Napabangon ako nang wala sa oras nang may kumatok sa pinto, kaya tamad ko itong binuksan sabay kusot nang mga mata. Nang mabuksan ko na nang tuluyan ang pinto ay bumungad sa aking harapan si kuya Noel, habang may ngisi sa kaniyang mga labi. Kaya nagtataka ko itong tiningnan, ngunit ang luko tinawanan lamang ako.
“Ang aga-aga mo naman akong gisingin, Kuya. Inaantok pa ako ehh,” nakanguso kung sabi sa kanya.
“Maligo ka na dahil malelate na tayo. Kaya bilisan mo na bago ka namin iwan ni kuya Jar mo," nakangiti niyang sabi.
Inikutan ko muna siya ng mga mata bago ko isara ang pinto at nagtungo sa banyo upang maligo. Ilang sandali ang inilagi ko sa loob nang banyo bago ko naisipang lumabas at nag-umpisa ng magbihis. Pagkatapos kung magbihis ay bumaba na ako nang hagdan at nagtungo sa kusina. Pagkarating ko nang kusina ay nadatnan ko sina Mommy na nagtatawanan. May napansin naman akong isang pamilyar na lalaki habang nakaupo sa tabi nang inuupuan ko palagi. Kaya umubo ako nang peke upang makuha ko ang buong attention nila. At hindi nga ako nagkakamali, dahil nabaling ang tingin nila sa akin. Duon ko lang nakita nang tuluyan kung sino ang lalaking nakaupo katabi nang upuan ko. And it was Zack wearing her school uniform.
“Good morning everyone!” nakangiti kung bati sa kanila sabay upo sa tabi ni Zack.
Ngumiti muna ako sa kanya bago ko ituon ang attention sa harapan. Napansin ko naman na panay ubo at ngiti sina Mommy, kaya napasimangot naman akong nag-umpisang kumain. Panay usap lamang sila about business, habang ako nakatuon lamang sa aking kinakain.
“Kamusta pala ang lakad n‘yo kahapon, Anak?” biglang tanong ni Mommy.
“Ok, naman po, Mom.” Sagot ko sa kanya.
“Anong oras pala kayo dumating kagabi? Pasensya na hindi na namin kayo hinintay, medyo napagod rin kasi kami kaya maaga kaming natulog kagabi,” tanong naman ni Daddy.
“Mga 9 pm po, Dad. Medyo natagalan lang po kunti dahil marami pong rides na nasakyan namin,” nakangiti ko namang sagot.
Tumango naman si Daddy—hudyat na naniwala ito sa aking sinabi. Nabalot muli kami ng katahimikan, hanggang sa bigla na lamang magsakita si kuya Jar.
“Ano na bro, magiging good boy ka na ba dahil sa kapatid namin?” mapang-asar na tanong ni kuya Jar habang nakatingin sa akin.
Umiwas naman kaagad ako ng tingin nang tumingin bigla si Zack sa kinaroroonan ko habang nakangiti. Narinig ko naman ang tawanan nila Kuya kasama na doon si Zack. Nang matapos na akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila sabay halik sa kanilang mga pisngi. Napunta naman ako sa kinaroroonan ni Zack, nagdadalawang isip kung hahalik rin ba ako sa kanyang pisngi. Pikit mata ko naman iyung ginawa pagkatapos ay kumaripas nang takbo dahil sa kahihiyan, naramdaman kung biglang uminit ang dalawa kung pisngi.
Nang makarating na ako sa parking lot nang bahay ay agad rin akong pumasok nang sasakyan. Habang hinihintay ko si Manong driver ay may bigla na lamang pumasok sa kabilang pintuan ng sasakyan, at duon ko lang napagtanto na si Zack pala iyun.
“Ano ang ginagawa mo dito? Diba m-may sarili k-kang sasakyan? Bakit hindi ka doon sumakay?” kinakabahan kung tanong sa kanya.
Ngunit sa halip na sumagot ay hinila na lamang niya ako papuntang sa kanyang sasakyan. Siya na mismo ang bumukas ng pintuan at maingat niya akong pinapasok at ikinabit ang seatbelt. Nagkatitigan kami nang ilang oras nang may bigla kaming narinig na may umubo sa kung saan, kaya hinanap namin ‘yun at doon namin nakita sina kuya Noel at kuya Jar habang nakangiting nakatingin sa kinaroroonan namin. Dahil sa subrang hiya ay agad ko siyang tinulak palabas nang sasakyan, nagtagumpay naman akong gawin ‘yun kaya agad kung sinara ang pinto at itinoon ang attention sa harapan. Ilang oras ang hinintay ko bago siya tuluyang pumasok sa loob, kaagad rin naman niyang pinaandar ang kanyang sasakyan patungo sa skwelahan. Nang makarating na kami sa harapan nang school ay agad rin akong bumaba, ngunit bago ko isara ang pinto ay nagpasalamat muna ako.
“Thanks for the ride, Zack,” nakangiti kung sabi at tuluyan nang sinara ang pinto.
Mabuti na lamang at hindi pa pumasok ang terror teacher namin sa English, kaya kalmado akong umupo sa upuan ko katabi ni Katelyn.
“Good morning, Kambal,” nakangiti niyang bati sa akin.
“Morning din, Kambal,” nakangiti ko ring bati sa kanya.
Kambal ang tawagan namin dahil same kami nang first three letters nang pangalan namin, kaya kambal ang tawagan naming dalawa.
Hindi rin nagtagal ay dumating na ang terror teacher namin, at nag-umpisa ng magturo. Bigla na lamang tumunog ang bell—hudyat na tapos na ang una naming klase, kaya nagpaalam na muna kami pagkatapos ay nagligpit habang hinihintay ang susunod naming klase. Ilang sandali pa ay dumating na ang susunod naming klase, kaya agad rin itong nag-umpisang magturo.
Nangtumunog na ang bell ay lumabas na ang teacher namin sa Math. Nagligpit na muna ako nang mga gamit, bago ko inaya si Katelyn na lumabas na nang classroom. Pagkalabas namin ay doon namin nakita sina Kuya habang kasama ang kanilang mga barkada. Nang makalapit na kami sa kinaroroonan nila ay hinalikan ko kaagad sila kuya Noel at kuya Jar sa pisngi sabay bati. Nakarinig naman ako ng may umubo sa likuran ko, at duon ko nakita si Zack na seriousong nakatingin kina Kuya pagkatapos ay bigla na lamang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha pagtingin niya sa akin. Ngumuso ito na para bang nagpapaawa habang nakatingin sa akin.
“Bro, iba na ‘yan. Pati mga kapatid pinagseselosan,” pang-aasar na sabi ni kuya Jerry.
Ngunit hindi na lamang niya ito pinansin, bagkus ay hinila niya ako pababa nang building namin. Hindi ko alam kung saan kami papunta, kaya hinayaan ko na lamang siya na hilaain ako kung saan. Nauntog naman ang noo ko sa matipuno niyang likuran, kaya nakanguso ko itong hinimas. Hinila naman niya ako ulit, at doon ko lang napagtanto na nandito pala kami sa kanyang opisina.
“Ano bang trip mo at nanghihila ka na lamang bigla?” nakanguso kung tanong sa kanya.
“Nothing, just come here,” sabi nito gamit ang baritono niyang boses.
Kahit naguguluhan ay lumapit na lamang ako sa kinaroroonan niya. Nkatayo ako ngayun sa kanyang harapan habang nakatingin sa mukha nito. Bigla naman akong napasigaw nang hilain ako nito paupo sa kanyang hita, dahil sa subrang hiya ay yumuko ako upang itago ang hiyang aking naramdaman.
“Look at me.”
“I said, look at me," mariin niyang sabi.
Kahit kinakabahan ay inangat ko ang aking tingin sa kanya, at doon ko nakita ang gwapo nitong mukha. Sa totoo lang kapag nakita mo ng malapitan ang pagmumukha niya ay para siyang isang grrek god, dahil sa makapal niya mga kilay, kulay chocolateng mga mata, matangos na ilong, dagdag mo na rin ang katangkaran at makisig niyang pangangatawan na mas lalong bumagay sa kanya.
“Don staring, baby?” nakangiti niyang tanong sa akin, dahilan para yumuko ako ulit.
Bigla naman niyang itinaas ang aking baba upang magkatitigan kami.
“Your so cute, baby, when your blushing.” nakangiti nitong sabi.
Nang dahil sa sinabi niya ay mas lalong uminit ang aking mga pisngi. Napaayos naman ako nang upo ng bigla na lamang siyang yumakap sa akin at isiniksik ang kanyang ulo sa aking leeg.
“I love your smell, baby.”
Naramdaman ko naman ang mumunting halik nito sa aking leeg kaya gumalaw ako upang ipahiwatig na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya.
“Baby, don't move. You make me horny,” paos nitong sabi habang nakayakap pa rin sa akin.
Nabalot kami ng katahimikan, matapos niya ‘yung sabihin. Alam ko naman ang sinasabi niya kanina, hindi ko lang alam na ganun kabilis lang siya maaatrack. Sa simpleng kilos ko lang, ‘yun agad. Napatingin naman ako sa kanya nang umangat ang kanyang ulo at tiningnan ako gamit ang malambing niyang tingin.
“Are you hungry?" tanong nito.
Tumango lamang ako bilang tugon. Nakita kung may kinuha siya sa ilalim ng drawer niya, pagkatapos ay inilapag niya ito sa mesa sabay kuha ng dalawang topper wear na transparent. Ang isa ay naglalaman nang kanin at ang isa namang ay ulam, i think its adobo base sa nakikita ko.
“Let’s eat,” nakangiti niyang sabi. Ngunit kinunutan ko lamang siya ng noo.
“Anong let’s eat? Ano share tayo sa utensils?” kunot-noo kung tanong sa kanya.
“Yes,” nakangiti naman niyang sagot.
“Wala ka na bang ibang utensils d‘yan na gagamitin ko? Wag kang mag-alala kung namru-mrublema ka sa hugasin, ako nang bahala. Basta hindi lang tayo share," sabi ko sa kanya.
“Let’s share the utensils or i will feed you using my mouth?" cold niyang sabi dahilan para mapalunik ako sa sarili kung laway.
Naalarma naman ako nang lumapit siya sa akin habang may nginunguya. Kaya napalunok ako nang wala sa oras. Dali-dali ko namang kinuha ang utensils at agad na kumain, kahit na nag-aalinlangang lunukin ang pagkain ay wala na akong nagawa dahil gutom na rin ako. Nang matapos na kaming kumain ay agad na akong tumayo sa kanyang hita at lalabas na sana nang hinawakan ako nito sa mga kamay.
“And where do you think your going, Baby?" tanong nito gamit ang kanyang baritong boses.
“Ahmm, a-aalis na," nakayuko kung sabi sa kanya.
“Okay you can leave."
Nang marinig ko ang kanyang sinabi ay agad ko na sanang bubuksan ang pinto, ngunit may sinabi siya na nagpahinto at nagpalakas ng t***k nang puso ko.
“But before you leave, where’s my kiss?" nakanguso na niyang tanong.
Moody rin to minsan ehh, minsan swwet, minsan naman cold, o kaya ay masungit, tapos ngayun naman may pagkachildish. Ano to may mood swing.
Naramdaman ko naman na may malambot na bagay ang nakadikit sa mga labi ko, at duon ko lang napagtanto na magkalapit pala ang mga labi namin. Ginawa ko ang lahat upang itulak siya nang magsimula nang gumalaw ang kanyang mga labi, ngunit malakas siya sa akin. Hindi rin nagtagal ay humiwalay na siya sa paghalik sa akin, at may ngiti sa kanyang mga labi.
“Your lips is so sweet, Baby," nakangiti niyang sabi.
Dahil sa subrang hiya ay agad na akong lumabas nang kanyang opisina at tumakbo patungo sa classroom. Umupo kaagad ako sa aking upuan pagkarating ko nang classroom.
“Anong nangyari sa‘yo, Kambal? Para kang ginahasa sa itsura mo ngayun," takang tanong ni Katelyn sa akin.
Sasagot na sana ako nang bigla na lamang dumating ang susunod na magtuturo sa amin, kaya umayos na ako nang upo. Mabilis lumipas ang oras at ngayun ay uwian na namin at kasalukuyan akong nandito sa Van namin. Pagkadating namin sa bahay ay lumabas na kaagad ako sa van at daling nagtungo sa aking kwarto upang magbihis.
Pagkatapos kung magbihis ay sakto ring may kumatok sa pinto, kaya nilapitan ko ito at binuksan. Duon bumungad ang mukha ni kuya Noel na seryosong nakatingin sa akin.
“May problema ka ba, Kuya?"takang tanong ko sa kanya.
“Wala, let's go the dinner is ready," nakangiti nitong sabi at hinila ako pababa nang hagdan.
Pagbaba namin nang hagdan ay bumungad sa amin sina Mommy habang kausap si Zack.
“Anong gunagawa n‘yan dito, Kuya?”takang tanong ko kay kuya Noel.
“He is visiting you,” mapang-asar niyang sabi.
Kaya nakanguso akong lumapit sa kanila at yumakap sa braso ni Mommy.
“Ohh, hi darling," nakangiting bati ni Mommy.
Ngitian ko lamang siya at tumingin sa harapan na sana ay hindi ko na lamang ginawa. Dahil nakatingin sa akin si Zack habang nakangiting nakatingin sa akin, kaya inirapan ko ito.
“Let’s go, the dinner is ready,” aya sa amin ni Mommy sabay tayo at nagtungo sa kusina. Sumunod naman sina Daddy, kuya Noel at kuya Jar. Kami na lang ni Zack ang naiwan dito sa sala.
Inirapan ko muna siya bago tumayo at sumunod kina Mommy, napahinto naman ako nang may humawak sa bewang ko. Kaya hinarap ko ito, at doon ko nakita si Zack na nakangiti.
“Your so hot, Baby," nakangiting sabi nito sa aking tenga.
Kinurot ko ito sa tagiliran dahilan para mabitawan niya ang bewang ko. Umupo na kaagad ako sa upuan at nagsimulang kumain. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako sa kanila at nagtungo sa may kwarto. Hindi rin nagtagal ay nakatulog na ako sa subrang pagod dahil sa nangyari ngayung araw na ito.