CHAPTER 6:
Hindi talaga ako makapaniwala na nandito si Zack, ang akala ko family dinner lang. Kaya pala nang una naghinala na ako, dahil sabi ni Mommy na mag-ayos at magpaganda ako. ‘Yun pala may hindi ako inaasahang bisita, hindi ko talaga inaasahan na si Zack pala ang dahilan kung bakit kailangan kung magpaganda. I thought it was a simple family dinner, just like what i thought before. Tapos napansin ko rin na palagi siyang nakatingin sa akin, kaya kapag titingin ako sa kanya ay siya namang pag-iwas nito at titingin sa kanyang pagkain. Din napansin ko rin na the way na tingnan ako nila kuya Noel, kuya Jar, kuya Jerry, kuya Jade, Mommy and Daddy ay parang may something. Hindi ko alam kung anong klaseng tingin ‘yun, tapos naweweirduhan rin ako sa kinikilos nila kagabi.
Ang mas ikinainis ko pa lalo, pagkaalis nina Zack, kuya Jerry and kuya Jade ay tinutukso nila ako. Like ibang tingin daw ang napansin nila sa aminng dalawa, parang may something daw sa mga tingin namin sa isat-isa. Ano naman ang something don, ehh… Palagi ko nga siyang nahuhuling nakatingin sa akin. Tapos sabi pa nila, napansin raw nila na namumula daw ang pisngi ko. So dapat hindi na ako maglagay ng blush-on, ehh… Naglagay lang naman ako ng blush-on kaya pula ang pisngi ko.
At hanggang ngayun ay hindi nila pa rin ako tinigilan, patuloy pa rin sila sa panunukso sa akin. Ano ba naman kasi ‘yang nakita nila kay Zack, kung makatukso sa akin parang may gusto na ako. Paano naman ako magkakagusto doon, alam ko namang guwapo siya, matalino rin, medyo may pagkamabait. Sabi nga nila na nasa kanya na daw lahat ng hinahanap ng mga babae sa lalaki, like eww… Ako papatol at magkakagusto doon, ehh… Hindi lang siya playboy, f*ckboy pa siya. ‘Yan din ang hindi ko gusto sa mga lalaki, hindi marunong makontento sa isa. Ibang klase pinagsasabay niya limang babae sa isang linggo, tapos sa susunod na linggo iba na naman ang kasama niya. Hindi ba aware ang mga babaeng nakakasama niya, like duhh, wala namang magandang nakikita sa lalaking ‘yun. Nakakasira lang ‘yun ng kinabukasan, hindi siya karapat-dapat sa lipunan.
Hindi naman sa judgemental ako huh, ayaw ko lang talaga sa mga lalaking hindi marunong makontento. Parang sa paningin ko ang dumi nila tingnan, hindi ba nila alam na karma strike you. Kaya ayaw na ayaw kung magkajowa, dahil alam ko na pansamantala ka lang namang masaya tapos sa huli paiiyakin ka rin at hihiwalayan. Kontento na ako sa mga kapatid at kay Daddy, para sa akin sila na ‘yung mabait, mapagmahal na lalaki. Kung baga nasa kanila na ang hinahanap ng mga babae, hindi ‘yung maraming babae ang pinagsasabay. Tapos kapag nakuha na nila ang kanilang nais ay iiwan ka rin sa huli kapag nalaman nilang nagbunga ang ginawa nila.
Ano ba ‘yan, kung saan-saan na napupunta mga sinasabi ko. Kasalukuyan pala akong nandito sa classroom habang nakikinig sa napaka-bored naming klase. Hindi rin nagtagal ay natapos na ang class namin, kaya nag-umpisa na akong magligpit nang mga gamit. Pagkatapos kung magligpit ay inaya ko nang lumbas si Katelyn. Habang naglalakad kami pababa nang building ay rinig na rinig namin ang mga kababaihan na sinisigaw ang mga pangalan nina kuya Noel, paniguradong paakyat na ‘yun dito. At hindi nga ako nagkakamali, dahil tanaw na tanaw na namin sila habang papalapit sa amin. Kaya tumakbo na ako patungo sa kinaroroonan nila at dinambahan ng yakap sina kuya Noel at kuya Jar. Narinig ko naman aang kanilang mumunting tawa, kaya nakanguso akong humarap sa kanila.
“What’s with that face, Babe?” takang tanong ni kuya Noel nang makaharap ako sa kanya.
Ngunit umiling lang ako at kalaunan ay ngumiti sa kanila. Napansin ko naman na bigla silang natahimik habang nakatingin sa akin, lalo na si Zack na may ngiti sa mga labi. Nang maramdaman kung biglang uminit ang pisngi ko ay agad rin akong umiwas at tumingin kina Kuya.
“Im hungry!” nakanguso kung sabi sa kanila sabay himas ng aking tiyan.
Napailing naman sina kuya Noel at kuya Jar habang tumatawa, nakikisabay na rin sa pagtawa ang kanyang mga kaibigan at si Katelyn. Bigla namang tumunog ang aking tiyan huduat na gutom na talaga ako, kaya mas lalong humaba ang aking pagkanguso.
“I think you already hungry,” nakangiting sabi ni kuya Noel.
Nag-umpisa na kaming maglakad patungong canteen, at hindi namin naiwasan ang mga hiyawan nang mga kababaihan na aming nadadaanan. Pagdating namin nang canteen ay nagpresinta nang mag order sina kuya Jerry at kuya Jade, at ngayun ko lang napansin na by schedule pala sila kung sino ang mag-oorder sa araw na ito.
Like duhh! kailangan pa ba ‘yun, i thought magprepresenta lang sila tapos ngayun may sched pala. Nang dumating na sina kuya Jerry at kuya Jade ay nag-umpisa na kaming kumain. Habang kumakain ako ay kanina ko pa napapansin na may nakatitig sa akin, kaya hinanap ko itong kung saan nanggaling. And i was shock, dahil nanggaling kay Zack ang mga matang nakatitig sa akin. Nakarinig naman kami ng may biglang umubo, kaya napaiwas ako nang tingin kay Zack at pinagpatuloy ang pagkain.
Nang matapos na kaming kumain ay bumalik na kaagad kami sa kanya-kanya naming mga classroom, hinatid muna kami nina kuya bago sila umalis. Mabilis lang lumipas ang oras at kasalukuyan na akong nakahiga sa may kama at hinintay na dalawin ng antok at hindi rin nagtagal ay nakatulog na ako.
Kinabukasan ay nagising na lamang ako ng makarinig ng mga katok sa labas nang pintuan nang kwarto ko. Kaya nakapikit akong tumayo sabay kusot nang mga mata habang papalapit samay pintuan, kaagad ko rin itong binuksan at bumungad sa akin sina Mommy, Daddy, kuya Noel at kuya Jar na may mga ngiti sa kanilang mga labi. Kaya nagtataka ko silang tiningnan mula ulo hanggang paa.
“Mommy naman, kitang natutulog pa ako ehh,” nakanguso kung sabi kina Mommy.
“Wala naman pong pasok ngayun, pero bakit ang aga n‘yo akong gisingin," dagdag ko pa.
“Magbihis ka na dali, may nagihintay sa‘yo sa baba. Bilisan mo, mag-ayos ka, magpaganda ka, maligo ka. Dapat pagbaba mo, maayos na ‘yang mukha mo at dapat maganda ka pagbaba mo. Alam ko naman na maganda ka na, pero gusto ko mas maganda ka pa mamaya. No make-up is allowed except liptint, understand,” nakangiting sabi ni Mommy habang tinutulak ako papasok nang banyo.
Kahit nagtataka ay tumango na lamang ako at isinara ang pinto. Nagsimula na rin akong maligo, mga ilang oras ang nilagi ko sa banyo bago ako lumabas at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos kung mag-ayos ay lumabas na ako nang kwarto, at bumaba nang hagdan habang may ngiti sa mga labi.
Nang tuluyan na akong makababa ay bumungad sa akin sina Mommy na may kausap na lalaki, nakatalikod kasi ito sa akin kaya hindi konalam kung sino ito.
“My lovely and beautiful daughter is here with her navy blue dress. Oh my gosh! I love your looks, darling,” nakamgiting sabi ni Mommy habang papalapit sa kinaroroonan ko.
“Ano po bang meron, Mom?” naguguluhan kung tanong kay Mommy.
But i didn't receive an answer, kaya napabuntong hininga na lamang ako habang hila-hila ang kamay ko patungo sa kinauupuan niya kanina. Nang makaupo ay tiningnan ko kung sino ang kausap nina Mommy kanina, ngunit ganun na lamang ang panlalaki nang mata ko ng makitang si Zack ito habang may ngiti sa mga labing nakatitig sa akin.
“Baka matunaw kapatid ko n‘yan, bro! Alam ko naman na maganda na ‘yan ehh, pero ‘yang tingin mo ibang klase,” nakangising sabi ni kuya Jar.
“Tama na ‘yan, kumain na muna kayong dalawa bago kayo umalis,” pag-aya ni Mommy sa amin sabay tayo at nagtungo sa kusina.
Kahit naguguluhan ako sa sinabi ni Mommy ay pinilit kung umayos nang upo. Napatingin naman ako sa aking harapan ng makitang may naglahad nang kamay, kaya sinundan ko ‘yun kung saan nanggaling. Napasinghap naman ako ng makitang kay Zack pala nanggagaling ang kamay na ‘yun, pabalik-balik ang tingin ko sa kanyang kamay at sa pagmumukha niya.
“Tititigan mo na lang ba ‘yan buong maghapon, tapos hindi tayo kakain,” sirouso niyang sabi gamit ang isang napaka pamilyar na baritonong boses.
“Sweety, ano pang ginagawa n‘yo d‘yan hindi ba kayo kakain?” pasigaw na tanong ni Mommy dahilan upang mabalik ako sa katinuan at walang pasabing hinwakan ang kamay nito sabay hila patungong kusina.
Pagkarating namin nang kusina ay nadatnan namin silang nakaupo na. Napatingin naman sila sa gawi namin nang mapansij nila ang presensya namin at bumaba ito sa magkahawak naming mga kamay.
“Hawak kamay, di kita iiwan sa paglakbay. Dito sa mundo walang katiyakan. Hawak kamay di kita iiwanan sa paglalakbay sa mundo nang kawalan,” kanta nina kuya Noel at kuya Jar habang nakatingin pa rin sa aming dalawa.
Agad ko ring binitawan ang kamay niya at umupo sa tabi ni Mommy. Hindi rin nagtagal ay nag-umpisa na kaming kumain, at napuno nang tawanan at tukusuan ang maririnig mo sa buong paligid. Hanggang sa natapos na kaming kumain, kaya bumalik ulit kami sa sala at nag-uusap sila about business. Napansin ko naman na biglang tumayo si Zack at nakangiting tiningnan sina Mommy and Daddy bago tumingin sa akin at bumalik ulit ang tingin kina Mommy.
“We have to go, Tita. Baka maabutan pa kami ng trafic,” nakangiti niyang paalam kina Mommy.
“Sge, maiingat kayo huh? Ikaw na ang bahala sa kanya, may tiwala kami sayo Junz,” makahulugang sabi ni Mommy.
Biglang nangunot ang dalawa kung elahad niya ulit sa aking haralan ang kanyang kamay, habang may ngiti sa kanyang labi. Nag-aalangan ko itong tinanggap at tumingin sa gawi nina Mommy na ngayun ay may lukong ngiti sa kanilang mga labi.
“What is happening, Mom? I thought sina kuya Noel and kuya Jar ang aalis?" kunot-noo kung tanong sa kanila.
Ngunit sa halip na sumagot ay nginitian lamang nila ako sabay tango. Kaya nakabusangot akong humarap kay Zack na ngayun ay nakatingin lang pala sa akin.
Kahit labag man sa kalooban kung sumama sa kanya, ay ginawa ko na lamang dahil pinagpipilitan talaga nila ako. Nagpaalam lang kami saglit sa kanila, pagkatapos ay sumakay na sa kanyang sasakyan. Tahimik ang naging byahe namin, hanggang sa huminto ang sasakyan niya sa may park. Kaya nagtataka ko siyang tiningnan, ngunit nginitian lamang ako bago lumabas nang sasakyan at nagtungo sa pintuan kung saan ako lalabas at siya na miamo ang kusang nagbukas nito. Nang makababa na ay kaagad sumalubong sa amin ang malaig na hangin na nanggagaling sa loob nang park. Hindi kasi ito basta basta isang park lang, dahil puno ito nang mga punong kahot kaya sariwa ang simoy nang hangin. Hindi lang ‘yan, dahil may malaking area ito na malawak kung saan maaari n‘yong tingnan ang mga magagandang bituin sa langit. And meron ding area kung saan may mga rides na maari n‘yong sakyan at marami pang iba, kaya mahilig kaming pumunta nina Mommy dito.
Mabilis lang lumipas ang oras at ngayun ay maggagabi na, kaya naisipan na naming kumain ni Zack sa isang malapit na restaurant sa park. Nang matapos na kaming kumain, ay agad rin kaming bumalik sa park at nagtungo sa mga rides. Iniisa namin itong sakyan, hanggang sa mapagod na kami.
Sa totoo lang subrang saya ko ngayun, dahil ngayun lang ulit ako nakabalik dito after one year. Hindi naman pala boring kasama si Zack, nag-enjoy nga akong kasama siya ehh. Subrang saya namin ngayun, sana maulit pato.
“Are you happy?”
Napatingin naman ako sa tanong niya.
“Of course, dahil after one year ay nakabalik ulit ako dito. This is my favorite place, especially when i was a kid. Palagi kaming pumupunta nina Mommy dito kasama ang Lola ko. But suddenly everything is change when Lola died,” malungkot kung sabi sa kanya.
Why? what happen to your Lola?” tanong nito.
“I thought kuya Noel and kuya Jar tell you about this, but i think its not base on your reaction right now. Our Lola died because of leukemia, hindi namin alam na may ganoon pala siyang klaseng sakit. Doon lang namin nalaman nang inatake siya one day, kaya labis ang iyak namin nun. Palagi namin siyang sinasamahan sa mga chimo niya, pero sabi nga nila walang tao ang tumatagal sa mundo. Lola died after two months, masakit sa part namin na ganun lang siya kadaling nawala sa amin. At mas ikinaiyak namin, dahil namana niya pala ito sa Grandmother namin. May sakit rin itong leukemia, and there is a posibility na mamana ito sa pamilya. Kaya iyak nang iyak kami, at natatakot na baka isa sa amin ang magmamana nang ganoong sakit,” malungkot kung sabi sa kanya.
Ilang oras pa ang pagkukuwentuhan namin bago kami magpasiyahang umuwi na dahil its already 9 in the evening. Nang makarating na kami nang bahay ay aayain ko pa sana itong pumasok sa loob, pero tumanggi lang siya kaya wala na akong nagawa kundi ang tumago na lamang. Pagkaalis niya ay pumasok na ako nang bahay, wala na rin akong nadatnang tao duon siguro ay tulog na. Dumeritso na ako nang aking kwarto at nagpalit nang damit, pagkatapos kung magpalit ay humiga na ako nang kama. Hindi rin nagtagal ay tuluyan na akong nakatulog.