Isang buwan na ang nakalipas magmula ng malaman kung nanliligaw sa akin si Zack. Nang una hindi ako pumayag dahil natatakot ako na baka paglaruan lang ako ni Zack. At sa loob nang isang buwan ay hindi ko namalayan na unti-unti ko na pala siyang minamahal, pero natatakot pa rin ako na baka sa huli ay mag-iisa na naman ako tapos iiyak. Ayaw ko ng ganun, kuntento na ako kina Daddy, kuya Noel at kuya Jar.
Pero habang tumatagal ay mas lalo akong nahuhulog kay Zack dahil sa mga ginagawa niya sa akin. Katulad ngayun, kasalukuyan kaming nasa sasakyan niya. Sinundo niya kasi ako sa bahay, aayaw sana ako pero si Mommy na ang nakiusap kaya sumabay na lang din ako. Araw-araw na rin siya pupunta dito tuwing umaga para sunduin at ihahatid ako sa bahay. Dahil sa simpleng galawan niya lang ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya.
“Hey, are you ok?” tanong niya sa akin dahilan upang mapalingon ako sa kanya.
“Nothing,” simpleng sagot ko sa kanya at ibinalik ang tingin sa harapan.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami nang school. Bubuksan ko na sana ang pinttuan nang maunahan na ako ni Zack, kaya nginitian ko na lamang siya at nagpasalamat.
Sabay kaming pumasok sa loob nang school habang magkahawak kamay. Ilang ulit ko nang binawi ang kamay ko sa kanya, ngunit mas lalo niya lamang itong hinihigpitan. Naiirita na rin ako dahil sa mga kababaihan na panay tili habang nakatingin sa amin ni Zack.
“Sana all magkahawak kamay.”
“Sana lahat may ka holding hands."
At iba pang mga sinasabi nila.
“Let’s go, wag mo na silang pansinin. Ihahatid na kita sa room mo,” nakangiting sabi nito dahilan upang mas lalong lumakas ang tilian nila.
Kaagad rin akong umupo sa aking upuan at hindi pinansin ang mga tingin na nakasunod sa akin.
“Sana lahat hinahatid,” nakangusong sabi ni Katelyn.
Napailing naman ako sa kanyang sinabi. Ilang sandali pa ay dumating na ang una naming Professor na magtuturo.
“Good morning, class,” pagbati nito sa amin.
“Good morning din po, Prof,” pagbati naman namin pabalik sa kanya.
Hanggang sa nag-umpisa na siyang magturo. Isa siya sa mga strict teacher dito sa school nila Zack, kaya binansagan rin siyang terror teacher dito. Napahinto naman sa pagtuturo si Prof nang nay narinig kaming tugtog galing sa labas nang classroom, at dahil coriousity kills the cat ay ayun mga classmate's ko nagsilapitan sa may bentana at nakisama na rin si Ma'am. Ako naman ay naupo lang at hindi ‘yun pinagtuonan ng pansin.
Napatingin naman ako sa pinto nang bumukas ito, at ganun na lamang ang gulat ko nang makita ko si Zack habang may bitbit na guitara at nasa likod sila kuya Noel, kuya Jar, kuya Jerry, at kuya Jade na nakangiting nakatingin sa akin.
Napangiti naman ako nang marinig kung tinugtog nila ang paborito kung music na “Beautiful in White”
Bigla namang nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ko ang nakataas na banner sa likuran ni Zack. Nakalagay ang “Will you be my girlfriend”, kaya naluluha kung tiningnan si Zack na ngayun ay tapos nang kumanta at may hawak nang human size teddy bear na kulay pink at pulang rosas.
Kahit anong pigil ko sa aking nararamdaman para kay Zack ay alam kung mamahalin at mamahalin ko pa rin siya. Kahit nangangamba na baka umiyak ako sa huli, ang nais ko lang ay makasama ko si Zack.
Nakangiti naman siyang lumapit sa akin. At ‘yung mga kaklase ko naman ay tudo sigaw na…
“Oo na ‘yan.”
“Sagutin mo na ‘yan Kat.”
“Sana lahat hinaharana.”
At iba pang mga sinasabi nila.
“Can you be my girlfriend, baby?” nakangiti nitong tanong.
Lumuluha naman akong tumango sa kanya dahilan para tumili lalo ang mga kaklase ko kasama na duon si Zack at sina Kuya.
“Im verry happy, baby, that you already mine,” nakangiti nitong sabi.
Matapos ang eksena na ‘yun ay balik sa dati naman ang lahat nang dumating na ang susunod na magtuturo sa amin. Hindi na nagturo ang Prof namin kanina, dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Nang matapos na ang pangalawa naming klase ay lumabas na kami ni Kat sa classrom. Paglabas namin ay duon ko nakita sina Kuya kasama ang kaniyang mga barkada. Patakbo naman akong lumapit sa kanila at niyakap sila nang mahiglit sabay halik sa pisngi.
“Wala rin ba ako, baby,” sabi ni Zack dahilan para mapatingin kami sa kanya.
Nagsitawanan naman sina Kuya ng makita nila ang reaction ni Zack. Nakangsuo kasi ito habang nakatingin sa akin, kaya nilapitan ko siya sabay yakap at halik sa pisngi.
“Bat sa pisngi lang?” nakanguso nitong tanong.
“Abah Zack, saan mo ba gustong halikan ni Katana? Sa pisngi? Sa noo? Or wag mong sabihing sa labi? Walang ganyanan, di purket kayo na ay puwede nang maghalikan sa labi. Bawal ‘yun, wala akong pake kung boss ka namin. Ang sa amin lang ay dapat maging patas, dahil hindi sa lahat nang oras ay lalampas pa sa halik sa pisngi. Baka kung saan-saan pa ‘yan mapupunta,”mahabang sabi ni kuya Noel na ikina-nguso lalo ni Zack.
“What the f*ck bro, naging kayo lang naging ganyan ka na? Hindi namin alam na may ganyang side ka pala,” nakangiting sabi ni kuya Jerry.
“Shot up,” nakanguso pa rin nitong sabi.
“Tama na nga ‘yan, baka saan pa ‘yan mapunta. Baka magkapikunan pa kayo n‘yan.” Pang-aawat ko sa kanila.
“Tara na, gutom na ako,” nakanguso kjng sabi sa kanila sabay himas ng aking tiyan.
“Ohh, may baby is hungry na. Let's go,” sabi ni Zack sabay hawak sa kamay ko.
Nag-umpisa na kaming maglakad patungo sa cafeteria. Sina kuya Noel at Kuya Jar na ang nag-order ng pagkain namin, habang kami naman ay naghanap na ng mauupuan namin. Kaagad rin kaming umupo nang makahanap na kami, ilang sandali pa ay dumating na sina kuya bitbit ang pagkain namin. Naalala ko naman ang nangyari kaninang umaga, kung paano nila ako tinataboy na sumakay kay Zack dahil may plano pala silang ganun.
“Kaya pala hindi n‘yo ako pinasakay kanina, kung bakit panay taboy kayo sa akin kanina dahil may plano pala kayo,” nakanguso kung sabi sa kanila.
“Where sorry, lilsis. Itong si Zack kasi may pakana, itong si Zack ang may kasalanan, Love. Siya ang nagsabi sa amin na sa kanya ka na daw sumakay, dahil may ipinagawa pa siya sa amin. At ‘yun nga kanina. Kung nakita mo lang kanina naging reaction niya, Love, para siyang natatae or something na ganyan dahil pinagpapawisan pa ‘yan kanina habang papunta kami sa inyo. Panay mura at dasal n‘yan na sana ay sagutin mo na raw siya. At hindi nga siya nabigo, dahil sinagot mo na siya,” nakangiting sabi ni kuya Jar.
“Tama nga naman kami. Nagdadalaga at umiibig na ang prinsesa namij, nang una pa ayaw-ayaw pa pero ngayun ‘yan na magkaholding hands pa,”mapang-asar na sabi ni kuya Noel.
Hanggang sa natapos na kaming kumain nina Kuya, hinatid na rin nila ako sa classrom. Mabilis lang lumipas ang oras at kasalukuyan na kaming bumababa nina Kuya sa building namin. Si Katelyn naman ay nauna na dahil may family dinner daw sila, kaya kailangan niyang maunang mauwi.
“Hey, are you ok? Your spacing out again, kanina ko pa ‘yan napapansin. May nangyari ba? Is there something happen?” takang tanong ni Zack, habang sina Kuya ay nakakunot-noo lang na nakatingin sa akin.
“Wala naman, siguro medyo napagod lang ako ss nangyari ngayung araw. Marami kasi kaming ginawa kaya ganito na lang ako kapagod. Tara na, para makapagpahinga na ako,” sabi ko kanila.
“Are you sure?” takang tanong ni kuya Noel.
Kaya tumango lamang ako bilang sagot. Hanggang sa nakasakay na kaming dalawa ni Zwck sa kanyang kotse, sina Kuya naman ay nasa kanya-kanya nilang sasskyan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa byahe.
“Wake up sleepy heads.”
Unti-unti kung binuksan ang aking mga mata dahil ss narinig ko. And then i saw Zack smelling infront of my while holding my face. Ito palagi niyang ginagawa sa akin sa tuwing nakakatulog ako sa byahe. Hinahaplos niya ang aking mukha hanggang sa magising na lamang ako.
Agad rin akong bumaba nang sasakyan nang pagbuksan ako nang pintuan ni Zack, ngumiti lamang ako sa kanya at nagpasalamat bago nauna pumasok sa loob. Pagpasok ko sa loob nang bahay ay duon bumungad sa akin si Mommy na nanunuod ng TV kasama sina Daddy, kuya Noel and kuya Jar, kaya lumapit ako sa kanila at hinalikan sila sa pisngi.
“So how's the surprise, ijo? Successful ba or hindi?” tanong ni Mommy.
Napa tingin naman ako kay Zack nang hawakan nito ang aking kamay, pagkatapos ay unti-unti niyang itinaas. Napapikit naman ako nang biglang tumili si Mommy nang malakas.
“So you mean its successful?” nakangiting tanong ni Mommy.
“Yes po, Tita, its successful,” sagot naman ni Zack.
“Im so proud of your, Ijo. Hindi mo talaga sinukuan ang unika ija ko. Ito kasi ang arte, paayaw-ayaw pa umoo rin naman,” sabi ni Mommy.
“Para namang hindi ako anak n‘yan, Mom,” nakanguso kung sabi sa kaniya.
Nagsitawanan naman sila, kaya dahil sa inis ko ay nagtungo na ako sa kusina dahil nagugutom na talaga ako. Kanina ko pa gustong kumain, si Zack kasi ang sweet hindi ko rin naramdaman na nakatulog na pala ako sa byahe. Magpapabili sana ako nang pagkain, kahit sa drive through lang.
Ilang sandali pa ay dumating na sina Mommy, kaya nag-umpisa na kaming kumain. Puno nang tawanan at tuksuan ang maririnig mo sa buong kusina habang kumakain kami. Hindi rin nagtagal rito si Zack, dahil inaantok na rin daw siya. Dito sana siya papatulugin ni Mommy pero umayaw na pang siya. Susunduin na lamang daw niya ako bukas para sabay na raw kaming pumasok.
Pumunta na agad ako sa aking kwarto at ginawa ang palagi kung ginagawa tuwing gabi bago matulog. Nang matapps na ay humiga na ako sa kama, hanggang sa dalawin na ako nang antok.