"WELL... Nakatakas din sa kanila, huh! Makaalis na rin baka ako ay isalang sa kalan," bulong ni Whitney ng nakalabas sa main living room ng kanilang mansion. Kaso! "Sino'ng kausap mo riyan, Leona? Aba'y hindi ka pa naman bubuyog sa pagkakaalam ko ah." Tinig na kahit hindi niya linungin ay kilalang-kilala na. Well, silang mga babae naman sa kanilang angkan ang nagbansagan. Walang iba kundi ang isa pa niyang pinsan sa Harden na mapwa niya Leona pero tigress ang itinawag ng mapapangasawa. Her first cousin Nathalie Janelle De Luna. Bunsong kapatid ng Daddy niya ang ina nito. "Heh! Pasalamat ka at wala akong sakit sa puso! Aba'y maari mo namang ipaalam na nandiyan ka eh!" singhal tuloy niya. "Susme, kako hindi ka bubuyog na bulong nang bulong. Ibig sabihin ay kanina pa ako rito sa tabi mo.

