Chapter 5:

2274 Words
Sa kabilang banda naman ay labis ang pag-aalala nang binatang si Zack para kay Katana, hindi niya mawari kung ano itong kanyang nararamdaman. Dati ay wala itong pakialam sa mga babaeng nakakasama at nagiging girlfriend niya, dahil iisa lamang ang tingin niya sa mga babae mga manggagamit at mukhang pera. Ngunit ngayun ay hindi niya mawari kung ano itong kanyang naramdaman para sa dalaga. Nang marinig niya itong sumigaw kanina sa loob nang kusina ay agad din siyang pumunta sa kinaroroonan nito kasunod ang kanyang mga nakakatandang kapatid. Ganun na lamang ang pagkataranta niya nang makitang umiiyak ito habang may mga bubog sa kanyang mga paa. Mabuti na lamang ay nasalo niya ito nang mawalan ito nang malay. Agad rin nilang dinala sa hospital ang dalaga, dahil nalaman din niya na kapag nakakakita ito nang dugo ay agad itong umiiyak at nahihimatay. Kaya labis ang kanyang kaba patungo sa pinakamalapit na hospital. Nang makarating na sila sa hospital ay humingi kaagad sila ng tulong sa mga nurses at doctors. Pero sa halip na asikasuhin ang dalaga na ngayun ay wala pa ring malay habang umaagos ang mga dugo nito sa paa ay sinabi lamang nila na minor enjuries lamang daw ito. Kaya labis ang galit nang binata na umabot sa puntong pinagmumura ang mga nurses and doctors. Wala namang nagawa ang mga doctor kundi asikasuhin ang dalaga. Hindi naman magkanda uga-uga ang mga kapatid nito kung paano ito sasabihin sa kanilang mga magulang. Pagkatapos asikasuhin nang mga doctor ang dalaga ay agaran naman siyang pumasok sa kwarto nito. Nadatnan niya itong wala pa ring malay at namumutla habang natutulog. Kaya lumapit siya rito at hinahaplos ang malalambot nitong mga kamay. Hindi rin nagtagal ay umalis na itong nang hospital at dumiritso sa kanyang pinakapaboritong bar. Alam niyang nahuhulog na siya sa dalaga, ngunit hindi niya lamang mawari na ganun lamang iyun kabilis. Ilang araw pa lamang silang nagkakilala ngunit agad rin siyang nahulog dito. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa dalagang ‘yun, hindi lang siya mabait, matalino rin, magalang, mahilig makipagkaibigan, matulungin sa kapwa, dagdag na lang din natin ang kagandahan nito na para bang isang anghel. Nang makaramdam na siya ng kaunting hilo ay agad rin siyang lumabas nang bar, nag-iwan lamang ito ng pera sa bar counter bago lumabas para umuwi. Pagkadating niya sa kanyang condo ay agad rin itong pumuntang banyo at naligo, dumiritso kaagad siya sa lalagyan nang kanyang mga damit at naghanap ng boxer. Hindi ito sanay na matulog na may damit, dahil mas komportable siya kapag boxer lamang ang kanyang suot. Agad din siyang humiga sa kama, hanggang sa dalawin na ito ng antok. Kinaumagahan ay pikit mata naman niyang kinuha ang kanyang cellphone ng marinig niya itong tumunog. Pinindot niya ang answer ng makitang may tumawag. “What’s the matter m*rons?" nakapikit niyang tanong sa kabilang nilya. “Hindi mo ba kami papasukin, bro? Kanina pa kami nangangalay kakatayo sa harapan nang condo mo,” maktol na sabi ng kanyang kaibigan na si Jade sa kabilang linya. Kaagad din niyang binaba ang tawag ng madinig ang sinabi nito sabay bangon at kinusot-kusot ang mga mata. Walang emotion naman siyang lumabas nang kanyang kwarto at agad na binuksan ang pinto nang kanyang condo. Duon niya nadatnan ang kanyang mga kaibigan na nakatayo–halatang nababagot na kahihintay. “What are you doing her m*rons?” walang kaemo-emotion niyang tanong sa mga kaibigan. Ngunit sa halip na sagutin ay dinaanan lamang siya nang kanyang mga kaibigan at kanya-kanyang upo sa may sopha sabay taas nang mga paa sa isang maliit na babasaging mesa. Napailing naman niyang isinara ang pinto, pagkatapos ay pumunta sa kinaroroonan nang kanyang mga kaibigan. “Anong ginagawa n‘yo rito?” tanong niya ulit sa kanyang magkaibigan. “Wala bang pagkain d‘yan, bro? Parang di ka naman kaibigan ehh…” Nakangusong sabi ni Jade, isa sa kanyang mga kaibigan. Naiinis namang tumayo si Zack sa kanyang kainauupuan at nagtungo sa kusina at naghanap ng lulutuin. Nag-umpisa na siyang magluto ng itlog, bacon, fried rice, and hotdog. Nang matapos na siya sa pagluluto ay inilagay na niya sa mesa ang kanyang niluto sabay tawag sa kanyang mga kaibigan. Nag-uunahan namang tumakbo ang kanyang mga kabigan sa kusina sabay upo sa upuan at nagsandok nang ulam. “ ‘Yan ang gusto namin sayo, bro, ang sarap mong magluto. Puwede ka nang mag-asawa, husband material ehh…" Nakangiting sabi naman ni Jerry. “Nambula ka na naman, kambal, kahit kailan talaga ang lakas mong kumain." Paninirmon ni Jade sa kanyang kambal. Napailing naman si Zack at nag-umpisa nang kumain. Ngayun lamang niya napansin na wala ang Smith brother's. Kaya kunot noo niyang tiningnan ang dalawa habang abala sa kanilang kinakain. Tumikhim naman siya para maagaw ang attention ng dalawa. Hindi naman siya nabigo dahil tumingin sa kanya ang dalawa habang nakakunot noo. “Where is the Smith brother's? Himala yata at wala silang dalawa ngayun dito?” takang tanong niya sa dalawa. Nagpalitan naman ng tingin ang magkapatid–na para bang hindi nila alam kung paano nila sasabihin kay Zack ko nasaan ang magkapatid na Smith. “Ahmm, bro, ano kasi… Sila Noel at Jarquio kasi, ano wala dahil ngayung araw makakalabas nang hospital si Katana kaya wala sila ngayun,” kinakabahang sabi ni Jade. Parang nawalan naman nang libo-libong tinik ang puso ni Zack dahil sa kanyang nalaman. Nabalik naman siya sa katinuan nang may tumikhim. “Bat parang ang saya natin, bro? Inlove na ba ulit ang masungit naming leader?” mapang-asar na tanong ni Jerry. Ngunit sa halip na sagutin ay inirapan lamang niya ito at nagpatuloy sa kanyang kinakain. Nang matapos na siya ay agad din niyang nilagay sa sink ang kanyang pinagkainan at dumeritso sa kanyang kwarto upang maligo. Hindi rin nagtagl ay tapos na siya, kaya agad din siyang nagbihis nang damit at nag-ayos. Nang matapos ay lumabas na siya sa kanyang kwarto at pinuntahan ang kanyang mga kaibigan sa baba, naabutan niya ang mga ito sa salas na nakaupo habang nakataas ang mga paa at hawak ang kanilang mga cellphone. Tumikhim siya upang maagaw niya ang attention ng kanyang mga kaibigan. “Why you still here? I thought you leave after wash the dishes?” malamig niyang tanong sa mga kaibigan. “Ahmm, bro, can we stay here just for a while? Ang boring kasi sa bahay, kaya we plan to stay here kung papayag ka?” nagpapa-cute na tanong ni Jerry. Tango lamang ang naging sagot niya at umupo sa may single sopha sabay kuha ng remote at binuksan ang TV upang manuod. Nasa kalagitnaan na siya sa kanilang pinapanuod ng maalala ni Zack na marami pa pala siyang dapat asikasuhin na mga school paper. Hindi lang siya basta-basta anak nang may-ari nang skwelahan, dahil siya rin ang SSG President nang school nila at kabilang na ruon ang kanyang mga kaibigan. Nakita naman niyang nagtatala siyang tiningnan nang dalawa, ngunit hindi niya na lamang ito pinansin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad patungo sa kanyang kwarto upang kunin ang mga school paper at laptop. Nang makuha na niya ang dapat niyang kunin ay bumalik na siya sa salas, kaagad din siyang bumalik sa kanyang kainuupuan at inumpisahang gawin ang mga school papers. “Pati ba naman dito sa condo mo, bro, busy ka pa rin. Hindi ba puwedeng magpahinga ka man lang," sabi ni Jade kay Zack. Ngunit hindi niya iyun pinagtuunan nang pansin, dahil kailangan niya itong matapos ngayung araw. Kung hindi niya ito matatapos ngayun ay baka madagdagan na naman ito bukas, kaya kailangan niya itong tapusin ngayun mismo. Napahinto naman siya sa kanyang ginagawa nang tawagin na siya nang dalawa upang magtanghalian. Hindi man lang niya namalayan ang oras, kaya tumayo na siya at nagtungo sa kusina. Marunong namang magluto sila Jade and Jerry, sadyang tamad lang ang mga ito magluto kaya nakikikain na lang. Nang matapos na siya sa pagkain ay bumalik na kaagad siya sa kanyang ginagawa. Napahinto naman ulit siya nang nakarinig nang mga mumunting tawa sa kanyang kikuran, kaya masama niya itong tiningnan at doon niya nakita ang dalawa na patuloy pa rin sa pagtatawanan. “What are you doing there?" takang tanong niya sa dalawa. “Wala naman, bro, may nakita lang kasi kaming something fishy dito ehh,” nakangiting sabi ni Jade habang may tinitingnan. Kaya sinundan niya ito kung saan ito nakatingin. Ngunit ganun na lamang ang kanyang gulat nang nakatingin ito sa kanyang laptop, kaya agad niya itong sinara at masamang tiningnan ang dalawa na ngayun ay latuloy pa ring tumatawa. “Sabi na nga ba ehh, may gusto ka rin kay Katana. Denideny mo pa, tapos ngayun may pa wallpaper pang nalalaman,” mapang-asar na sabi ni Jerry sa kanya. Dahil sa inis niya ay kinuha niya ang kanyang baril sa kanang likuran at tinutok sa dalawa. Taas kamay naman kaagad sila nang makita ang hawak ni Zack–na parang sumusuko. Dahil sa takot ng dalawa na baka maiputok ito sa kanila ay agad silang bumalik sa kanilang kinauupuan habang punagpapawisan. Pinagpatuloy naman ni Zack ang kanyang ginagawa, nag-eencode at nagpeperma kasi siya ng mga school papers. At dahil SSG president siya ay responsebilidad niya ang lahat, kung may masamng mangyari sa mga kapwa niya studyante–siya ang mapapagalitan nang kanyang Ama. Kaya habang kaya niya pang gawin ang lahat, gagawin niya ang kanyang makakaya. “Bro, Noel and Jar inveting us to have a dinner to them later,” sabi ni Jerry sa kanya. Tang lamang ang naging sagot niya at tiningnan ang kanyang wrist watch kung anong oras na. Pagtingin niya sa kanyang wrist watch it is already 4:30 pm. Kaya dali-dali niyang tinapos ang kanyang ginagawa, narinig naman niyang tumawa ulit ang dalawa. “Sabi ko na nga ba ehh, sasama ka. Alam namin na siya ang pinunta mo duon, hindi sina Noel at Jar,” nakangiting sabi ni Jade sa kanya. Hindi rin nagtagal ay natapos na siya, kaya agad niyang niligpit ang kanyang mga kalat at pumasok sa kanyang kwarto. Tiningnan niya ulit kung anong oras na, and its already 6:00 pm. Agad din siyang nagtungo sa kanyang banyo at nagmamadaling maligo. Pagkatapos niyang maligo ay agad din siyang nagbihis at lumabas kaagad nang matapos na siyang mag-ayos. Nadatnan niya ang dalawa na nakaupo pa rin habang hawak ang kanya -kanyang mga cellphone. Tumikhim siya upang maagaw ang attention nila sa kanila ginagawa. “Ibang klase, ang bilis matapos ahh. Iba talaga kapag may inspiration,” mapang-asar na sabi ni Jade sa kanya. “Ano pang hinihintay n‘yo aalis ba tayo oh hindi?” tanong nito sa dalawa. Nagtawanan naman sina Jadee at Jerry dahil sa inasta nito. Napatahimik naman sila nang wala sa oras ng masama silang tiningnan ni Zack. Lumabas na kaagad sila nang condo at nagtungo sa parking lot at sumakay sa kanya-kanyang sasakyan. Ilang minuto ang binyahe nila bago sila dumating sa bahay nina Katana, agaran din siyang lumabas nang kanyang sasakyan at iniwan ang dalawa na ngayun ay kakapark pa lamang nang kanilang sasakyan. Nang makapasok na sila sa loob nang bahay nila ay sinalubong kaagad sila nang kanilang dalawang kabigan at mga magulang nito. Hinanap nang mga mata niya ang dalaga, kaya inilibot niya ang kanyang tingin sa buong salas ngunit walang katana ang kanyang nakita. Napansin naman iyun nina Noel at Jarquio. Kaya nagkatinginan sila na para bang nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata. Para alam nila kung sino ang hinahap nito. “Si Katana ba, bro? She’s in her room, i think nag-aayos pa,” makahulugang sabi ni Noel sa kanya. Tumango naman si Zack na para bang kampante na ito sa kanyang narinig. Nag-uusap sila nang mga magulang ni Katana, nang makita niyang bumaba na ang babaeng kanina niya pa hinihintay. Nakasuot ito ng isang pink na drees abouve the knee ito, nagmumukha siyang barbie sa suot nitong dress. Para namang huminto ang palogid ni Zack ng makita niya si Katana na unti-unting bumababa papalapit sa kanila. Nabalik naman siya sa katinuan nang may magsalita sa kanyang tenga. “Bro, laway mo tumutulo,” mapang-asar na sabi ni Jarquio. “Alam naman namin na maganda ang kapatid namin pero wag ka namang ganyang makatingin. Para namang pinagnanasaan mo ito," dagdag pa nito. Hanggang sa nag-umpisa na silang kumain pero ang kaniyang tingin ay nasa babeng nakaupo sa kanyang harapan. Hindi niya alam kung bakit hindi niya kayang mawala ang tingin sa dalaga, alam naman niyang maganda ito hindi lang sa palabas na kaanyuan pati na rin sa loob. Kaya imposibleng hindi siya magkagusto rito. Napatingin naman ako sa ilalim nang mesa ng maramdaman niyang may sumipa sa kanyang paa, kaya kunot-noo niyang hinanap kung kanino ito nanggaling. At duon niya nakita si Noel at mapang-asar siyang tiningnan, ngunit tinarayan lamang niya ito at pinagoatuloy ang kanyang kinakain. Hindi rin nagtagal ay natapos na silang kumain, kaya bumalik na ulit sila sa salas upang ipagpatuloy ang pag-uusap nila. Na kay Katana pa rin ang tingin nito habang nagkwekwentuhan sila, at kanina niya pa napapansin na mapang-asar siyang tiningnan nang kanyang mga kaibigan. Ngunit hindi niya na lamang iyun pinansin dahil mas nakatuon ang kanyang attention sa dalaga na mahinhin na nakaupo sa kanyang harapan. Lumipas ang ilang oras bago sila nag-desisyong umuwi. Kaya nagpaalam na sila sa mga magulang nito pati na rin sa dalaga. Hanggang sa nakauwi na siya sa kanyang condo, ngunit hindi pa rin nawala sa kanya ang mukha nang dalaga sa suot nitong pink dress. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya dahil sa pag-eemagine nito sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD