"ANAK, ano ba ang nangyari? Akala ko ba ay pupunta ka ng Ilocos Sur?" tanong ni Terrence sa anak na parang bata na nakasalampak sa sahig. Pero kahit sino sa kanila ang nagtanong dito ay wala itong sinagot. Nanatili itong nakasalampak sa sahig habang yakap-yakap ang sarili. Kaya't hindi na nila ito pinilit na sumagot bagkus ay iginaya nila ito sa upuan. "Dad, wala na siya. Wala na silang lahat," anito habang nakatingala sa kisame. Kaso dahil wala naman silang kaalam-alam sa tinutuloy nito ay sinagot din ito ng tanong ni Ginang Yana. "Sino ang wala, anak?" maang nitong tanong. Subalit imbes na sagutin ito ng dalaga ay iba ang namutawi sa labi. "Take me to the hospital where they took them. I want to claim his corpse, Daddy, Mommy." Instead, she answered. Dahil dito ay muling nagkati

