"DOCTOR, ano'ng problema sa anak ko? Bakit dumadalas na yata ang pagkahilo niya?" may pag-aalalang tanong ni Terrence sa isang specialista kung saan nila ipinakunsulta si Whitney. "I'm sorry to tell you this, Mr Harden. Ngunit dahil sa nagtatanong ka ay sasagutin din kita. May malignant tumour ang anak ninyo. Pero dahil bata pa siya para sa isang operasyon ay hindi ko pa maisuhestiyon na ipaopera n'yo siya," pahayag ng doctor. "Po? What happened? How come?" tuloy ay sunod-sunod namang tanong ni Yana. Aba'y paanong hindi siya mapapatanong ng marami samantalang anak niya ang sangkot! Ano'ng silbi ng kayaman nila kung may sakit namang iniinda ang isa sa membro? No, it can not be! Dahil dito ay napabuntunghininga ang doctor. Pero pinili pa rin nito ang magsabi ng totoo. "Yes, Mrs Ha

