"ANO ang kinalaman mong kuwentas sa buhay ko? Bukod sa may nakita akong kapareha nito sa lalaking lampa na iyon? Matagal ko ng hinahanap ang nawawalang bahagi ng buhay ko. Ngunit bakit ngayon lang nagpakita ang mga senyales sa akin?" nakatingin sa kawalan na sambit ng dalaga. Subalit nagmistulang sirang-plaka sa kaniyang isipan ang pangyayaring iyon mula sa nakaraan. 'Bangon diyan, lampa! Kalalaki mong tao ay ang lampa-lampa mo eh!' sigaw ni Whitney. 'Nasaktan na nga ako, leona. Tapos makasigaw ka pa riyan ay dinaig mo si Mommy,' sagot ni Niel at kulang na lamang ay maiyak dahil sa sakit ng pagkadapa. Ngunit dahil dito ay nakalimutang hindi alam ng kaharap na leona ang tawag dito. Tuloy! Mas nagalit ito at tuluyang naging leona! 'Ako ba ang tinatawag mong leona? Hoy, lampang

