibang tao na nasa kwarto ya. Imbes na mataranta at tawagin ang security team nya na naghihintay lang sa labas ng kwarto ay tila balewala syang nagtungo kung nasaan ang switch ng ilaw at binuksan yon. Inilibot nya ang paningin sa kabuuan ng kwarto para lang makita ang isang binatang tila ba tamad na tamad sa pagkakaupo sa isa sa mga sofa. Halos magmukha itong lantang gulay dahil nakalaylay sa sandalan ang ulo nya, ganon rin ang mga braso nito na nasa gilid ng armrest. Dagdag pa roon ang pagkakasimangot ng binata habang may sinisipsip na lollipop. "Where have you been? Kanina pa ako nandito." Demanding na tanong nito na para bang magka-edad lang sil

